NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino
Tasaday: Ang Bagong ‘Taong Bató’
|
Buhay, Pagkain at Gawain ng mga ‘Unang Pilipino’ BIGÔ hanggáng ngayón ang pagsiyasat sa mga Unang Pilipino tungkól sa kaniláng ‘kanin.’ Sa natuklás na mga kabibi (seashells) at butó ng mga hayop (animal bones), alám na kung anu-anó ang ulam, patí ang mga kabayo (horses), na kinain sa Pilipinas nuóng Unang Panahón. Subalit walâ kahit isáng butil ng palay (rice), daras (millet) o anumang butil ng ‘kanin’ (grain cereal) ang naaninag sa mga palayók, bangŕ, tapayan at pasô, ginawâ nang bahagyâ lamang nagbago sa pagdaán ng 3,000 taón sa ibá’t ibáng bahagě ng kapuluán. Patí ang mga kasaysayan ng Pilipinas ay kauntî lamang luminaw sa ‘kanin’ ng mga Unang Pilipino. Ang mga Mangyán sa Mindoro, nang unang suriin nuóng panahón ng Amerkano, ay kumain ng saging araw-araw. Karaniwang ‘kanin’ ng Tasaday nuóng unang natuklás ay ‘biking,’ ang
Ang ibá pang pagkain ng mga Tasaday bago silá naturuan ay nakukuha o nahuhuli ng kamáy (manos, hands) - isdâ (fish), palakâ (frogs), botetč (tadpoles), talangkâ (crabs), uod (grubs, worms), saging (bananas) at ibá pang bungang kahoy (fruits and berries), luya (ginger), bulaklák (flowers) at ibá pang mga halaman sa 200 kilala nilá. Tinuruan silá ng mga Blit, lalo na si Dafal na nakaibigan nilá, na gumamit ng patibóng (trap) na panghuli sa usá (ciervo, deer), baboy damó (wild pigs), tsonggo (monkeys) at dagâ (rats, mice). Tinuruan din silá ni Dafal kung paano pumutol at kumain ng ubod ng punong niyóg (palm tree pith). Isá pang natutunang kainin ng Tasaday ay ‘natek,’ ang tawag nilá sa sagó, pinigâ mulâ sa tinawag niláng basag, isáng urě ng punň ng niyóg (Caryota palm tree). Matapos patuyuín, inilalagŕ itó parang ‘kanin.’ Itó ang pagkain sa Cotabato nang unang pasukin ng mga Espańol nuóng 1595, mahigít 400 taón sa nakaraán, at kinakain pa hanggáng ngayón ng mga taga-Papua-New Guinea sa hilaga ng Australia.
Kabihasnán: Bagong Buhay ng mga Tasaday Ang mga Tasaday ay nawili sa bigás, tinawag niláng ‘natek’ ni ‘Momo Dakel’ (‘tiyóng malakí,’ tawag nilá kay Manuel Elizalde ng PANAMIN na tumulong sa kanilá) mulâ nang una niláng natikmán. Mas mainam daw ang pakiramdám nilá pagkatapos kumain ng ‘kanin’ kaysa ng ‘biking’ o kahit na ng ‘natek’ na kung minsan ay nagpapa-sakít ng tiyán nilá. Kasali na ngayón ang mga Tasaday sa kabihasnán ng Cotabato, matapos siláng natuklás at “ampunin” ng katabíng pangkát ng mga Manobo rin, ang mga Blit. Nakipag-asawa pa silá, natuto nang magtaním, tumirá sa mga kubo at magsuót ng damít (clothes), bagamán at ang isáng babaing Blit na napangasawa ng isáng Tasaday ay napilitang gumawâ at magsuót ng tapis na talahib (grass skirt) dahil naagnás na ang dalá niyáng damit. |
Pumilě ng batóng ilog si Mahayag, kiniskís sa isá pang lapád na bató at pinatalím ang isáng gilid, tapos itinalě sa hiniwang rattán; 15 minuto lamang, may palakól na...
GAWÎ ni Mindal, isáng Manobo ng pangkát na Blit, na mangahoy sa timog Cotabato. Patapós na ang 1950s nang naka-kalakal niyá ang mga ‘lihim’ na taong gubat. Nag-iiwan siyá ng pagkain o gamit na naglalahň nang may kapalít kinabukasan. Hindî nagtagál, nakilala niyá ang mga Tasaday, ang 26 ‘lihim’ na taong gubat. Nakasali sa ugnayan ang anák niyá, si Dafal, na nagturň sa mga Tasaday ng mas maiging paghanap ng pagkain sa gubat. Nuóng 1968-1969, nabalitaan ni Dafal ang kilusáng tumatangkilik sa mga cultural minorities sa Pilipinas, at nanawagan siyá upang matulungan ang paghihirap ng mga Tasaday. Nakaratíng kay Manuel Elizalde Jr., ang nagtatág ng kilusang PANAMIN, at nagdalá nuóng 1971-1972 ng mga nag-aghám na namangha sa pangkát na namumuhay pa sa Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age). Dahil maniwarě sa bulahaw ng mga pahayagan at mga usyoso, pinutol ni Pangulo Ferdinand Marcos ang pagdayu-dayo, sa mungkahě ni Elizalde, at nakublí mulí ang mga Tasaday. Hanggáng bumagsák si Marcos nuóng 1986 at nakapuslít ang isáng mamahayag (journalist) mulâ Europe at natagpuáng namumuhay pang-karaniwang taga-barrio ang mga Tasaday. Hindî taong bató! ang siwalat niyá, inulit-ulit ng ibá pang pahayagan at kumalat sa buóng daigdíg. Maraming nasangkót, patí na ang Batasang Bayan (Congress) ng Pilipinas, sa sumunód na pagsiyasat.
|
|
Natuklás: Huwád ang Buhay na Bató, o Hindî Tutuóng taong bató ang mga Tasaday... Matapos ng aking pagsurě, paniwalŕ ko na ang mga nagsiwalat ng ‘dayŕ’ ang mismong nandayŕ. Walâ siláng katibayan anumán... --Lawrence Reid, University of Hawaii TUNAY na taong bató (Stone Age people) ang mga Tasaday, ayon sa mga sumuring nag-aghám (scientists), kabilang si William Henry Scott ng University of the Philippines, bantóg na manalaysay (historian) ng Pilipinas, si Robert Fox ng National Museum of the Filipino People, at si Laurence Reid ng University of Hawaii, batikáng manaliksík tungkól sa mga unang wikŕ (linguistic archaeologist). Kasama si Fox sa unang pagsurě sa mga Tasaday sa Cotabato nuóng 1970s. Pagkatapos, sumama siná Scott at Reid at sumurě nang matagál sa mga Tasaday at ibáng mga tao sa paligid, - si Reid 10 buwán mulâ nuóng 1993 hanggáng 1996. Waláng alám ang mga Tasaday tungkól sa pagtataním (agriculture) at pamamahay (settlement). Nang unang suriin nuóng 1972, ni walâ siláng tawag sa mga pagkaing inaani sa bukid o bakuran [ang mga pagkaing inaawit sa “Bahay Kubo, Kahit Muntî”]. Walâ rin siláng tawag sa bahay, sa anumang bahagě nitó, o sa pagtayň ng kahit na kubo. Walâ rin siláng pangalan sa mga puók o tao sa labás ng gubat na tinaguan at kinunan nilá ng pagkain. Subalit, hayág ni Reid, hindî silá taong bató nuóng nakaraáng libu-libong taón. Humiwaláy silá sa kabihasnán nuóng nakaraáng 5-10 anak-anakán (generations) lamang, bandáng 200 - 300 taón sa nakaraán. Sinurě rin ni Teodoro Llamson, Richard Elkins at ibá pang dalubhasŕ sa wikŕ (linguists) ang mga wikang Tasaday at Blit, ang kalapit-pangkát at unang tumuklás sa Tasaday nuóng 1958. Ngayón, sa turing ng Summer Institute of Linguistics (SIL), ang palawikaáng pandaigdíg, ang 2 wikŕ ay mga sibul (dialects) ng wikang Manobo. “Napansin kong maraming katagáng Tasaday na hawig sa mga pangkát sa paligid nilá,” ulat ni Reid sa kanyáng website, “lalo na ang mga Blit na iláng kilometro lamang ang layň, sa kabilâ ng isáng ilog.” Hinayag ni Llamson, matapos ng kanyáng pagsurě sa Tasaday nuóng 1971, na 800 taón nang hiwaláy ang Tasaday sa mga Monobo ng Cotabato. Dahil pinaka-maaga, itóng pahayag ang kumalat at paniwalŕ ngayón. Subalit sumalungát ang mag-asawang dalubhasŕ sa wikŕ (linguists), siná Araceli at Cesar Hidalgo, pagkaraán ng 3 araw na pagsurě sa mga Tasaday nuóng 1989. May 4,500-5,000 taón na raw ang pagka-hiwaláy sa mga Manobo sa Cotabato, at bandáng 8,000 taón sa ibá pang Manobo sa Mindanao. Kung tamŕ ang mga Hidalgo, sabi ni Reid nuóng 1993, nagkakahulugáng sa timog Pilipinas nagsimulâ ang “Ináng Wikŕ” ng mga taga-pulong timog ( proto-Austronesian) na kumalat sa kalahati ng daigdíg nuóng nakaraáng 4,000 - 3,000 taón. Sa “familia” ng Austronesian kabilang lahát ng wikŕ ngayón sa buóng silangang timog Asia at mga kapuluan sa dagat silangan (Pacific Ocean), patí sa Madagascar, katabí ng Africa, sa kabiláng gilid ng dagat kanluran (Indian Ocean). Sana mapatunayan ang ulat ng mga Hidalgo! palaták ni Reid. [Ang pagsiyasat at pagpatunay sa mga Tasaday ay isinaysáy ni Reid sa kanyáng website, Linguistic Archaeology: Tracking Down the Tasaday Language (Saliksík sa Unang Pananalitâ: Pagbakás sa Wikang Tasaday).] Daán-daán o libu-libong taón, napatunayan na, patí ng Batasang Pilipinas (Philippine Congress), na buóng panahón ng Espańol at ng Amerkano, namuhay ang mga Tasaday tulad ng mga tao sa Tabon nuóng unang panahón. Itó, higít sa lahát, ang dahiláng siniyasat at sinurě ng mga nag-aghám ang mga Tasaday - upang maaninaw kung paano namuhay ang mga Unang Tao sa Pilipinas at, dahil kahawig ang mga anyô at gawî, sa buóng silangang timog (southeast) Asia. |
|
![]() Marunong magtaním at mangahoy (cazar, hunt) ang mga Blit. Bago pa nakaharáp ng mga nag-aghám (scientists) ang 26 Tasaday nuóng 1971, naturuan na silá ng mga Blit. Bumuti ang buhay ng mga Tasaday subalit ang pagkain nilá bago natutong magtaním ang mas mahalagá sa mga nag-aghám, at sa pagbakás ng kasaysayan ng Pilipinas. Mahirap paniwalaan na nilimot ng mga Tasaday, o ng sinumáng Pilipino, ang bigás matapos makain itó - ni waláng pangalan ang Tasaday sa palay o kanin - kayâ malamáng nagtagň ang mga Tasaday sa kaniláng gubat bago naipasok ang palay sa kapuluán. |
![]() Subalit karaniwan na ang bigás sa Panáy at Luzón nang dumatíng siná Miguel Lopez de Legazpi nuóng 1565. Natantň na rin na inukŕ ng mga Ifugao, Bontoc at mga katabíng pangkát ang mga bundók sa Gitnaang (Central) Cordillera nuóng 3,000 - 2,000 taón sa nakaraán upang matamnán ng kaniláng palay sa tinatawag ngayóng rice terraces. Mas maaga pa, nabatíd sa mga alamát at salaysáy ng mga matandâ, ang mga taga-ilog at mga ka-pampáng (river dwellers) patí na ang mga taga-makati (delta dwellers) at mga taga-malati (seaside settlers) ay bumilí sa halíp na magtaním ng palay mulâ sa mga taga-luoban at taga-bundók na nag-kaingin (swidden farming) sa mga libís (valleys) at mga ‘bukid.’ Nuóng 2004, nagsimulang magtaním ng palay ang mga Tasaday. |
Nakaraáng kabanatŕ Ulit mulâ sa itaás Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Listá ng mga kabanatŕ Sunód na kabanatŕ |