8/21/2005
anu-anong bansa ang sumakop sa pilipinas?
emilie ann

08/23/05
Kamusta, Emilie? Sana’y maginhawa ang iyong lagay. Ang kaharian ng España ang unang sumakop sa Pilipinas, mula nuong 1565 hanggang 1898. Mula nuon, ang republica ng United States ang sumakop sa kapuluan hanggang nuong katapusan ng 1941 nang ang imperyo ng Japan naman ang lumusob at sumakop sa atin hanggang Octobre 1944. Nuon bumalik ang hukbo ng America at, katulong ang mga Pilipino, binawi ang Pilipinas hanggang nuong Hulio 4, 1946 nang lubusang pinalaya na ang kapuluan. Mula nuon hanggang ngayon, at sana sa maraming panahon na darating, nagsasarili na ang mga Pilipino sa ating pamahalaan.

Tinangka rin ng mga pangkat ng Intsik na maghari sa kapuluan. Una ang mga mandarambong ni Limahong nuong 1574. Nilusob nila ang Manila subalit nagapi sila dahil tinulungan ng mga mandirigmang Bisaya ang mga Español. Pumuslit si Limahong sa Pangasinan subalit sinundan at napalayas din, katulong uli ang mga Bisaya, sinalihan ng mga Ilocano at mga Tagalog mula sa Batangas. Ayon sa ilang ulat, tumulong din ang mga Moro mula sa Mindanao at Sulu.

May iba pang bangsa at pangkat na nagtangkang sumakop sa kapuluan nuong panahon ng Español subalit, maliban sa pagsira nila sa baha-bahagi ng Pilipinas, hindi sila nagtagumpay dahil masiglang ang mga Pilipino na labanan sila. Una nuong 1600 hanggang 1648 ang bagong bayan ng Dutch Netherlands, naghihimagsik nuon upang makalaya sa pagsakop ng kaharian ng España. Napipilan sila kaya ang katabing kapuluan ng Indonesia ang sinakop nila.

Nuong 1762 naman, sinakop ng kaharian ng Britain (England, Scotland at Ireland) ang Manila. Tumagal sila hanggang 1764 bagaman at hindi nila tinangkang sakupin ang iba pang bahagi ng Pilipinas. Nuon naging malaya ang ilang lalawigan, dahil sinamantala ni Andres Malong at naghimagsik sa Pangasinan at ni Diego Silang sa Ilocos naman. Subalit kapwa sila tinalo ng mga Español pag-alis ng mga British at nasakop uli ang mga lalawigang iyon.

Bago pa dumating ang mga Español, ulat ng mga Moro ngayon, sinakop daw ang Manila ng mga Muslim mula sa Borneo. Medyo malabo - tutuong sinakop ang Manila

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

08/07/05
Pwede po bang malaman ang talambuhay ni Emilio Jacinto, Francisco Dagohoy, Pedro Paterno, Jose Abad Santos, Graciano Lopez Jaena? Salamat po!
Grace

08/08/05
magandang araw sa iyo, grace. nawa’y masagana ang iyong kalagayan. salamat sa email mo. isinampa ko na ang talambuhay ni francisco dagohoy sa Dagohoy, Ang Mapagpalaya Ng Bohol. ang iba pang talambuhay ay isasakay sa website sa mga susunod na araw. sana’y makatulong ito sa iyo. don’t hesitate to email in the future!

08/12/05
magandang araw uli sa iyo, grace! ang talambuhay ni emilio jacinto ay nailagay na sa website - Ang ‘Utak’ Ng Katipunan samantalang ang kay graciano lopez jaena ay nasa ‘Principe’ Ng Propaganda. ang iba pa, sina pedro paterno at jose abad santos, ay isusunod sa mga darating na araw. sana’ makatulong ito sa iyo.

salamat po!
ernesto

ng mga Muslim; tutuo ring katulong, kaugnay at maaaring kamag-anak nila ang hari ng Brunei sa Borneo. Subalit si Rajah Suliman na hari ng Manila nuong 1565 ay malamang mula sa angkan ng mga maharlika sa Pasig, mga dayo mula Borneo na nakipag-familia sa mga Tagalog sa banda ng Bulacan at Morong, at pagkaraan ng panahon ay inagaw ang Manila mula sa mga Tagalog ng Laguna at Cavite. Kaya hindi masasabing ibang bansa o mga taga-ibang bayan ang sumasakop sa Manila nuong unang dumating ang mga Español nuong 1570-1571.

Sana’y makatulong ito sa iyo, Emilie. Sumulat ka uli kung sakaling may iba ka pang nais mabatid. Salamat sa sulat mo!

8/24/2005

G. Laput:
Maganda ang inyong ginawa, at maski na matanda na ako ay patuloy na nakikinabang dito. Nagulat lang ako ilang araw ang nakaraan, ng makitang “for renewal” ang domain ninyo. Isang mungkahi po lamang, kung di ninyo mamasamain: Di po kaya maganda kung isasa-aklat ninyo ang nilalaman ng web, o di kaya isasalin sa cd?

Ed Joaquin

08/24/05
Kamusta, Ed! Sana’y maginhawa ang iyong lagay. Salamat sa iyong liham. 3 taon ko nang ari ang domain (katunayan, 2 ang website ko, .org at .com, halos magkatulad ang laman) at wala akong balak bitawan alinman. Mahaba ang istoria kung bakit, subalit pareho kong mini-maintain dahil paminsan-minsan may problema ang isa o ang kabila.

Anyway, bandang 2 taon sa nakaraan, dumami ang mga “registro” dahil sa dami ng websites sa buong mondo. Hindi na tiyak kung ilan, subalit trillion (isang milyong milyon) ang tantiya. Hindi ako nakalista sa maraming “register” dahil impossibleng magpalista sa dami ng “registro.” Ang ibang “registry”naman, ginagamit na pain ang “available” para maka-venta ng “domain” na bahagya lamang kaiba ang pangalan.

Bait and switch” ang tawag sa ganitong daya para magka-pera. Pero hanggang nababasa ang “website” ko mula kahit anong bahagi ng daigdig (kahit sa Africa - may

mga Pinoy ba duon?), ari ko ang “domain.”

Ipinalimbag ko na ang aking aklat at maaaring bilhin ayon sa paraang nakatala sa unang pagina ng “PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan.” Tungkol naman sa CD, dagdag gastos lamang sa bumabasa dahil kahit anong ulat sa website ay maaaring i-download at i-print, o copiahin sa disc ng sinuman nang walang bayad. Salamat sa iyong panukala, at sa pagtangkilik mo sa website. Huwag ka sanang magsawa, lagi kong dinadagdagan ng mga bagong saysay. At huwag mag-atubiling sumulat uli ng tanong, kuru-kuro o anumang balita.

Hanggang sa susunod!
Ernesto J. Laput

08/24/05

G. Laput:
Salamat sa inyong pagtugon. Unang nakalimutan ko ay ang pasasalamat sa pag-gawa ninyo ng web na nagtuturo sa mga bagay na hindi nababanggit man lang sa paaralan. Sa tingin ko napakahabang pagsasaliksik ang inyong ginawa upang ito ay mabuo.

Sana ay bumukas ang mata ng mga taga-DepEd upang maging isa sa mga aklat sa pag-aaral ng kasaysayan ang inyong ginawa.

Ed Joaquin

09/11/05
DAPAT BANG PATAYIN SI ANDRES BONIFACIO SA NGALAN NG PAGKAKAISA NG MGA KATIPUNERO?

cristina c

9/11/05
kamusta, cristina c! sana’y maganda ang lagay mo. salamat sa iyong e-mail.

