12/4/2005

Kuya Ernesto:
sana matulungan mo ako sa aking aralin sa Hekasi : kailangan kong mag research sa mga barko ng ating ninuno. Sana matulungan mo ako. Maraming Salamat po !

Sheena

12/11/05
magandang araw sa iyo, sheena! paumanhin at natagalan itong sagot sa iyo. bahagi ito ng aklat ng ating mga ninuno na binubuo ko pa, inuna ko para sa iyo. nasa website na http://www.elaput.org/mig2boat.htm. sana’y makatulong ito sa iyo.

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

nilagyan ko ng maraming larawan para makita mo ang iba’t ibang bangka at barko sa ulat. salamat sa iyong sulat, sumulat ka sana uli.

12/13/05
kuya ernesto, maraming salamat po at sorry po dahil ngayon lng ako naka reply. nag study pa ako, kasi meron kaming long quiz, kaya ngayon lng rin ako nag open ng computer.

Sheena

12/9/2005
Marami pong salamat at itoy inyong ginawa, hindi ko na siguro kailangan ngayong basahin ang mga ito sa Ingles, itong mga nakatala fito. Irerekomenda itong inyong lugar sa sapot ng daig-dig na elektroniko.
Tumbagang

12/12/05
magandang araw sa iyo, at salamat sa iyong liham! ginawang tagalog ang pagtuturo sa pinas pero wala akong nakitang kasaysayan maliban sa ingles kaya ko isinulat ang website, nang hindi naman malimot ng pinoys ang pinanggalingan. galak ko kung

ipalawak mo sa lahat itong website - libre na, mas marami pang laman kaysa sa philippine history books na ingles.

12/12/05
Kung mayroon akong maitutulong, sabihin lang ninyo. Maganda ito. Mga kaibigan ko po ay nagtataka kung bakit elaput.org ang pinangalingan nito (mga kaibigan sa alibata@yahoogroups.com). ngayon po ay alam ko na.
Ang pagka alam ko ay ibinebenta ang mga ito sa CD-ROM sa iba-ibang lugar, at napakamahal, sa Kastila at Ingles.
Tumbagang

12/11/2005
Ernesto, Mabuhay ka! Salamat sa iyong mga pagod. Ingat at iwas lagi sa mga pekeng dokumento. Sa palagay ko maigi mong inaalam muna kung totoo o hindi ang iyong isinusulat.

Raul Arellano
Pintor base sa America

12/12/05
magandang araw, raul, nawa’y masagana ang iyong hinaharap! salamat sa iyong sulat.

tanang buhay, interesado ako sa kasaysayan pero pagkalabas lamang sa p’nas natuklasan ang karamihan ng mga ulat na wala o lihim sa atin:

naging asawa ni rizal at josephine bracken, patay nang isilang ang anak nilang lalaki; nag-asawa ng dayuhan si leonor rivera para maging matiwasay ang buhay; itinatwa ni rizal ang himagsikan hanggang sa huli dahil mang-aapi lamang daw ang mga magiging pinunong pinoy (tama ba siya?); binawi niya ang sinulat laban sa frayle para lamang makasal sila ni josephine ng jesuit na pari sa fuerza santiago bago siya binitay kinabukasan (may retraction, pero totohanan ba?);

isiniwalat ni mabini, at inamin sa sulat ni aguinaldo mismo, na pinapatay ni aguinaldo si bonifacio at antonio luna para walang karibal bilang supremo; dictador si aguinaldo, hindi republica ang hinayag niya sa kawit nuong 1898;

nagpahele-hele pero talagang balak ng amerkano na sakupin ang pinas nuong 1898,

kaya walang pangako ng kalayaan (ayon kay mabini uli) gaya ng pahayag ni aguinaldo...

naiwasto rin ang ibang ulat sa p’nas na mali:

hindi napatay si soliman nang sakupin ang manila nuong 1570 at 1571; gaya ni tupas (anak ni humabon) nang sakupin ang cebu nuong 1565, tumakas si soliman, tapos sumuko rin;

katiwala lamang si Ka Tunas (hindi Sikatuna at hindi rajah), ayon kay Rizal;

sinupalpal ng mga sugbu, waray at ilonggo ang mga muslim na lumaktaw sa mindoro na pulos mga mangyan, at sa manila na pulos mangingisda at hindi mandirigma; kaya malamang hindi naging muslim ang p’nas kahit kailan (kahit sa mindanao, hinarang sila ng mga manobo, caraga, mandaya, bagobo atbp, pati ng mga butuan na kamag-anak ng mga datu sa sulu) dahil nang dumating sina legazpi, naghahanda na ang mga tagalog na labanan sina soliman na inangkin lahat ng ari nila (kaya hindi kumampi si lakan dula kay soliman); katunayan, mga visaya at tagalog ang sumakop sa kapuluan, sa pamumuno ni salcedo at goiti, at kahati sa kurakot (loot);

mas tiwala sa español kaysa sa tagalog ang mga ilocano, bicolano at visaya kaya hindi sila sumali sa himagsikan nuong 1896...

ito atbp ay dapat malaman ng pinoys upang mas maunawaan nila ang nangyayari sa p’nas ngayon: kung bakit pulos karibalan (at kupit) ang mga pinuno sa pinas, at walang malasakit sa ibang tao o sa bayan mismo na nanatiling pira-piraso. at kung bakit pilit humihiwalay ang mga muslim.

salamat uli sa iyong liham, at sumulat ka sana uli sa mga darating na araw!

12/11/2005
Please furnish me a story of an outline on Kasunduan sa Biak na Bato. Thank You.
angie

12/25/05
hi, angie! sorry for the delay. ‘biak’ should have been the end chapter of the 1896 revolution, which i’m still organizing (the history, not the revolution). i uploaded it ahead at Kasunduan sa Biak-na-Bato: Simula Ng Katapusan Ng Himagsikan - so you could have it soonest. there are numerous references to the previous chapters of the katipunan and the following american invasion and occupation. just ignore them, ‘biak’ should serve by itself. hope you find it useful. thanks for your e-mail!

01/08/06
I just want to ask about my school report in filipino regarding in the topic “katangian ng panitikang filipino sa panahon ng mga americano.” Hoping you can help me in this matter as soon as posible. Thank you!
willie joe

sorry, willi joe, hindi ko pa nauungkat ang paksang ito. maraming articles mula nuong panahon ng amerkano sa Browse by Language Tagalog ng project gutenberg, sa Tagalog section ng Northern Illinois University at sa National Commission for Culture and the Arts ng Pilipinas. Makakapulot ka duon ng mga maliliit na maaari mong maipon para sa school report. sorry, hindi kita natulungan. good luck na lang!

01/17/06

Dear Sir/Madam,
Pwede po ba ko makahingi ng mga tala ng mga naging Datu ng Pilipinas.

Salamat,
Ronald A. Magtangob

paciencia, ronald, wala akong tala ng mga datu. medio malabo ang iyong tanong, kaya kahit hindi kita natulungan, aalukin kita ng 2 paliwanag kung ano ang “datu.” una, maraming naging “datu sa pinas” subalit isa lamang ang naging “datu ng pinas” - si ferdinand marcos nuong nag-martial law. (nagtangka rin si aguinaldo nuong 1898 subalit sinupalpal siya ng mga amerkano.)

pang-2, ang “datu” ay pinuno ng baranggay o nayon. katulong niya ang mga matanda, mayaman at magiting. subalit hindi lahat ng baranggay o nayon ay may “datu” na nauso sa bandang timog lamang ng visaya at mindanao. tandaan si “lakan” dula ng tondo, si “ka” tunas ng bohol na naka-sandugo (blood compact) ni legazpi (mali ng español ang turing na “rajah” sikatuna), pati na sina “rajah” humabon at anak na “rajah” tupas. silang lahat ay “datu” subalit iba o wala, tulad nina zula at lapu-lapu ng mactan, parangal na ginamit.

ang iba pang pinuno ng baranggay at nayon (walang lungsod o city at kabayanan o

01/09/06
pakidagdagan naman po yung mga bayani nyo yung mga huwarang bayani
danica

kamusta, danica! tuwing makabuo ng salaysay, inilalagay ko agad sa “Mga Hindi Karaniwang Pinoys at Pinays” at sa “Aklasan ng mga Charismatic” at patuloy kong dadagdagan itong 2 sa mga darating na panahon. paumanhin at matagal magsiyasat at sumulat. salamat sa iyong liham!

town kundi nuong panahon na ng mga español, nang binura na nila ang anumang parangal ng pinunong pinoy) ay tinawag na “gat” (ginamit na lamang na pangalan ng mga pinuno, tulad ng gatbonton at gatchalian), “manong,” “mang,” “apo” o “abu” at marami pang ibang parangal.

nuong kalaliman ng panahon ng español, maraming “maharlika” sa pinas ang gumaya sa parangal ng español at tinawag ang mga sariling “don” o “señor.” (pinaigsing “ñyor” ang tinawag nina rizal at ilustrados sa isa’t isa.) nagulat ang mga amerkano nang pumasok sila nuong 1898 sa dami ng mga “don” sa pinas.

at itong hindi kapani-paniwalang dami ang tunay na dahilan kaya walang tala ng mga naging “datu” sa pinas. paciencia na, ronald, kung ito na lamang ang naitulong ko sa iyo. salamat sa iyong email!

02/08/06
salamat! ako po ay isang mag aaral mula sa New Era University dito sa Quezon City, nais ko po kayong batiin sa napakaganda nyong web site. mabuhay po kyo!

may gusto po sana akong malaman na kaunting impormasyon dahil sa kasalukuyan ay kami po ay nag aaral sa sikolohiyang pilipino tungkol sa mga mangkukulam at mga uri ng engkanto. saan po ba talaga sila nagmula at may katotohanan po ba ang mga ito? talaga po bang simulat sapul tyong mga pilipino ay meron ng mga gantong pamahiin bago pa tyo dinayo?

yun lamang po at salamat po sa inyong pagtugon (kung kyo ay tutugon pa, hehe) at pasensya npo sa abala... naway marami pang makinabang sa intong ipapamahaging kaalaman...

salamat po ng marami at mabuhay po kayo
-biyo

kamusta, biyo, malugod sana ang lagay mo! tutuong maraming mangkukulam sa pinas daan-daan, maaaring libu-libong taon pa, bago dumating ang mga taga-europe. hinayag ng mga frayleng español tulad ni pedro chirino nuong 1595 sa kanyang “Relacion de las Islas Filipinas” at ni francisco combes nuong 1667 sa “Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes.” may iba pang nakalathala rin sa website ding ito.

dahil sa curso mong  filipino psychology, dapat mo ring basahin ang kabanatang “Buhay Baranggay” ng “PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan” upang maunawaan ang pag-iisip ng mga unang pinoy at kung bakit sila naniwala sa kulam, nuno sa punso, tiyanak, aswang at iba pang lagim sa gubat, dagat at paligid.

sana’y makatulong ito sa iyo ito, biyo. salamat sa iyong email!

2/14/2006
sino ang lider ng cebu at mactan. please send me ngayon kc kailangang kailangan ko.
marra faye

02/15/06
kamusta, marra faye! sana’y masagana ang lagay mo! assume ko na para sa escuela ang tanong mo kaya ito: ang pinuno ng cebu nuong pagdating ni ferdinand magellan (abril 4, 1521) ay si “rajah” humabon. ang pinuno ng mactan naman ay si lapu-lapu, na pumatay kay magellan nuong abril 27, 1521. (pinuno rin sa mactan si zula, at marami pang ibang pinuno sa pulo ng cebu nuon, pero husto na iyong naunang 2 para sa class report).

ngayon, para naman hindi ka malansi: maliit na nayon ng “sugbu” (cebu sa bigkas ng español) lamang ang pinagharian ni humabon - hindi kasama ang mandawe, danao at

iba pang bahagi ng tinatawag ngayong cebu city. lalong hindi buong cebu island, gaya ng akala ng maraming pinoy. 800 lamang ang mga tao ni humabon nuon, kasama na ang mga babae at mga anak na bata. marami raw “kaharian” nuong panahong iyon subalit talagang mga nayon lamang. pinilit pa nga nina magellan ang ibang “rajah” at “datu” sa cebu at mactan na kilalanin si humabon bilang hari ng buong paligid.

sa mactan naman, sobra ang liit ng pulo pero 2 ang leaders - si lapu-lapu at si zula. pumayag si zula na kilalanin si humabon subalit ayaw ni lapu-lapu na mag-alay ng 4 kambing ( 2 kambing lamang ang alok niya, tinanggihan ni magellan) kaya siya sinalakay ng mga español. nuon napatay si magellan. tapos, pinatay na rin nina humabon ang mga español na umurong sa cebu. nakatakas ang ibang español, bagong leader si sebastian del cano, at nakabalik sa españa kaya nalaman ang nangyari sa pinas nuon. walang ibang ulat nina humabon o lapu-lapu na nag-survive hanggang ngayon. nakasulat lahat ito sa “Ang Unang Español” sa website ding ito.

nawa’y makatulong ito sa iyo. sumulat ka uli!

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod