1/25/2005
G. Ernesto,
Sang-ayon sa makalumang kasaysayan ng Timog Amerika ang mga Eskimo o Indiyan ay galing umano sa Asya at dumaan sa “Bering Straight” sa pamagitan ng “land bridge” na naglaho din sa bandang huli. Alam ba ng mga dalubhasa kung ano ang bumuo ng “land bridges”? Ito ba ay bunga ng “ice age”? Ano kayang puwersa ng kalikasan ang lumikha nito at bakit ito’y naglaho? Ito ang mga bagay na hindi masyadong ipinaliwanag sa ating mga paaralan noon. Salamat uli.
|
EMAIL: Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
|
1/30/2005
Kamusta, Juan! Patawad at natagalan itong sagot. Ang “land bridges” ay lubhang mahabang paksa, hindi kasya sa email. Nakalahad sa isang kabanata sa kasaysayan, Ang Unang Tao. I-click lamang upang matunghayan, may mga larawan pa upang madaling maunawaan. Paliwanag ko lamang dito, sinisiyasat pa hanggang ngayon kung bakit nagkaroon ng “ice age” at lumitaw ang mga “land bridges,” at kung bakit natapos ito at binaha uli ng dagat ang mga lupang tinunton ng mga unang tao sa Pilipinas. Maraming sapantaha subalit wala pang tiyak - lumayo nang kaunti ang daigdig sa araw, o tumabingi ang daigdig at lumaki ang bahagi na nalilim, o pumutok ang maraming bulkan at inulap nang makapal ang buong daigdig at hindi nakatagos ang sinag at init ng araw. O ang kabaligtaran, tumigil ang putok ng mga bulkan at lumamig ang daigdig na uminit lamang nang nagsimulang pumutok uli ang mga bulkan (ang buong haba ng Atlantic Ocean ay isang malaking bulkan na ilang libong taon nang bumubulwak). Sana’y makatulong ito at ang kasaysayan sa website. Isulat mo lamang kung may nais ipaliwanag. Mabuhay! |
|
2/4/2005
G. Ernesto:
Aba! Makakuha nga ng aklat ninyo! Nais kong ipabasa ito sa aking mga anak. Ako’y naniniwala na ang masugid na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangan ng mga bagong salin-lahing Pilipino maging dito man sa Amerika o sa Pilipinas. Ang kaalamang ito ay maging saligan ng angkop na pagkaunawa ng kanilang pinanggalingan, ang dunong ng kanilang mga ninuno, at ang pag-asang inaasam ng lahi -- hindi sa Kanluraning paningin kong hindi sa katutubong pananaw. Ako’y nagpapasalamat sa kusa’t dunong ninyo sa pananaliksik upang buohin ang naturang website. Maganda itong naisip ninyo! Bakit hindi ninyo ipadala sa Pamantasan ng Pilipinas ang inyong aklat upang ito’y mailagay sa |
aklatan doon, kong saan mabasa din ng mga pantas and mag-aaral?
Nagpapasalamat,
2/15/2005
2 ulit pa akong nag-email sa malacañang volunteering my book, subalit walang sagot man lamang dahil wala akong kakilala duon at, sa pagkakasabi sa akin, kailangan may ‘hatak’ bago may mangyari. isa pa, agawan sa papuri (at bayad) ang mga aklat sa pinas. nabasa ko pa ang escandalo tungkol sa mga textbook sa private at public schools. palakasan talaga, kahit na sa department of education. pinaka-importante, may mga libro akong pina-print, ngunit nais kong basahin na lamang nang libre ang mga salaysay sa halip na bilhin. sa gayon, malinaw na katotohanan lamang ang interest ko, hindi pera, at walang dapat mag-sospecha na mayruong ibang motibo sa pag-ulat ng history ng Pinas.
Sa ngayon binubuo ko ang kasaysayan ng mga Intsik sa Pinas; tapos, ang mga Muslim naman, bago ko ituloy ang aklasan ng mga Pinoy hanggang sa panahon ng Amerkano. O baka unahin ko ang pagkabuo ng lupang tinubuan - bihirang pinoy ang may alam na galing sa Pacific Ocean ang ibang lupa ng Pinas. At maraming pira-piraso na nagkadikit-dikit lamang... Salamat po sa interest n’yo!
|
1/28/2005
Hi there,
1/30/2005
|
1/31/2005
Jesse |
2/26/2005
|
|
2/28/2005
3/1/2005
“Nuong 1744 nagsimula ang pinakamahabang aklasan sa Pilipinas, tumagal ng 85 taon, nang nautusan ang isang pulis, si Sagarino Sendrijas, na dakpin ang isang taga-Bohol na umalis sa kanyang pagka-catholico. Ngunit si Sagarino ang napatay sa pagdakip. Dinala ng kapatid, si Francisco ‘Dagohoy’ Sendrijas, ang bangkay sa nag-utos na frayle, si Gaspar Morales ng mga Jesuits, ngunit tumanggi itong ilibing si Sagarino sa cementerio dahil napatay siya sa duelo na labag daw sa utos ng Dios.
“Sumumpa si Dagohoy na maghihiganti, at nagtayo ng malayang pamahalaan sa bundok-bundok ng Bohol, ang kauna-unahang pamahalaan ng Pilipino mula nuong 1565 nang dumating ang mga Español. Mahigit 3,000 taga-Bohol ang namundok at sumapi sa kanya.
“Pinatay ni Dagohoy si Frayle Morales. Napatay din ang isa pang frayle, si Giuseppe Lamberti, ng mga kakampi ni Dagohoy. Umabot sa 20,000 ang mga sumapi sa kanya nang mabantog na siya ay may ‘galing’ at tinawag siyang Dagohoy, mula sa wikang ‘dagon sa hoyohoy’ (anting-anting sa hangin, nakakatalon sa kabilang bundok). Ilang ulit niyang tinalo ang mga sandaloang Español. Naitaboy niya ang mga campo ng sundalo sa Loboc, Jagna, Talibon at Dauis na itinayo ng mga Español upang lupigin siya.
“Tuloy pa rin ang aklasan pagkamatay niya, sa pamumuno ng anak, si Handog, at ng kapatid, si Iwag. Nuong Mayo 1827, sa utos ni governador Mariano Ricafort, ang pang-21 governador na lumusob kay Dagohoy, nagpadala ng mahigit 2,000 sundalo
|
To: DrRobertL_Yoder@excite.com
Sat, 26 Feb 2005 Mabini: Wounded Hero I read your article in the Austrian Philippine Homepage, several times in fact. Will you allow me to translate your article into Tagalog for my website, www.elaput.org? I already translated into it Mabini’s Philippine Revolution, with short comments from a couple (Hua and Adib Majul) of professors. Will you let me include your page, please? My Mabini pages are kind of popular in the Philippines. Many, I suspect, have seen very few historical texts in their (mine, too) language. Thanks!
2/27/2005
Source: Dr. Robert L. Yoder, Webmaster, “Rizal’s Life and Writings" http://JoseRizal.info Salamat! |
at taga-Cebu si Jose Lazaro Cairo, alcalde mejor ng Cebu, upang puksain ang aklasan. Ilang ulit silang nanalo sa sagupaan ngunit patuloy ang aklasan.
“Nuong Abril sa sumunod na taon, nagpadala uli ng cañones at sundalo sa pamumuno ni capitan Manuel Sanz. Mahigit isang taon naglabanan bago nagapi ang aklasan nuong Agosto 31, 1829. Mahigit 19,000 sa mga naghimagsik ang bumaba sa bundok at nagbalikan sa mga kabayanan ng Batuanan, Cabulao, Catigbian at Vilar.” |
|
2/28/2005
Dear Ernesto,
Salamat,
3/1/2005
Yung ibang mga kasaysayan sa website (Mabini, Bonifacio, Spanish, Chinese, atbp) ay iniipon pa in greater detail sa 4 or 5 other future books na para naman sa college students and for anybody who wants more intricate knowledge ng ating nakalipas. Nilalagay ko lamang sa website upang may magamit ang mga students meanwhile, kahit pira-piraso...
|
Thank you for your interest, and pls keep writing.
Ernesto 3/1/2005 Ernesto,
Part ba ng program sa university or nakatuwaan mo lang na gawin. Malaking trabaho ‘to but I browsed some of it and bilib ako sa effort mo. Keep up the good work. Kailangan ng bayan natin ang ginagawa mo. Romy |
3/5/2005
Thanks for the greatest website on Phil history to date. It made me appreciated my heritage more. Gilbert |
|
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Mag-email ng tanong at kuru-kuro Mga Kasaysayan ng Pilipinas Ipagpatuloy sa susunod |