PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Census At Analysis Ng Pilipinas Nuong 1582
|
mga taga-Japan. May bahay-bahay ng indios duon. (Naglaho na ang baranggay na ito, malapit sa kasalukuyang kabayanan ng Mangaldan.) Pagkaraan ng 20 kilometro ang kalagitnaan ng Pangasinan (Lingayen, bagaman at hindi binanggit ni Loarca ang pangalan). Ang purok nila ay paligid sa isang malawak na lawa, halos 30 kilometro ang sukat paikot (Lingayen Gulf ang tawag ngayon) na inaagusan ng 3 malalaking ilog. Mula ruon, maaari nang maglakbay sa lupa hanggang Manila dahil may patag at pantay na daan papunta sa ilog ng Capanpanga (Pampanga River ang tawag ngayon). Bolinao.
Wala silang ligaya kundi pugutan ng ulo ang ibang tao. Isinasabit nila ang mga putol na ulo sa harap ng kanilang mga kubo. Kung sino ang may pinakamaraming ulo na nakasabit, ang siyang pinakabantog at kinatatakutan ng lahat. Hindi sila masupil ng mga Espanyol. Ang mga taga-Bulinao lamang ang nasakop ng Espanyol. Nagsasaka sila sa maliliit na lupa sa tabi-tabi. Naniniwala sila sa Dios sa langit, subalit kapag nagkasakit sila, minalas o nagipit ng masamang kapalaran, nagdarasal pa rin sila sa kanilang mga anyito at mga multo (espiritus, souls) ng mga patay na ninuno, tulad ng gawi ng Pintados (mga Visaya). Ang mga Sambal.
(Lahat ng baranggay na ito ay naglaho na, karamihan ay winasak ng mga frayle sa sumunod na 100 taon upang pilitin ang mga Sambal sa mga nayon na itinatag ng mga Espanyol, tinawag nilang reducciones o mga pinag-ipunan upang mapawi ang bangis ng mga Sambal at maging masunuring catolico.) Ang mga ugali ng Zambales ay katulad ng Moros (tawag ng Espanyol sa mga Muslim). Kakaiba ang kanilang damit, nagsusuot sila ng maigsing salawal (pantalones, trousers) at baro na maigsi ang manggas (camiseta, short-sleeved shirt) at sa balikat, hindi sa harap ang bukasan. Sa dibdib at balikat ng baro, nagsusuot sila ng sagisag (insignia, badge) na parang iba-ibang kulay na cross. Kakaiba rin ang gupit ng buhok nila. Inaahit nila ang kalahati ng ulo, sa harap, kaya mukhang malapad ang kanilang mga nuo. Ang mahaba nilang buhok ay nagsisimula lamang sa tuktok, at lagaylay sa batok. Ugali ng Zambales na bitayin ang mga mamamatay-tao (maliban sa mga pumupugot ng ulo). Ang pagbitay nila ay binubutasan ang tuktok ng ulo at kinakayod palabas ang utak. |
|
Cagayan, Ilocos, Zambales LAHAT ng mga taga-Ylocos ay katulad ng Pintados (mga Visaya) sa kanilang pamumuhay, subalit sila ay kumakain ng hilaw ng carne (raw meat, kinilaw ang tawag sa ulam). Ganuon pa man, sila ay mapayapa at hindi mahilig makipag-digmaan. Sila ay mapakumbaba (humilde, humble) at mahinahon. Cagayan.
Malakas ang agos ng tubig ng Cagayan at malaki ang harang (barra, bar) ng buhangin at putik na itinambak nito sa bukana (sa tinatawag ngayong Aparri) ng dagat (Babuyan Channel ang tawag ngayon). Kapag kataasan ang dagat, mahigit 3 metro ang lalim ng tubig na nakapatong sa harang, at kulang-kulang 2 metro kapag kababaan ng dagat. Mula sa Manila hanggang ilog Cagayan, ang layo ay mahigit 500 kilometro. Malalawak ang mga baranggay sa pampang ng ilog. Mahigit 30,000 tao ang nakatira duon, sagana sa palay at maraming alagang baboy (cerdos, swine). Walang minahan ng ginto duon subalit may ginto ang mga katutubo. Maalinsangan ang panahon duon, lalo na kapag umiihip ang hangin mula sa hilaga (north). Nagkakalakal ang mga tagaruon sa mga taga-Ylocos. Babuyan.
Laoag, Dingras.
(Maaaring ang kasalukuyang kabayanan ng Bangui ang tinawag ni Loarca na Vicagua, pangalan na matagal nang naglaho. Kahit sa mapa ng mga frayle nuong 1625 ay wala ang libis na ito. Mula rito, patimog (southward) na ang baybayin ng Luzon.) Patunton pa rin sa baybayin (coast), mararating ang malaking nayon ng Ylagua (ngayon ay lungsod ng Laoag). May 5,000 indios duon subalit sila ay hindi pa rin nasusugpo ng mga Espanyol, at nanatiling mabangis. Mula duon, halos 15 kilometro sa looban ng Ylocos ang isa pang libis na tinatawag na Dinglas (Dingras ang tawag ngayon). Mayroong nakatira duong 2,000 indios. Candon, Vigan, Bantay.
Halos 10 kilometro (sa timog) ang isa pang libis na tinawag na Sinay (ang kasalukuyang Sinait) na binabahayan ng 1,600 indios. Halos 15 kilometro ang namagitang bundok-bundok bago marating ang susunod na libis, tinawag na Bantay na mayroon ding 1,600 indios. Halos 5 kilometro, pagkaraan ng mga |
bundok uli, ang kabayanan ng Fernandina (itinatag ni Juan de Salcedo, apo ni Miguel Lopez de Legazpi, ang sumakop sa Manila at Cebu). Ito ang kabayanan na sinalanta ni Limahon (si Dim Mhong o Limahong na sumalakay sa Manila nuong 1574; nakaulat sa Limahong sa Manila, Pangasinan sa website ding ito). Malapit sa Fernandina ang baranggay ng Vigan na binabahayan ng bandang 800 indios. Katapat naman nito ang libis ng Landan na mayroong 1,000 indios. Halos 10 kilometro ang layo sa timog ng Maluacan (maaaring ang kabayanan ng Narvacan), nayon ng 1,800 indios at 15 kilometro kasunod nito ang maraming baranggay ng Candon na mayroon ding 1,800 indios. Pagkatapos, bandang 9 kilometro sa timog, ang isa pang libis na tinawag na Lumaquaque (malamang ang kasalukuyang kabayanan ng Santa Cruz). Balaoan.
Pangasinan.
Bandang 4,000 lamang ang mga taga-Pangasinan na maamo sa mga Espanyol. Masipag silang magtanim. Ipinagbibili nila ang kanilang ani (cosecha, harvest) at mga tela na hinawi nila sa mga nagmimina ng ginto (ang mga tagabundok na tinawag na Ygulod o Igorot sa Benguet). Ang kapalit na ginto na tinatanggap nila ay ipinagbibili naman nila sa mga Espanyol. (Hindi binanggit ni Loarca ang paggawa duon ng asin na malaking kalakal ng mga tagaruon, at gamit nila sa pag-buro ng isda at hipon upang makagawa ng bagoong, tuyo at patis.) Masagana sa Pangasinan, maraming pagkain, bigas, kambing at baboy. Nanghuhuli rin sila ng mga ligaw na bufalo (tawag ng Espanyol sa kalabaw, subalit ang tinukoy ni Loarca ay ang mas maliit na tamaraw na mabangis at maliksi. Ang kalabaw na maamo at mas angkop sa pagsaka sa bukid ay nagmula sa India at dala ng mga dayo mula sa Indonesia at Vietnam nuong mga panahon na bagong dating ang Espanyol sa Pilipinas). Kahawig ng mga taga-Pangasinan ang mga Zambal sa anyo at salita, subalit mas matalino ang mga taga-Pangasinan dahil sila ay nahasa sa pagkalakal at pakiki-ugnay sa mga dayuhan, ang mga taga-China, taga-Japan, taga-Borneo at mga katutubo sa mga karatig na pulo. Pinapatay ang mga anak.
Halos 30 kilometro mula sa Bacnotan ang mga baranggay ng Barato (Baratao, dating pangalan ng tinatawag ngayong Bauang) at Alinguey (Aringay ang tawag ngayon; hindi na magkatabi, halos 20 kilometro ang layo ng Bauang sa Aringay ngayon). May 2,000 indios ang nakatira sa 2 nayong iyon. Pagkaraan ng 30 kilometro pa, natatagpuan ang baranggay na tinatawag na daungan ng |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Yslas Filipinas, ni
Miguel de Loarca, sinulat nuong Junio 1582, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |