KUNG tutuusin, matatawag lamang na porcelana ang likhâ sa fino at putíng tisŕ (arcilla, clay) mulâ sa Kao Lin (cerro alto, high hill ), isáng bundók sa China, na ‘pagka-lutň’ ay kasing tigás ng bató, kasing putî ng ulap at kasing kinis ng salamín. Ang likhâ sa magaspáng na tisŕ ay tinatawag na stoneware, hindî kasing kintáb ‘pagka-lutň.’ ‘Mala-porcelana’ (‘proto-porcelain’) namán ang tawag sa mga likháng kulang o malî ang kao lin nuóng 618 - 905, panahón ng kaharián ng Tang (Tang dynasty), nang sinimulán pa lamang ang pagpo-porcelana. Halos 400 taón bago napaghusay ang ‘tunay’ na porcelana hanggáng nagharě ang mga Song (Sung dynasty) nuóng 960 - 1126, at nagsimulâ ang Panahón ng Porcelana sa Pilipinas.
Nakapaluób sa panahóng itó ang itinagál ng 3 pang kahariáng sumunód sa China - ang Yuan ng angkán ni Genghis Khan nuóng |
![]() Panahón Ng Porcelana, Kalakal
Tangě ang gawî ng pagpa-pasô (ceramics tradition) sa kasaysayan ng Pilipinas. Mahigít 2,000 taón ang magana at malawak na likhâ ng sari-saring hugis at lakí, para sa ibá’t ibáng gamit - sisidlán ng tubig, pagkain, nga-ngŕ, alahas at bangkáy - upang malaós lamang sa pagdanak ng mga porcelana mulâ sa China. Napalitán bilang pinggán at mangkók ng maharlika, agaw-buhay nagpatuloy sa kamáy at pamuhay ng mga dukhâ sa paglipas ng daán-daáng taón. Ngayóng malayŕ at nangibabaw na namán ang karaniwang tao, tanghál ulî ang likháng hamak, ang palayók, - pinaka-mainam sa paksíw, karé-karé, pinangát at ibá pang lutong Pilipino, - sa hapág kainán ng lahát, pati ng mga kasalukuyang ‘maharlika.’ |
|
1260-1368, ang Ming nuóng pinaka-tagintíng ang porcelana, 1368-1644, at ang mga Qing (Ching, Manchu) nuóng 1644-1911, nang nagsimulâ ang pagbabŕ ng halagá ng porcelana.
Nalagak din sa Pilipinas ang porcelana mulâ sa Sukhotai at Sawankhalok sa Thailand, simulâ nuóng 1295 hanggáng 1450, subalit tanghál ang Manila ngayón dahil sa ibá’t ibáng bahagě ng Pilipinas, marami at mayaman ang porcelana ng China mulâ nuóng panahón ng mga Song, kabilang ang mga tinatawag na ‘celadon,’ ang |
pakintáb na kulay luntian (pale green) na bantóg sa mga Intsík nuóng Unang Panahón. Sinabing aninaw nilá sa kináng nitó ang hiwagŕ (magic) ng batóng ihada ( jade).
Sa dami ng porcelana, nadaíg daw si H. Otley Beyer nang siyasatin niyá ang 20 - 30 libingan sa Novaliches, sa Rizal, nuóng 1926. Sa halíp na pala (hand shovel ) o kalaykáy (trowel ), 2 traktora (steam shovels) daw ang ginamit na panghukay, at pa-ganta-ganta binilang ang mga libo-libong piraso ng porcelana na lumitáw. |
|
Hanggáng kailán lamang, hinayag na libo-libong porcelana, mga buô at hindî baság, ang hinukay sa isáng libingan lamang ng mga magnanakaw upang ipagbilí sa mga collector. Halos lahát ng pulô, mulâ sa hilagang Itbayat, sa Batanes, hanggáng sa Tawi-Tawi, sa timog ng kapuluán ng Sulu, ay may mga porcelana na inilibíng kasiping ng mga ninunong yumao.
![]() Sa Butuan, nahuhukay parang camote ang mga porcelana sa mga bakuran (backyards). Patong-patong pa ang mga porcelana mulâ sa China nang natuklás ng mga nag-aghám na sumisid (marine archaeologists) upang siyasatin ang mga bangkáng pandagat na lumubóg sa banda ng Mindanao. At taón-taón, tantiyáng daán-daán libong porcelana, buô at baság, ang naipagbibilí sa Manila ngayón. Tanghál din ang mga porcelana mulâ sa China |
hanggáng sa katapusán ng Unang Panahón (prehistory) at sa simulâ ng kasaysayan ng Pilipinas. Nuóng 1521, sa mga mangkók na porcelana hinainan ng pagkain at alak ng mga Pilipino si Antonio Pigafetta. Sa mga bangang porcelana hinatíd kay Ferdinand Magellan ang palay para sa kanyáng mga gutóm na tauhan, at sisidlán ng mga handóg na ibinigáy niyáng kapalít.
At hanggáng ngayón, inuukit ng mga Kalinga at ibá pang taga-bundók ng Cordillera sa kahoy ang hugis at anyô ng mga pinggán at
|
Bagamán at, o marahil dahil, silá ang naunang nagkalakal, waláng tumalo sa mga Song sa husay at gandá ng mga likhâ. Maaaring nagka-ganuón sapagkát pinakapál at pinatibay nang hustó ang mga porcelana nuóng mga sumunód na kaharian upang hindî madalíng mabasag sa paglakbáy sa
![]() Hanggáng ngayón, inilalabas at ginagamit ang mga lumang porcelana sa mga pag-aalay (ceremonias, rites) at pagdiriwang (fiestas, feasts) sa mga bundók sa Pilipinas. May mga tanging porcelana rin, lalo na sa lumang libingan - maniwaring ginawâ sa China nuóng Unang Panahón bilang ‘special order.’ |
Nakaraáng kabanatŕ Balík sa itaás Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanatŕ Sunód na kabanatŕ |