![]() 3 TANGKA, 3 TALO: Ika-5 Kabanata
Si Ruy Lopez de Villalobos
Mahilig uminom ng serbesa si Carlos 5. Isa sa mga unang utos niya nang maging hari, bago pa niya pinayagang maglakbay si Ferdinand Magellan, ay palinawin at pasarapin ang mga serbesang gawa sa Espania. Higit na malapit ang paklabay ng mga Portuguese papuntang kapuluan sa kanluran, mas maigsi nang 8,800 kilometro kaysa sa lakbay mula Espania, kaya pagkasawi ng paglakbay ni Alvaro de Saavedra nuong 1529, napanghal na rin si Carlos 5 at nakipagkasundo sa mga Portuguese nuong taon ding iyon sa Sarragosa, Espania (Treaty of Sarragosa). Binili ng Portuguese ang tanging karapatang gamitin ang lagusan ni Magellan sa paanan ng South America, sa halagang 350,000 ducats (mahigit 800 milyon piso), at itinatwa naman ni Carlos 5 ang anumang pag-angkin sa Maluku, ang Spice Islands. Nagsimula nang bumuhos ang ginto, pilak at mga mamahaling bato (gems) mula sa mga nilulupig na mga kaharian sa America, ngunit lubhang abala at baon sa gastos si Carlos 5 sa pagtustos sa iba't ibang digmaan niya sa Europa, laban kay Dakilang Suliman (Suleiman the Magnificent) ng kaharian ng mga Ottoman sa Turkey, laban kay Martin Luther at ang mga protestante sa Germany, Switzerland at England, at laban kay Francis 1, hari ng France, tungkol sa pagsakop sa ilan-ilang lupain sa Italya. Minsan, sinakop pa ng kanyang sandatahan ang Roma mismo, napahiya tuloy siya sa Papa, ang naghirang sa kanya bilang emperador ng mga catholico (Holy Roman emperor).
Nuong 1524, bago naganap ang kasunduan sa Sarragosa, itinatag ni Carlos 5 ang Consejo de Indias (Council of the Indies) upang payuhan siya tungkol sa lumalawak na pagsakop ng mga conquistador sa America, lalo na si Hernando Cortes na tumakas mula sa kanyang amo sa Cuba nuong 1519, nang paalis pa lamang si Magellan sa Espania, at sumakop sa kaharian ng mga Aztec sa Mexico nuong 1521, nang napatay naman si Magellan sa Mactan. Nuon pang 1513, natawid na ni Vasco Nunez de Balboa ang kitid sa pagitan ng North at South America at narating ang dagat Pacific. Pahilaga, natuklasan naman ni Francisco Coronado ang bangin ng Colorado nuong 1935. Nuon ding taon na iyon nilakad ni
Nuong taon na iyon, 1541, unang nalahad ang sunod-sunod na mga pangyayari na nagtulak ng pagdayo muli ng mga Espaniol sa Pilipinas.
Jalisco, Marso 28, 1541.
Si Alvarado, sunod lamang kay Hernando Cortes ng Mexico, ang pangunahing sa mga unang conquistador na Espaniol sa America. Ipinanganak sa Badajoz, malapit sa Portugal, nuong 1485, bata pa siya nang magtungo sa America nuong 1510 at sumanib sa maraming digmaan at paglupig sa mga lupa na tinawag nilang Nueva Espania. Hinirang siyang magiting at ginawang pinuno ni Cortes, at ibinigay sa kanya ang tungkulin ng governador ng Guatemala nuong 1523. Nuong 1534, naantal ang kanyang balak na magpundar ng paglayag sa mga kapuluan ng Pacific nang nabalita ang pagtuklas at pagsakop sa kaharian ng Peru ni Pizarro, isa ring sikat na manlulupig mula Espania. Pagkatapos lamang nito natuloy ang balak nila ni Mendoza na pundaran ang paglakbay sa dagat Pacific. Dala ang 11 barko, dumayo si Alvarado sa Nueva Espania upang iwaksi ang mga alingasngas at ayusin ang ugnayan nila ni Mendoza dahil sa pagpapalaot niya sa pangkat dagat ni Francisco Vasquez patungo sa mga pulo ng kanluran. Nagpakayarian na nila nuon pa na maghati sa paglayag at pagtuklas sa mga bagong lupain sa bahaging iyon ng mondo na hindi pag-aari ng mga Portuguese. Sa pagdayo ni Alvarado kay Mendoza, nagkasundo silang muli; hinati nila ang kanilang mga barko at tauhan. Ang isang bahagi ay babaybay sa gilid ng America upang tumuklas ng mga kaharian at kayamanan ng mga indio. Ang pang-2 pangkat ay lalaot patungo sa mga pulo sa kanluran. Si Mendoza ay mula sa kilalang familia, ipinanganak sa Granada, sa Espania, nuong katapusan ng ika-15 sandaang taon. Paglisan ni Cortes bilang governador sa Mexico, si Mendoza ang hinirang na viceroy duon at siya ay nagtayo ng matatag na pamahalaan, nilimas ang mga mina ng pilak at ginto, nagpalawak ng paggamit ng salapi sa Mexico, nagpatayo ng pamantasan at mga colegio, ang nagpasimula ng limbagan (printing). Ayon sa kasunduan nila ni Alvarado, nagpundar siya ng 2 paglakbay: Ang una ang nag-usisa sa baybayin ng hilagang America, ang tinawag na California. Ang pang-2 paglakbay ay tutungo sa mga kapuluan sa kanluran. Nuong 1550, inilipat si Mendoza sa Peru at siya ang gumanap na viceroy duon hanggang mamatay siya nuong Julio 21, 1552 sa lungsod ng Lima. Si Alvarado naman, hindi na niya nabatid ang kinahitnan ng kanilang balak sakupin ang mga pulo sa kanluran. Nuong Julio 4, 1541, bago pa lumisan si Villalobos, napatay si Alvarado ng mga indio nang lusubin niya ang isang baranggay sa Guatemala. Talavera, Espania, Julio 25, 1541.
Malaki ang mga ipinangako ni Alvarado sa hari sapagkat alam niyang nagpupumilit si Hernando Cortes na pahintulutan siya ng hari ng Espania na tuklasin at sakupin ang mga pulo sa kanluran, gaya ng ginawa niyang pagdurog sa kaharian ng mga Aztec sa Mexico. Sa panig ng hari, ipinangako kay Alvarado na walang ibang pahihintulutang maglakbay sa mga kapuluan ng kanluran sa susunod na 7 taon. Kasama sa kasunduan kung paano paghahatian ang mga kayamanan na makakamkam sa mga lupaing lulupigin. Ipinagpaliban nila ang pasiya kung ano ang gagawin sa mga taong matatagpuin at susugpuin nila sa mga pulo-pulo, bagama't binalak nilang ilaan ang mga lupa sa mga Espaniol na magnais mamahay sa mga lupang masakop. Sa kasunduan kay Mendoza, ika-3 ang bahagi niya sa kikitain ng pangkat dagat na binuo nila ni Alvarado. Mexico, Septiembre 15, 1542.
Puerto de Navidad, Octobre 22, 1542.
Noviembre 1, 1542.
Lagpas 62 araw silang naglayag bago nakarating sa isang mababa at gubatang kapuluan na binigyan nila ng pangalang Coral Archipelago. Dumaong sila duon sa isang pulo, ang Santisteban (San Estavan); ang mga kasunod na pulo ay tinawag nilang Los Jardines (The Gardens) dahil sa kapal ng gubat ng mga ito. Nuong Enero 23, 1543, nadaanan nila ang isang pulo na tinawag nilang Matalotes (Sailors) sapagkat binati sila ng mga tagaruon sa wikang Espaniol, 'Buenos dias, matalotes!' ('Good morning, sailors!'). Ang sumunod na pulo ay tinawag nilang Arrecifes (Reefs) dahil puno ng coral at batuhan. Mindanao, Pebrero 2, 1543.
Saranggani, Pebrero 29, 1543.
Nagkapangalan ng San Juan ang pulo ng Balut at ng San Antonio ang pulo ng Saranggani nuong 1538 dahil kay Antonio Galvano, Portuguese na governador nuon ng Maluku. Pinapunta niya si Francisco de Castro sa mga pulo upang binyagan ang mga katutubo at gawing mga catholico. Sa pulo ng Mindanao, naging ninong si De Castro sa binyag ng 6 datu at ng kanilang mga familia at mga tauhan. Ang ugnayang ito sa mga Portuguese ang isa sa mga dahilan ng lupit ng mga katutubo sa karibal na pangkat ng mga Espaniol ni Villalobos. Pahayag ni Frayle San Estavan na dumaong sina Villalobos sa Saranggani dahil 'isa sa aming mga barko ay lubhang nasiraan sa malaking bagyo na tumama sa amin nuong papalapit pa lamang kami sa pulo na tinawag naming Matalotes. At nuon pa sa luok ng Mazau (Baganga) nagsimula na kaming nagutom at nagkasakit, kaya nang tumanggi ang mga taga-San Antonio (Saranggani) na ibigay sa amin ang kanilang mga pagkain, nilusob sila ng mga tauhan namin.' Sa pahayag naman ni Alvarado, naging masungit ang mga tagapulo kaya binakbakan sila ng mga Espaniol, sa pamumuno ni Mathias de Alvarado, ang capitan ng barkong San Juan de Letran. Matatag na nagtanggol ang mga katutubo, gamit na sandata ang mga bato, tirador, bakawan, mga pana at palaso, at mga sibat na pinatulis at pinatigas sa apoy, ngunit sila ay ginapi ng mga Espaniol. Pagkasakop sa pulo, nakatuklas sina Villalobos ng mga porselana at mga kampana na kakaiba (mga gong) at gamit ng mga tagapulo sa kanilang mga pagdiriwang. Nakakalkal din sila ng mga pabango, mga batong palamuti gaya ng amber, at ginto. Nag-away ang mga Espaniol ng paghati-hatian ang mga nakamal na yaman ng mga tagapulo. Umangal ang mga sundalo nang magkahiwalay na hamig ang ginawa para kay Villalobos at kay Mendoza, ang viceroy ng Mexico; bakit hindi na lamang ibigay kay Villalobos ang ika-7 bahagi na hinihingi niya, at dagdagan na lamang daw ng isang batong alahas. Nang maayos ang away at bahagian ng kalkal, inutos ni Villalobos na itanim ang dala nilang mais mula Mexico ngunit, 2 ulit man silang nagtanim, hindi tumubo ang mais. Nagalit uli ang mga tauhan, umungol na 'hindi kami nagpunta rito upang magtanim kundi upang maglupig!' Sinagot ni Villalobos na 'naparito ako rito sa tanging hangad na tuklasin ang landas parit-parito sa Nueva Espania, at upang magtatag ng kabayanan na pamamahayan ng mga Espaniol.' (Unang tumubo ang mais sa Pilipinas sa Cebu nuong 1524, 2 taon mula nang dalhin ito duon ni Magellan mula Mexico. Hanggang ngayon, ito ang isa sa pinakalamaking pagkain sa Visayas.) Gutom.
Sinabi naman ni Alvarado sa kanyang pahayag na nagpasugo si Villalobos ng isang barko upang makipagkasundo sa mga taga-Mindanao at maghanap ng pagkain. Sa unang pagharap, maniwaring matalik ang pakitungo ng mga katutubo at naglunsad ng isang bangka ang 6 na Espaniol at lumapag sa dalampasigan, kung saan bigla silang sinalakay ng mga tagapulo. Napatay ang isang Espaniol at nasugatan ang 5 kasama. Umurong ang mga Espaniol ngunit, dahil sa masidhing gutom, lumusob si Villalobos at 25 sundalo sa kapuluan ng Santguin (kapuluan ng Sanguir, tinawag ngayong Sangihe, sa pagitan ng Mindanao at Celebes o Sulawesi). Dumaong sila sa isang maliit na pulo at hinarap ang mga tagaruon na nagkubli sa kanilang kutang bato na natabi ng malalaking punong kahoy. Iisa lamang ang pasukan sa kuta, sa bandang dalampasigan kung saan nakatayo ang mga bahay ng mga katutubo, nakatuntong sa mga tukod.
Isinulat ni Alvarado na ayaw isuko ng mga tao ang kanilang pagkain kaya binakbakan sila ng mga Espaniol at tumagal nang 4 oras ang kanilang paghahamok hanggang nagapi ang mga katutubo. Ayaw pa ring sumuko ang mga ito kaya pinagpapatay nina Villalobos silang lahat, pati na ang mga babae at mga musmos. Isa lamang sa mga Espaniol ang napatay, bagaman at marami ang nasugatan. Sa kabila ng lahat ng ito, kaunti lamang ang natagpuan nilang pagkain. Pagkabalik sa Saranggani, gipit na si Villalobos. Nuong Agosto 4, 1543, pinalaot niya ang San Martin, ang fusta na pinakamaliit nilang barko, upang bumalik sa Nueva Espania at humingi ng tulong. Felipinas, 1543.
Nagtungo sila sa pulo-pulo ng Tandaya (Leyte, ayon sa ilang pahayag, Samar sa pahayag ng iba; maaari ring turing sa lahat ng mga pulo duon) kung saan tinanggap sila nang mainam ng mga tagapulo. Siniyasat ni Dela Torre ang pali-paligid, pati na ang Mindanao, at binigyan niya ang mga pulo ng pangalang Felipinas bilang parangal kay Felipe 2, principe ng Asturias at tagapagmana ni Carlos 5, hari ng Espania. Iniwan duon ang mga maysakit at lumaot muli ang barko upang hanapin ang mga naiwang kasama ngunit walang natagpuan sa kanila, kundi isang liham na nagsabi sa kanilang magtuloy sa 'kapuluan ng Talao, 40 leguas (192 kilometro) sa timog ng Maluco'. (Ang Talao ay ang tinatawag ngayong kapuluan ng Tulour o Salibabo, sa pagitan ng Mindanao at mga pulo ng Gilolo na tinatawag ngayong Halmahera, sa hilaga, hindi timog ng Maluku. Nakakalito, ngunit nuong panahon ni Villalobos, itinuring na kasama sa kapuluan ng Maluku ang mga pulo ng Mindanao.) Nagbalik sa Tandaya ang barko ngunit wala na ruon ang mga iniwang maysakit, hinakot na pala ng barkong San Juan de Letran na bumalik na kay Villalobos sa pulo ng Saranggani. Nanatili sa Tandaya si Frayle San Estevan at ang mga tauhan ng Santiago nang 2 buwan, dahil may pagkain duon, hanggang ipinatawag sina Villalobos ng hari ng Tidore (Tidor), sa Maluku. Portuguese, Agosto 7, 1543.
Sa pangkat ni Villalobos, 3 araw pa lamang pagkaalis ng barkong Santiago, kasama si Frayle San Estevan, upang maghanap ng pagkain nang dumating ang mga sugo ni Jorge de Castro, ang pinuno ng sandatahang Portuguese sa kapuluan ng Maluku at naging mainit ang palitan nila ni Villalobos. Itigil ninyo ang paglupig sa mga tao! sabi ni De Castro sa mga liham nuong Julio 20, 1543 at nuong Septiembre 2, 1543. Niyakag niyang umalis na sina Villalobos sa mga lupaing 'napapaloob sa mga sakop ng hari ng Portugal, ayon sa kasunduan ng pinaghatian' (Treaty of Tordesillas). Sa sagot na liham nuong Agosto 9 at nuong Septiembre 12, nangatwiran si Villalobos, mabuti ang turing niya sa mga tao at tinutupad daw niya ang utos sa kanya ng hari ng Espania na huwag lumabag sa kasunduan ng pinaghatian, na siya ay nasa loob ng mga sakop ng hari ng Espania, ayon sa pinaghatian. Sa Espania, nagalit ang hari, si Carlos 5 dahil sa pagpasok nina Villalobos sa mga sakop ng Portuguese, at aalisin sana si Mendoza ngunit napag-alaman na si Villalobos ang nagkusang pumunta sa Maluku, labag sa utos ni Mendoza. Samantala, patuloy ang pagkamatay ng mga Espaniol sa gutom at sakit sa pulo ng Saranggani; lahat ng tunguhin nila upang humakot ng pagkain ay sawi. Sinulsulan pa ng mga Portuguese ang mga tagapulo na gutumin ang mga Espaniol sapagkat papatayin silang lahat ng mga ito. Dumating ang barkong Santiago mula sa Tandaya, kasama si San Estevan, at ibinalita kay Villalobos na maraming pagkain sa 'Felipinas, sa lalawigang tinawag na Buio' (Abuyo, ang dating tawag ng mga Aeta sa pulo ng Leyte). Dahil sagad na ang pagkasalat sa Saranggani, walang nagawa si Villalobos kundi lisan na ang pulo. Upang higit na mainam makatagpo ng makakain, naghiwa-hiwalay ang mga Espaniol, ang iba ay nagtungo sa Buio, sa Tandaya, ang iba ay kumalat sa iba't ibang bahagi ng Mindanao, at ang isang pangkat ay nagtungo sa Talao (Salibabo), tulad ng sinabi sa liham. Ngunit malagim ang naging lakbay ng mga Espaniol patungo sa Buio, sinalubong ng malakas na bagyo at sinalungat ng puot ng mga tagapulo, pinatay ang 11 Espaniol na lumapag sa dalampasigan upang humanap ng pagkain. Nahirapan din ang mga Espaniol na nagtungo sa kapuluan ng Salibabo at pagkatapos, nagtuloy sa malaking pulo ng Gilolo (Halmahera) dahil kalaban ng hari duon ang mga Portuguese na nasa katabing pulo ng Ternate. Maluku, 1544.
Bagaman at nabawasan, patuloy pa rin ang malaking paghihirap at pagkamatay ng mga Espaniol sa gutom at sakit dahil hindi sagana sa pagkain ang Gilolo kahit na ito ang pinakamalaking pulo sa Maluku. Nanawagan si Villalobos sa hari ng katabing pulo ng Tidore (Tidor) na magpadala ng tulong dahil naging kaibigan dati ng mga tagaruon ang mga Espaniol sa pangkat ni Pigafetta nuong 1522, ngunit hindi rin siya pinansin ng mga taga-Tidor. Dinaan sa tiyaga, pagkaraan ng matagal na pag-uusap, nagkasundo rin ang mga Espaniol, ang hari ng Gilolo at ang hari ng Tidor. Nakalipat sa higit na masaganang pulo ng Tidor ang halos lahat ng mga Espaniol. Mula Tidor, nuong Mayo 28, 1544, pinapunta ni Villalobos ang San Juan de Letran, pinamunuan ni Capitan Mathias Alvarado, upang sunduin ang mga Espaniol na kumalat sa iba't ibang bahagi ng Mindanao at Tandaya upang magkaroon ng makakain. Maraming pook ang nilibot ng San Juan sa Mindanao at iba't ibang pulo sa paghanap sa mga Espaniol, ng pagkain at balita. Nasagap nina Alvarado ang balita tungkol sa 3 'lalawigan' duon: Una ang Mindanao na maraming kanela (cinnamon) may mga mina ng ginto; pang-2 ang lalawigan ng Butuan na pinakamaraming mina ng ginto; at ang pang-3 ay ang lalawigan ng Bisaya. Nalaman din nila na maraming luya (ginger), pulot-pukyutan (honey) at pagkit (wax) sa Mindanao at kalapit na pulo-pulo. Sa luok (bay) na tinawag nilang Resurreccion (pagkabuhay muli) natagpuan nila ang mga liham na iniwan ng mga parit-paritong Espaniol. Ang isa ay lumang sulat mula ni Villalobos. Ang isa ay liham ni Frayle San Estevan nuong Abril, sinabing hinahanap niya at ng 10 kasama si Villalobos, na pinatay ng mga tagaruon ang 15 tauhan ng pangkat, na lumubog ang isang sasakyan nila at nalunod ang 10 kasama nila sa isang ilog sa Tandaya. Mayroon pang isang liham mula sa barkong San Martin na pinabalik ni Villalobos sa Nueva Espania upang humingi ng tulong. Sinabi sa liham na huli na sa panahon nang nagtangka silang maglayag papunta sa Nueva Espania, na pagbalik nila, natagpuan nila at isinakay ang 21 maysakit na Espaniol sa Tandaya at patuloy silang naghahanap kung nasaan na si Villalobos. Nagpatuloy ng paglibot ang San Juan at nabalitaan ni Alvarado na sa 'pulo ng Zubu, may mga Espaniol na buhay pa mula nuong panahon ni Magallanes (Magellan).' Gawi raw ng mga taga-China na magpabalik-balik duon upang bumili ng ginto at mamahaling bato. Octobre 17, 1944 na nang bumalik ang San Juan sa pulo ng Tidor. Nagkasama-sama muli, kinumpuni ng mga Espaniol ang kanilang mga barko upang makabalik sa Nueva Espania. Nuong sumunod na taon, 1545, pinauna ni Villalobos ang barkong San Christoval maglayag pabalik, sa pamumuno ni Ynigo de Roda bilang capitan, at kasama ang piloto, si Gaspar Rico. Malayo ang landas na tinunton ng San Christoval, narating pa ang Nueva Guinea (New Guinea, sa pagitan ng Indonesia at Australia) na narating ni Alvaro de Saavedra nuong 1527.
Pinalaot din nuong Mayo 16, 1545, ang barkong San Juan de Letran ni Capitan Alvarado upang bumalik sa Nueva Espania ngunit, gaya ng barkong San Martin, hindi sila nakapagpatuloy at napilitang bumalik sa Tidor pagkaraan ng 5 buwan, nuong Octobre 3, 1545.
Ternate, 1546.
Nuong Mayo 17, 1546, dinala ng mga Portuguese ang pangkat ng mga Espaniol sa Cochin, ang kanilang sakop na lungsod sa India. Mula duon, sakay sa barkong Portuguese, dinala sila palagos sa Cabo da Esperanza (Cape of Good Hope) sa Africa at ibinaba sa Lisbon, lungsod ng hari ng Portugal. Nagpaiwan ang frayleng Augustinian, si Geronimo de San Estevan, sa Cochin, India (may simbahan at convento ang mga Augustinian duon) kung saan niya isinulat ang kanyang liham ng kasaysayan para kay Mendoza, ang viceroy ng Nueva Espania, nuong Pebrero 22, 1547. Sumama si Garcia Descalante Alvarado sa pangkat ng mga Espaniol na nagpatuloy sa Lisbon, kung saan naman niya isinulat ang pahayag niya ng paglakbay para rin kay Mendoza nuong Agosto 7, 1548. Balik-balik.
Tulad ni Andres de Urdaneta, si Lavezaris ay nabalik sa kasaysayan ng Pilipinas sa mga dumating na araw nang nakasama siya muli sa paglakbay ni Miguel Lopez de Legazpi, at naging governador pa ng Pilipinas pagkamatay ni Legazpi. Munti lamang ang naganap ng lakbay ni Villalobos, maliban sa pagpatay at pagkamatay ng maraming tao, ngunit nagsilbi itong pamuno sa sumunod at higit na matatag na pagdayo ni Legazpi. Isa pa, ito ang kauna-unahang paglakbay na sumadya sa mga pulo ng kanluran na kinabilangan ng Pilipinas, sa halip ng pagtuloy na lamang sa Maluku, bagaman at duon din nasadlak sa wakas sina Villalobos. At panghuli, sa paglakbay na ito nagkapangalan ang kapuluan ng 'Phelipinas.' Balik sa nakaraan Akyat at ulitin Tahanan ng mga kasaysayan Listahan ng mga kabanata Tuloy sa susunod
|