![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE Ang Unang Español
Ang Pagdayo Sa Pilipinas At Unang Pag-ikot sa Mondo An eyewitness journal of the first Spaniards to reach the
Translated into English from Italian and French manuscripts, and edited
At ngayon, Tinagalog mula sa English |
||
ANG KASAYSAYAN ng Pilipinas sa mga laos na ulat ay laging nagsimula sa ‘pagtuklas’ ni Ferdinand Magellan at pagpatay sa kanya ni Lapu-Lapu sa munting pulo ng Mactan nuong 1521. May dahilan ipagyabang ang lakbay niya bilang mahalaga sa kasaysayan ng buong daigdig - katibayan, sa wakas! na bilog ang mondo at umpisa ng lakbayang sandaigdigan na nagsulsol sa ugnayan ng lahat ng tao, gaya ng nangyari sa nakaraang 400 taon - subalit ngayon, malaki na ang nabawas sa katuturan ng mga ganitong lumang pahayag. Una, lubhang malupit ang naganap na ugnayan ng mga tao sa Pilipinas at ng mga dayuhang mapagsamantala. Inaamin na ngayon, sa mga taga-Europa lamang mahalaga ang natuklasang landas paikot sa daigdig, ginamit nila upang sakupin ang iba’t ibang bahagi ng kabila ng daigdig. Pangalawa, marami sa mga pinagyabang ay salungat sa tunay na nangyari. Nitong mga nakaraang kailan lamang, nabunyag na ang mga taga-Portugal, katabi at karibal ng mga taga-España na nagpundar kay Magellan, ang unang ‘nakatuklas’ sa Pilipinas nuong 1512, halos 9 taon bago dumating si Magellan. Nabunyag na rin na ang mga ‘natuklasang’ tao, ang tatawaging mga Pilipino pagdating ng panahon, ay mga lipi ng magdaragat na naglayag-layag sa mahigit kalahati ng daigdig libu-libong taon bago pa nabuo ang mga kaharian ng España at Portugal. Sa mga makabagong kasaysayan ng Pilipinas, tangi pa rin ang lakbay ni Magellan hindi dahil sa mga ginawa ng mga taga-Europa kundi dahil sa ulat ni Antonio Pigafetta, ang kanyang kaibigan na, bagama’t walang muwang sa paglayag ay magaling makitungo sa mga tao at malinaw sumulat. Sa kanyang pahayag unang lumitaw ang gawi at anyo hindi lamang ng mga unang Pilipino kundi pati na ang ibang mga tao nuong unang panahon. Tanghal ang kanyang paglarawan sa makisig na ‘rajah’ Agu, ang ganda ni Juana, ang asawa ni ‘rajah’ Humabon na napa-ibig sa ‘santo niño.’ At si Humabon mismo, ‘pandak...mataba, nakasalampak sa banig at sumisipsip ng tuba’ gamit ang straw na makitid na kawayan. Priceless! Itong salaysay ay sinulat ni Pigafetta para kay Philippe de Villiers L’isle Adam, ang kanyang panginoon (grand master) bilang magiting ng Roda (knight of Rhodes). Nakasalubong niya si Villiers nuong 1525 habang patungo siya sa Roma upang ibalita kay Papa Clemente 7 ang kanyang mga karanasan sa lakbay ni Magellan, na katatapos pa lamang niyang isaysay kay Carlos 5, hari ng España at emperador ng Holy Roman Empire. Ang batang Carlos 5 ang nagpundar kay Magellan at tumangkilik kay Pigafetta na maki-layag nuong 1519 nang nagsisilbi si Pigafetta bilang alalay ni Francesco Chieragati, ang pangunang kalihim (protonotario, first secretary) at sugo ni Papa Leo 10 sa corte ni Carlos 5. Kasama sila sa maraming maharlika bumuntot nang maglakbay si Carlos 5 sa Barcelona mula Zaragoza nuong 1518, at nuon narinig ni Pigafetta ang mga cuento ng hiwaga at panganib ng paglakbay sa dagat. |
Dedicatoria
“Kaya aking panginoon, nawa’y unawain na nasa España ako nuong taong 1519, sa castillo ng pinakahinahong hari ng mga Romano, kasama ang matimtimang Monsignor Francesco Chieragati, na nuon ay protonotario at embajador ng Papa Leo 10, at dahil sa kanyang kabanalan ay obispo na ngayon ng Aprutino at ng Teramo. “At sa pagbasa sa iba’t ibang libro at pakinig sa tabi ng protonotario sa maraming saysay ng mga taga-ulat at sa maraming pagsusuri ng mga marunong sa mga bagay na iyon, tungkol sa mga kahindik-hindik na pangyayari sa kalawakang dagat, nagpasiya ako na maranasan ang mga ito at makita ang mga ibinalita at sinuri. At nagkaroon ako ng pagkakataon, sa awa ng emperador at tulong ng panginoong protonotario. At upang masiyahan sila at sa aking kasiyahan na rin, patunay na ako nga ay nakapaglakbay at nasaksihan ng aking mga mata ang mga bagay na isusulat sa mga susunod na yugto nito, at upang ako ay kilalanin at mabantog sa mga darating na panahon. “At
|
|
Pang-email tungkol anuman. Maraming salamat po! Ulitin mula itaas Tahanan ng mga Kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |