NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino
Magka-kaibáng Calendario Ng Nakaraán
|
|
|
NUÓNG 1971, inilibíng ng mga T’boli sa Mindanao ang isáng kasama matapos siyáng iburol nang mahigít 2 linggó, bilang parangál (respect) at upang magka-panahón (oportunidad, chance) ang familia na magtayô ng bagong bahay sa malayò at ilipat duón ang mga ari-arian, patí ang mga dindíng (muros, walls) ng lumang bahay. Nuóng hulíng gabí ng lamay (velatorio, wake), itinakbó ang bangkáy paligid sa bahay nang buóng magdamág (all night) - halinhinan ang mga lalaki - habang panáy ang panaghóy (lamentations) ng mga kamag-anak at pagpuri sa namatáy. Kinabukasan, pagsikat ng araw, inilibíng ang patáy at sinunog ang bahay niyá upang piliting umalís ang kaluluwa (alma, soul). Kung hindî, lalamunin ng mga multó (fantasmas, ghosts). Ang kahulugán ng kasaysayan (history) ay ang pag-ulat ng karanasán ng isáng bayan. Bahagì ng kasaysayan ng Pilipinas itóng gawî ng T’boli dahil inilarawan ng mga frayle (frailes, friars) nuóng unang pasok ng mga Español, 400 taón sa nakaraán. Subalit matagál na itóng gawî nuóng unang isinulat kayâ dapat maniwalà na mas matandâ itóng gawî nang daán-daán, maaaring libu-libong taón pa, sa nakaraán. Hindî masabi kung kailán, at kung itó, at ibá pang lumang gawî, ay tubong likás (native to the Philippines) o dalá ng mga dumayo mulâ sa mga kapitbayan. |
||
Halimbawà itó ng hirap ng pagbakás sa Unang Panahón ( prehistory), nuóng walâ pang kasaysayan sa Pilipinas. Patí ang simulâ ng pagsulat, at ng kasaysayan sa Pilipinas, ay pinagtatalunan pa. Natuklás sa Laguna ang isáng bayad utang (saldar la deuda, debt paid in full) na inukit sa tansô nuóng 900. [Nakahayag sa website ni Paul Morrow ng Canada, Ang Kasulatáng Tansô Ng Laguna ] Dahil dito, alám nang marunong bumasa at sumulat ang tao bago pa dumatíng ang Español, at panukalà ngayón na matagál nang may kasaysayan sa kapuluán. Ang hirap, pulós kawayan at dahon ang sinulatan, agád naagnás at naglahò. Nalimot pa ng mga Unang Pilipino kung paano sumulat at bumasa. Kayâ halos waláng katibayan, at waláng masabi nang tiyák. Sa haráp ng mga suliranin, matamáng sinurì, at sinusurì pa hanggáng ngayón, ang Unang Panahón upang maunawaan kung saán nagmulâ ang mga Unang Pilipino at kung kailán sila dumatíng sa Pilipinas. At iláng sapantaha (theories) ang naimungkahì na. Hindî maiiwasan, may malî at kulang na kasama. |
||
SA LAHÁT ng bayan sa silangang timog (southeast) Asia, pinaka-maiging nasurì ang Pilipinas dahil sa sikap niná Dean Conant Worcester, Carl Eugen Guthe at ibá pang nag-aghám (scientists) mulâ sa
Matapos suriin ang sari-saring hugis ng mga palakól na bató na natuklás niyá mulâ nuón, binuô niyá ang magulóng sapantaha (theory) ng ‘agos’ (migration waves) ng ibá’t ibáng lahì ng mga dayuhan. Pinaka-matayog sa malíng sapantaha ng ‘agos’ sa buóng silangang timog Asia, minungkahì niyá sa 2 ulat nuóng 1947 at 1948: |
||
1. Ang mga Bulilit. Dumatíng ang 2 pangkát ng mga Bulilit (enanos, pygmies) sa Pilipinas nuóng 30,000 - 25,000 taón sa nakaraán. Anák-anák (descendants) ng mga nakakatindíg na primitivo (homo erectus) tulad sa Taong Java (Java Man), ang nagíng mga ninunò (antepasados, ancestors) 250,000 taón sa nakaraán, tinuláy ng mga Bulilit habang nangangahoy at palaboy-laboy sa gubat ang mga lupang nagkabít (land bridges) ng Pilipinas sa Borneo nuóng panahón ng tag-gináw (Ice Age). Kaurì silá ng mga Sakai at ng aborigines sa Australia. 2. Ang mga taga-Indonesia.
|
nagíng ninunò ng mga tao duón ngayón.
B. Matipunò at mas pandák, marunong magtaním (horticulture) at magpasô (alfareria, pottery), dumatíng sa Luzón at Taiwan nuóng nakaraáng 2,500 taón mulâ timog (south) China at Indochina (Vietnam, Cambodia at Laos). 3. Ang mga Malay. Mestizo ng mga unang taga-Indonesia at ng mala-Intsík (mongoloid), ang pinaka-bihasà (most civilized) sa mga dayuhan, dumatíng silá mulâ timog, sakáy sa mga bangkáng tinawag niláng baranggáy, na batayan pa ng politica sa Pilipinas ngayón. |
|
SALUNGÁT si Robert Bradford Fox sa panukalà ng ‘agos’ (migration waves) ng mga dayuhan subalit upang ipaliwanag ang Unang Tao sa Pilipinas, minungkahì niyá nuóng 1967 ang sunud-sunód na pagdayo ng mga tao mulâ sa mga kalapit na bayan, tulad ng mali-maling sapantaha ni Henry Otley Beyer.
Unang nagsiyasat si Fox sa Pilipinas nuóng 1950s, kasama ang isá pang nag-aghám sa unang tao (archaeologist) mulâ sa America, si Wilhelm G. Solheim II, at mga Pilipinong nag-aghám din, siná Alfredo E. Evangelista, Avelino Legaspi, E. Arsenio Manuel at Jesus T. Peralta. Nuóng 1958, si Fox ang namunò sa pangkát na ipinadalá ng National Museum of the Filipino People upang suriin ang 505 libingan mulâ nuóng Unang Panahón sa Pulong Bakaw at sa Kay Tomas, kapwà nasa Calatagan sa Batangas. Subalit ang pinaka-mahalagáng pagsiyasat ni Fox ay sa mga yungíb ng Tabon, sa Palawan, simulâ nuóng 1962. Mulâ sa lahát ng kanyáng natuklás, tinangkâ ni Fox nuóng 1967 na ituwíd ang malíng sapantaha ni Beyer tungkol sa pagdatíng ng tao sa Pilipinas nuóng Unang Panahón:
|
||
1. Ang mga Palaboy. 500,000 taón sa nakaraán, panahón ng Tao ng Java, dumatíng ang mga Unang Tao, nangangahoy at palaboy-laboy sa gubat. Hindî na binanggit ang mga Bulilit dahil natuklás nang ‘hindî Negrito’ ang Tao ng Tabon at dahil waláng katibayan anuman kung kailán dumatíng ang mga Bulilit. 2. Panahón ng Bató (Paleolithic Age). Mahigít 50,000 hanggáng 6,000 taón sa nakaraán, unang hinugis ang bató at ginamit nang palagian. Nang bumabaw ang dagat nuóng panahón ng tag-gináw (Ice Age), nakabít ang Palawan at nagíng landas ( pasillo, corridor) mulâ sa Borneo. Sa habà ng panahóng itó, hindî nag-ibá ang mga kagamitang bató (stone tools) at akalà ngayóng waláng gaanong pagbabagong naganáp sa Pilipinas. 3. Makabagong Panahón ng Bató (Neolithic Age). 6,000 taón hanggáng 2,500 taón sa nakaraán, nagsimuláng gawín at gamitin ang kakaibáng hugis ng bató sa Pilipinas. Natapos ang tag-gináw at lumubóg ulî sa dagat ang landás papasok sa Palawan. Mabilís ang maraming pagbabago sa Pilipinas. Nagsimulâ ang pagtaním at pamahayang palagian (settlements) sa tabí ng mga ilog, lawà at luók. Lumawak ang pagputol sa mga punong kahoy, dumami ang gamit sa kahoy - patí mga talukap (tree bark) ay ginawáng damít - at nagsimulâ ang ‘paglinis’ sa gubat upang mag-kaingin.
4. Panahón ng Bakal (Metal Age). Malakíng pagbabago sa Pilipinas. Nagsimulâ ang paghabì ng tela (cloth weaving), gamit ang sinulid na abacá. Unang ginamit ang salamín ( glass) na gawâ sa Pilipinas o dinalá mulâ sa ibáng bayan. Umunlád at lumawak ang pagtaním (agriculture). Nagkaruón ng paggawaan (fabrica, workshop) ng batóng ihada sa Palawan.
5. Panahón ng Kalakal (Age of Contact and Trade). Simulâ nuóng 1,100 taón sa nakaraán subalit maaaring mas maaga pa, nagsimuláng dumatíng ang mga nagkakalakal (comerciantes, traders) mulâ sa Arabia. Sumunód sa kanilá pagkaraán ng 200 taón ang mga Intsík. Napalitán ng porcelana ang mga palayók, pasô at bangà ng mga katutubo - mahigít 40,000 na ang natagpuáng porcelana, at 4 sa bawat 5 ay mulâ sa timog China. |
||
MALAKÍ ang utang na luób ng Pilipinas sa mga nagsimulâ ng pagsiyasat sa malayong nakaraán ng bayan, lalo na kay Beyer. Naimulat niyá ang pag-iisip ng mga Pilipino nang inilathalà ang kanyáng sapantaha sa mga aklát-paaralán (textbooks) mulâ nuóng 1948. Mapapatawad ang kanyáng mga malî, hindî pa natutuklás nuón ang karamihan ng mga katibayan na, ayon kay Eusebio Dizon ng Museum of the Filipino People, ay salungát sa kanyáng sapantaha ng ‘Agos ng Dayuhan’ (‘Migration Wave Theory’). Malî rin ang akalà niyáng hindî marunong mag-pasô ang tinawag niyáng ‘Indonesian A,’ sabi ni Peter Bellwood ng Australian National University. Sa kawalán ng salapi, hindî pa napapalitán ang mga malíng aklát-paaralán na ginagamit hanggáng ngayón. Matagál nang laós ang sapantaha ng agos ng dayuhan, paniwalà ngayóng sali-salibat ang lakbayán, lipatán at balik-balikán ng mga tao nuóng Unang Panahón sa Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Vietnam, Thailand, Cambodia at ibá pang bahagì ng silangang timog Asia. Subalit sa kawalán ng katibayan nuóng 1967, ginamit pa rin ni Fox, bagamán at inamin niyá, sa hindî niyá pagbanggit, na waláng katibayan ang panukalang naunang dumatíng sa lahát ang mga Negrito. Sinalungát din ni Dizon ang pagsipi niyá sa Unang |
Panahón (prehistory) ng Panahón ng Kalakal. Mayruón nang kasulatán sa Pilipinas nuón, katibayan ng simulâ ng kasaysayan (history) at katapusán ng Unang Panahón. Kung kailangan mang ihiwaláy itóng panahón dahil hindî pa lawák ang pagsulat nuón, sabi ni Dizon, dapat itóng tawaging Pasimulâ ng Kasaysayan (Proto-history).
Tulad kay Beyer, dapat igalang ang mga naitulong ni Fox sa kaalamán ng Pilipinas. At tulad ulî kay Beyer, mapapatawad ang mga malî ni Fox dahil nuóng 1967, bahagyâ pa lamang nabatíd na ang mga Mangyan ng Mindoro, ang mga Tagbanwa ng Palawan, at ang ibá pang pangkát sa Mindanao na itinuturing na mga Unang Tao (indigenous peoples) sa Pilipinas ay may sarili, at magka-kaibáng, baybayin at pagsulat na sinusurì pa ngayón ng Summer Insitute of Linguistics (SIL) at ng United Nations (UNESCO).
|
|
Nakaraáng kabanatà Balík sa itaás Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Listá ng mga kabanatà Sunód na kabanatà |