Ang tanong mo ay batay sa isang sinungaling na ipinataw sa mga students sa Pinas - huwag na nating ungkatin kung bakit at napakahabang paksa. ang tutuo: pinapatay ni aguinaldo si bonifacio upang siya, si aguinaldo, ang maging pinuno ng katipunan. iyon na ang pakay niya mula pa nuong una. pagkasali pa lamang sa katipunan (si bonifacio ang nagpasok sa kanya) nagsimula na si aguinaldo na magpadala ng mga liham at utos sa iba’t ibang panig ng Luzon at Visayas sa ilalim ng kanyang sagisag

na “magdalo,” hindi sa sagisag ng katipunan, - nuong bago pa sumabog ang himagsikan. walang kinalaman ang kapakanan ng katipunan sa pagpatay. katunayan, 6 buwan pagkapatay kay bonifacio, isinuko ni aguinaldo ang himagsikan sa biak-na-bato kapalit sa 400,000 mexican pesos na binigay sa kanya ng mga español. si apolinario mabini mismo ang nagsabi, sa kanyang “la revolucion filipinas,” na inuna ni aguinaldo ang sarili kaysa kapakanan ng bayan.

si mabini rin ang naglahad na ipinapatay din ni aguinaldo si antonio luna, at sa dahilan ding ito: upang wala siyang makaribal sa paghahari sa himagsikan. malungkot at inilihim ito sa mga pilipino kaya hindi nila naunawaan kung ano ang nangyari sa Pinas nitong mga nakaraang araw: Ang patuloy na agawan ng mga politico sa kapangyarihan sa manila hanggang ngayon - pulos martial law, kudeyta, impeach-impeach, walang namang ikabubuti sa bayan, basta maging pangulo sila.

sana’y makalinaw ng isip ito sa pag-unawa mo sa kasaysayan ng Pinas. huwag kang mangiming sumulat uli ukol sa anumang tanong.

09/17/05

Isang mapagpalayang araw. Ako po si Ma. Cristina, kasalukuyang nag-aaral ng kursong kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas, nais ko lamang po magkaroon ng ideya tungkol sa nobelang isinulat ni Pedro Paterno na may titulong “Ninay.” Nais ko po sanang maibahagi nyo sa akin kung pano po ito nagkaroon ng epekto (kung mayroon man) sa pagsulong ng nasyonalismo sa ating bansa.
Maraming Salamat

09/18/05
kamusta, ma. cristina! nawa’y maganda ang araw ngayon at sa darating para sa iyo.

tungkol sa iyong tanong: 27 taon gulang, binata at puno ng pag-ibig si pedro paterno nang isulat niya ang “ninay” nuong 1885 sa español (may salin sa english ni e.f. du fresne, nilathala nuong 1907), tulad ng una niyang aklat, ang “sampaguitas y poesias varias” ( “mga sampaguita, at iba pang tula” ), mga tula ng romansa na sinulat niya nuong 1880. wala nang mahagilap na sipi (copia) nitong mga aklat, marahil dahil sang-ayon ang lahat ng nakabasa mula pa nuong una, na hindi mahusay sumulat si paterno na nuon ay isa sa mga “ilustrado” na kumakalampag (propaganda movement) sa españa na mapagbuti ang turing sa mga tao sa pilipinas.

ang “ninay,” kathang kasaysayan (fiction) ng isang pinay na namatay dahil nasawi sa pag-ibig, ang kauna-unahang novela ng pilipino (ang sumunod, ang “noli me tangere” ni jose rizal ay lumabas nuong 1887). mahalaga dahil dito ang “ninay,” at dahil unang inilarawan nito ang mga gawi at ugali ng mga pilipino at, kahit kampi si paterno sa mga español nuon, may kaunti raw pasaring sa pagmalupit ng mga frayle.

