Tumanggi Ang Bulag ANG NAYON ng Leyte ay nasa tabi ng isang napakagandang ilog na tinawag ding Leyte. Ang pangalan ding ito ang itinawag sa buong pulo. Ang nayon ay nasa bukana ng landas papunta sa Manila na mahigit 600 kilometro ang layo. Ang Carigara ay padakong silangan (east), 24 kilometro ang layo, 48 kilometro kung magbabangka - mas madalas gawin dahil sa taas ng mga bundok sa pagitan ng 2 nayon. Pagkalagpas sa Carigara, halos 10 kilometro pasilangan ang ilog Barugo, tinatahanan ng mahigit 300 familia. May iba pang mga bahay-bahay sa paligid nito. Nanduon ang 3 matatandang lalaki. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
Ipinatawag ang frayleng Jesuit, si Mattheo Sanchez, upang binyagan ang isang matandang maysakit. Pagpasok ng frayle sa kubo, nakita niyang may kasamang 2 lalaki ang maysakit, matatanda rin. Ang isa ay hindi na makalakad at lagi na lamang nasa kubo. Nang madinig ng pang-3 matanda na tinuturuan ni Sanchez ang maysakit, gumapang ito sa sahig at lumapit. Nakinig siya sa lahat ng itinuro ng frayle, at tumagal ang kanilang usapan nang ilang oras. Nang mabinyagan na ang maysakit, hiniling ng kasama na binyagan din siya bago umalis ang |
frayle. Baka raw hindi na siya makapaghintay pa sa pagbalik ng frayle dahil sa tanda niya. Kaunti na lamang daw ang mga araw niya at nais niyang yumao na isang catholico. Bininyagan siya ni Sanchez. Sa isang tabi, nagtitirintas ng sinulid at lubid, ang pang-3 matandang lalaki ay bulag. Habang tinuturuan ng frayle ang mga kasama niya, patawa-tawa lamang siya at nagbibiro. Nilapitan siya ng frayle upang amukin na magpabinyag, subalit matigas ang loob niyang tumangging maging catholico. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |