![]() Mga Gamit Na Bató Ng Mga Pilipino
Walâ pang 10 por ciento ng mga gamit (artefacts) ang natuklás na. Ano-anó ang itinaním, at inani, nuón? MULÂ 1962 hanggáng 1968, nagsaliksík sa Palawan ang pangkát ni Robert Bradford Fox, pinunò nuón ng anthropology division ng National Museum of the Philippines. Inuna nilá ang mga yungíb (cuevas, caves) sa Lipuun, malapit sa kabayanan (town) ng Quezon, lalo na ang cave complex sa
Tabon, matayog at malakíng bangín (pricipicio, cliff) na animo umahon sa sahíg ng lupa, sa tabí ng dagat. Sunud-sunód niláng nahukay,
Nuóng buóng panahóng iyón - 21,000 taón - hindî katabí ng dagat tulad ngayón kundí 35 kilometro ang layo ng dagat sa Tabon dahil tag-ginaw (Ice Age) nuón at bumabà ang dagat (sea level), kayâ walang natagpuáng butó ng isdâ anumán. Marahil kayâ rin 5 lamang ang tumpók ng mga kagamitán (instrumentos, tools) at pinagtabasang bató - malayo sa tunay o palagiang tahanan, ginamit lamang ang mga yungíb bilang paggawaan (fabrica, manufacturing), at upang manghuli (cazar, hunt) ng hayop.
Maraming natagpuáng butó ng maliliít na hayop: mga ibon at panikì (murciélagos, bats), baboy at isang urì ng usá (ciervo, deer) na naglaho na (extinct). Maniwaring waláng malakíng hayop na nakaratíng nuón sa Palawan, at waláng natagpuáng kagamitáng gawâ sa butó.
Napuna rin nina Fox na sa 21,000 taón itinagal ng paggamit ng bató, bahagya lamang nagbago ang hugis at gawî (estilo, technique) ng paggawâ. Hawig (similar) ang mga kagamitán sa mga ginawâ nuóng unang panahón din sa mga ibáng puók sa Indonesia at Malaysia, pahiwatig ng malawak na ugnayan at lakbayan ng mga Unang Tao sa silangang timog (southeast) Asia. Napuná ng mga nagsaliksík (researchers) na kaibá ang anyô ng mga gamit na bató sa China at Japan nuóng panahón ding iyón,
Sa dami ng mga tinapyás na bató at mga pinagtabasan (cores and waste flakes), maliwanag na ang yungíb ay paggawaan (factoria, workshop) ng mga kagamitáng bató. Gawî sa Europe at ibá pang bahagì ng daigdíg, naghugis ng malaking tipák na bató (core) ang mga unang tao at mulá rito, paulit-ulit na tinapyás ang maraming matalím na panghiwà (cutters). Gawî rin sa mga ruón na kapág pumuról ang talím ng panghiwà, kinikiskís uli (retouched) upang magamit ulî. Kaibá ang natagpuán sa mga yungíb sa Palawan. Hindî hinugis kundî bastá tinapyás ang bató at iyón na mismo, patí na ang natapyás, ang ginamit na panghiwâ. Bihira din natagpuán ang mga panghiwâ na kiniskís ulî. Maniwaring bastá itinapon na lamang ang panghiwâ nang pumuról na, at tumapyás na lamang ng bagong bató.
Bangkáy ng Isáng Lalaki Isá sa mga unang natuklás nina Fox sa Tabon ay isáng lalaking inilibíng (buried) nang nakabaluktót (agacharsiado, flexed) sa yungíb ng Duyong 5,100 taón sa nakaraán. Ibinurol siyáng kapiling ng isáng batóng darás (stone adze) na hugis Duff type 2, at 4 pang gawâ sa kabibi (concha, shell) ng Tridacna. May ibá pang ginawâ rin mulá sa talukap ng pagkaing dagat (shellfish): 2 hikaw (pendientes, ear discs) at isáng kuwintás (colgante, breast pendant) na gawâ sa puwít ng kabibing
Naiwan din duón ang isáng piraso ng bungô (cráneo, skull) ng tao, kasing tandâ o maaarì, sa pagsurì ng mga aghám, na mas matandâ pa. Itó, kasama ng iláng piraso pa ng kalansáy ng ibáng tao, ang tinatawang ngayong Tao ng Tabon (Tabon Man). |
||
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Susunod na kabanata |