09/18/05

Dear Sir,
If you like you can visit my web
site on Sultanates of the Phils. at www.webalice.it/paopadd

All the best
Paolo Paddeu
Italy

03/02/06

Dear Sirs,
Congratulations for your web site; if you like now you can visit my personal web site on Sultanates at: www.webalice.it/paopadd
All the best
Paolo Paddeu
ITALY

sabi ng ibang manalaysay (historians), ang “noli” ni rizal ay isa ring novela ng romansa na mas maraming pasaring sa frayle. at ito ang pinakamalaking halaga ng “ninay” - nausog nito at naituro ang landas na tinahak ng mga sumunod na manunulat:

1. ang paghayag na may sariling buhay ang pilipino kahiwalay sa español;
2. sa paglarawan, nabigyang halaga ang mga ugali ng tao (fiesta at kasalan, pamanhikan at pagsamba);
3. ang pagsulat sa español, ang wika ng mga nakapag-aral na pilipino (nauna ang novelang “florante at laura,” bago mag-1860s, subalit sulat sa tagalog ng isang dukha, si ‘balagtas’ francisco baltazar, na naging alila upang makapag-aral).

nawa’y makatulong ito. salamat sa iyong liham! sumulat ka uli tungkol sa anuman.
--ernesto

09/19/05

Magandang gabi Ginoong Ernesto,
natanggap ko ang iyong e-mail at malaki po ang tulong nito sa akin. Kanina po ay galing ako sa aming aklatan (UP MainLib) at nakapanghiram ng “Ninay” na isinalin sa tagalog ni Roman Reyes.

Kung hindi po kalabisan ay nais ko muling magtanong ng ilang katanungang makakatulong ng malaki sa aking term papel. Ang paksa ko po ay tungkol sa papel ng literatura sa kolonyal na panahon ng mga Espanyol sa pagsulong ng nasyonalismo, ang inyo pong ibinahagi ay lubos kong ikinagagalak. Nais ko pong malaman sa isa pang pagkakataon ang inyo pong masasabi, opinyon o ideya sa kalalagayan ng literatura sa panahon nila Paterno.

Bakit po karamihan ng kanilang sulatin (mga Ilustrado) ay sinulat sa wikang

Espanyol at hindi sa Pilipino kung sila nga’y tunay na makabayan? Ang nobelang Ninay tulad ng inyong nabanggit ay may ilang pasaring laban sa mga kastila. hindi po ba ito nabasa at nabatid ng mga Kastila gayong naisulat ito sa kanilang wika?

Muli, nagpapasalamat po ako sa inyong pagtanggap ng aking mga katanungan. Maraming salamat po.

Ma. Cristina

09/21/05
magandang araw sa iyo, ma. cristina! galak akong sumulat ka uli.

may kahabaan ang paksa ng iyong talaksang pang-aralan (termpaper). Sa papel ng literatura sa pagsulong ng nasyonalismong pilipino, dapat magsimula sa “florante at laura” na sinulat ni ‘balagtas’ francisco balthazar bago mag-1862. bagaman at tungkol maniwari sa bayan ng albania, naging popular ang dula dahil maraming pasaring sa lupit ng español sa mga tao. ang panahon naman ni paterno ay mahahati sa 2.

Ang una ay ang panahon nina paterno, gregorio sancianco (unang pinoy na sumulat ng propaganda), eduardo de lete, moises salvador at iba pang mga español at mestizo na sumamong pagbutihin ang turing sa mga pinoy. mahinay at maka-español sila, at para sa mga nasa pamahalaan sa españa ang mga samo kaya sinulat sa español.

ang pang-2 panahon ng kilusang ilustrado (propaganda movement) ay mas mapusok, sinimulan ni graciano lopez jaena sa kanyang “la solidaridad” at lalong nag-alab nang dumating sa barcelona si marcelo del pilar matapos kumalampag sa manila na paalisin lahat ng frayle mula sa pinas. nuong una, nasa gitna ng 2 pangkat si jose rizal; bandang huli, mas mapusok pa siya kaysa kay del pilar. aninaw ito sa panlulumo niya sa “noli me tangere” at sa puot sa “el filibusterismo.”

sa pagitan ng pagsulat sa 2 novelas, at marahil dahilan, pinahirapan ng mga frayleng dominicano ang familia ni rizal dahil sa hacienda sa calamba, laguna, at pinatapon sa hongkong. at sa pasiya ni rizal na bumalik sa manila upang duon mag-politica (la liga filipina was a political party), sa halip ng sa españa at sa halip ng pagsulat, lantad ang kahinaan ng literatura sa pagbuti ng pilipino nuon.

ukol naman sa pagtulak sa pagka-makabayan (nacionalismo), mas mabisa ang mga sinulat ni andres bonifacio, emilio jacinto at emilio aguinaldo sa tagalog. bihirang pinoy nuon ang marunong bumasa, at mas bihira ang marunong ng español, kaya panahon na ng amerkano (meron nang public education at nakapag-aral ang daig karamihan) nang narinig ng mga tao ang mga isinulat ni rizal, del pilar, atbp. sa españa, bagaman at tinuring sila ng mga katipunero na mga bayani dahil nilaan nila ang buhay para sa bayan.

sagot sa huling tanong mo, kaunti lamang ang bumasa sa españa ng mga sinulat nina paterno, rizal, atbp. karamihan pa ay mga kapwa nilang ilustrado na walang kapangyarihan duon. ang mga nakabasang español ay ayaw kumalaban sa mga frayle. magulo nuon ang pamahalaang español, pati hari at reyna ay bagsak-angat sa sunud-sunod na coup d’etat, revolucion at contra-revolucion.

karamihan ng español sa pinas na bumasa sa propaganda ng mga ilustrado ay mga frayle na laban sa lahat ng sinulat, at umusig sa lahat ng sumulat. tanyag ngayon ang literatura ng propaganda movement, subalit nuong 1890s, nagtagumpay ang mga frayle sa paglihim sa mga panawagan.

lumawak lamang ang himagsikan sapagkat handa nang lumaban ang mga tao nuon, kahit na walang literatura, kahit na hindi marunong bumasa at sumulat, dahil sa pagmalupit ng mga frayle. ang pagmalupit, pagbitay at pagpatapon din ng español, hindi literatura, ang nagbunga ng paki-isa ng mga tao sa himagsikan.

pagkatapos, palapad-papel lamang ng mga mayaman at nakapag-aral kaya itinuro sa mga paaralan mula nuong panahon ng amerkano na mabisa at tanghal ang propaganda movement. isa pa, ayaw ng amerkanong maghimagsik ang mga tao nuon, daanin na lamang daw sa pagsulat o propaganda kaysa sa aklasan.

katunayan, hanggang ngayon, lahat ng sulat sa pahayagan at panawagan sa radio-tv ay katiting ang bisa sa pag-unlad ng nacionalismo at pagtayog ng bansa, kung ihahambing sa gawa ng isang tao, tulad ni popoy lagman, na ipinaglaban sa bukid at lansangan ang kapakanan ng karaniwang mamamayan.

kung tinulungan siya ng mga mayaman at mga nakapag-aral, hindi ba higit sanang buo at pantay ang lipunan kaysa sa gulo at gimbal ng edsa-edsa, kudeyta-kudeyta, impeach-impeach, at iba pang gimmick ng mga nais sumikat nang hindi nagta-trabajo araw-araw habang buhay.

ewan kung makatulong ito sa iyo. magagamit mo itong outline sa pagsaliksik mo, kung hindi ka man sang-ayon sa aking paniwala (opinion). balitaan mo sana ako tungkol sa iyong termpaper habang, at pagkatapos. kung nais mo, ilagay natin sa website para mabasa at makuro ng iba sa pinas at abroad. salamat sa liham mo!
--ernesto

09/23/05
Magandang araw sa iyo Ginoong Ernesto! Nais ko muling ipaabot sa iyo ang aking malaking pasasalamat sa kaalamang iyong ibinahagi. Ako po ay labis na nagagalak sapagkat malaking tulong ang mga ito sa aking pag-aaral hindi lamang dahil ako ay isang estudyante ng Kasaysayan ngunit sapagkat ako ay isang Pilipino at nararapat lamang na huwag akong maging dayuhan sa sariling kasaysayan. Kayo po at ang iyong ibinahagi ay buong pagmamalaki kong ibinahagi sa aking mga kamag-aral at kaibigan.

Muli, marami pong salamat.
Ma. Cristina

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod