Mga Bihag At Mga Baboy.

KINABUKASAN, Miercoles, Noviembre 13, 1521, pinapunta sa amin ng hari ng Tadore ang kanyang anak, si Massohap a Mutir, upang tulungan kaming mag-imbak ng kiandi (clovas, cloves).

Nuong araw din iyon, sinabi namin sa hari na may bihag kaming mga indio. Nagpasalamat siya sa Dios, at hiniling na ibigay namin sa kanya ang mga ito. Palilibutin daw niya sa buong pulo, may bantay na 5 tauhan niya, upang ihayag ang bantog ng hari ng España. Ibinigay namin ang 3 babaing bihag,

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

sa ngalan ng regina, para sa kanyang pakay.

Kinabukasan, ibinigay namin sa kanya ang lahat ng nalabing bihag namin, maliban sa mga taga-Burne (Brunei sa Borneo), at lubusang nagalak ang hari. Tapos, nagmakaawa siya sa

amin na katayin naming lahat, sa isang tago at lihim na silid, ang lahat ng baboy namin sa barko at kailangang takpan namin para walang makakita o makaamoy na tao. Papalitan daw niyang lahat ng manok at mga kambing. Ginawa namin upang masiyahan siya.

Portuguese.

NUONG gabing iyon, dumating sakay sa isang parao si Pedro Afonso, ang Portuguese sa Tarenate (Ternate) na sinulatan namin (si Pedro Afonso de Lorosa, Pedro Alfonso dela Rosa sa Español, ang kasama ni Francisco Serrao na tumakas at nagsilbi sa sultan ng Ternate). Bago siya nakadaong, ipinatawag siya ng hari (Sultan Manzor) at pinagsabihan, habang tumatawa, na kahit taga-Tarenate siya, dapat niyang sagutin nang tapat ang lahat ng tanong namin. Hinayag ni Afonso sa amin na 16 taon siyang namalagi sa India, bago tumira sa Molucca sa nakaraang 10 taon, at ganoong katagal na raw mula nang una nilang (mga Portuguese) natuklasan nang lihim ang Molucca (nuong 1512).

Mayroon daw isang barko na dumating mula sa Malacca nuong nakaraang taon, at umalis pabalik dala ang mga kiandi (clovas, cloves) subalit, dahil sa masamang panahon, napilitang humimpil sa pulo ng Bandan nang ilang buwan. Ang capitan daw ay si Tristao de Meneses, isang Portuguese din, at tinanong siya ni Afonso kung ano ang bali-balita sa mondo (Christendom).

Mga Loro Sinagot daw ni Meneses na may isang pangkat-dagat ng 5 barko na naglayag mula sa Sevilla (Seville, Spain) upang tuklasin ang Maluku (Moluccas, spice islands) sa ngalan ng hari ng España, at si Fernao de Magalhaes (Ferdinand Magellan), isang Portuguese, ang capitan. Nagalit daw ang hari ng Portugal na kinalaban siya ng isang Portuguese, at nagpadala ng mga barko upang harangin sa Cabo da Boa Esperanza (Cape of Good Hope) at sa Cabo da Sancta Maria (Cape of Saint Mary, kapwa sa dulong timog ng Africa) na pinamamahayan ng mga canibales (cannibals). Subalit hindi sila natagpuan ni Meneses.

Tapos, nalaman daw ng hari ng Portugal na sa ibang dagat dumaan ang capitan na iyon (si Magellan) at patungo na siya sa Maluku.

Agad sumulat ang hari sa kanyang Pangalawa (virrey, viceroy) sa India, si Diogo Lopes de Sequeira, upang magpadala ng 6 barko sa Maluku. Subalit hindi ito agad nagpadala dahil may balita na lulusob (sa India) ang isang malakas na sandatahan (army) ng mga Turko (Grand Turk). Sa halip, napilitan si Sequeira na magpadala ng 60 barko sa lusutan ng Mecca (Mecca Strait), sa lupa ng Judah (Jiddah, ang daungan ng Mecca). Wala silang dinatnan duon kundi ilang galeria (galley, maliit na galleon na may mga sagwan) na nakadaong sa maganda at matibay na lungsod ng Aden. Sinunog nilang lahat ang mga ito.

Pagkatapos, nagpadala si Sequeira sa Maluku ng isang galleon (pinakamalaking barko nuon), kasama ang 2 barkong pandigma na may 2 hanay ng cañon sa bawat gilid, pinamunuan ng isang Portuguese, si Francisco Faria (si Pedro de Faria, inatasan ni Sequeira na magtatag ng fuerza (fort) sa Maluku), subalit napipilan sila ng mga batuhan, salungat na hangin at lakas ng daloy ng dagat sa tabi ng Malacca, at napilitang bumalik (sa India) ang mga barko.

Tinutugis Kami.

NAGPATULOY ng hayag sa amin si Afonso. Ilang araw lamang sa nakaraan, 7 Portuguese daw ang dumating, sakay sa isang caravel (barkong mas malaki kaysa galeria, at mas maliit kaysa galleon), may kasamang 2 dyong. Pakay daw na hanapin kami (sina Pigafetta) subalit sa halip, sa pulo ng Bacchian (Bacan) nagtungo upang mag-carga ng clovas.

Nilapastangan daw nila ang mga asawa at mga tao ng hari, kahit na nuong inutos ng hari na umalis na sila, kaya pinatay ang 7 Portuguese. Nang mabalitaan ito ng mga nasa caravel, bumalik agad sa Malacca, naiwan ang 2 dyong na may carga

Galeria ng 400 bahar (81,800 kilo) ng clovas. Naiwan din ang mga ari-ariang pambili ng 400 bahar na karagdagang clovas.

Taon-taon, sabi ni Afonso, maraming dyong galing Malacca ang nagpupunta sa Bandan upang mag-carga ng mace at nutmeg. Marami rin daw na mga dyong mula Bandan ang

nagpupunta sa Maluku taon-taon upang humakot ng clovas.

Tatlong araw daw ang layag ng mga dyong mula Molucca hanggang Bandan, at 15 araw mula Bandan hanggang Malacca. Sabi ni Afonso, 10 taon nang nagpapasasa ang hari ng Portugal sa Maluku nang hindi nalalaman ng hari ng España.

Inabot ng ika-3 ng umaga ang pagbalita ni Afonso, marami siyang sinabi. Bilang ganti, inanyayahan namin siyang sumama sa amin, nangako kami na mahusay ang magiging bahagi niya sa kikitain namin. Ipinangako niya na sasama sa amin pabalik sa España.

Isang Hari Ng Gilolo.

SUMUNOD na Viernes, Noviembre 15, sinabi sa amin ng hari (si Sultan Manzor) na kukunin niya sa Bacchian (Bacan) ang mga kiandi (clovas, cloves) na naiwan duon ng 7 Portuguese na pinatay, at humingi siya sa amin ng 2 handog para sa 2 governador ng Mutir (Motir), sa ngalan ng hari ng España.

Nagdaan pa siya sa barko namin, ipakita daw namin kung paano pinapuputok ang mga hackbut (arquebus, baril na de-sabog), ang mga culverin (maliit na cañon) at mga pana (crossbows). Ginamit pa ng hari ang pana, nagpalipad ng 3

palaso, mas gusto niya kaysa sa mga paputok.

Kinabukasan, Sabado, dumalaw sa amin ang isang hari ng mga Moro sa Giailolo (Gilolo), sakay sa mga parao at kasama ng mga tauhan. Binigyan namin siya ng verdeng damask (telang may palamuting mga bulaklak), 2 cubit (1 metro) ng pulang tela, mga salamin, mga gunting, mga cuchillo, suklay at 2 vaso (gilt glasses) na may palamuting ginto.

Sinabi niya sa amin na dahil kaibigan kami ng hari ng Tadore, kaibigan din niya kami sapagkat mahal niya tulad sa isang anak ang hari ng Tadore, at magiging malaking karangalan niya

kung pupunta kami sa kanyang pulo.

Matanda na ang hari, at kinatatakutan sa buong kapuluan dahil sa kanyang kapangyarihan, at ang pangalan niya ay Raia Iussu. At ang kanyang pulo ng Giailolo ay napakalaki, 4 buwan ang kailangan upang maikot ito ng mabilis na parao.

Kinabukasan ng umaga, Linggo, bumalik sa amin ang hari ng Giailolo at hiniling na ipakita namin kung paano kami nakikipagdigmaan. Pinaputok namin lahat ng mga cañon, at nagpakita kami ng labanan. Tuwang tuwa ang hari, tapos madali siyang umalis. Narinig namin na nuong kabataan nitong hari, siya ay isang magiting na mandirigma.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata