Sinulid   NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Patuloy Ang Pagtanáw Sa Naglahň
The Ongoing Beginning and End of Ages in the Philippines

Kahit kauntî at kalát-kalát, naratíng at pinamahayan ng mga Unang Pilipino ang buóng kapuluán nuón pang 10,000 taón sa
nakaraán. At mahigít 3,000 taón sa nakaraán, naka-ukit na ang mga taong bató ng palayan (rice terrace) sa Banaue, Ifugao. Sumilong silá sa mga yungíb subalit nag-bahay din, baká nagtatág pa ng mga baranggáy - natuklás sa “ligáw” na puók
ng Tanjay sa Negros Occidental ang pahiwatig ng 6 sahíg ng bahay bawat kilometro cuadrado. Sa libu-libong taóng
nagdaán, naagnás nang lahát ang kahoy, kawayan at nipa ng mga bahay subalit ang takíp ng iláng kabaong na bangŕ
sa Cotabato ay hugis bubóng ng karaniwang bahay kubo. Nawalâ na rin ang karamihan ng mga industria nilá, ang mga
buslô (baskets), lubid (rope), lambát (net), panŕ at palasó (bows and arrows), patibóng (traps), pampigâ ng tubô
(sugarcane presses), araro (plows) at pambayô ng palay (rice huskers). Kailangan pang matuklás ang karamihan ng
kaniláng pagkain, at kailán at paano dumatíng ang bigás sa Pilipinas...   --William Henry Scott, 1984

NUÓNG 1983, natuklás ni Connie Bodner ng University of Missouri sa America ang tinahanan (settlement) ng mga Unang Tao (archaeological site) sa Fekes, sa Tucucan, Mountain Province, nuóng 1,440 taón sa

Nagambalŕ ang Pagsiyasat

NINAKAWAN ang yungíb na ginamit na libingan 3,000 taón sa nakaraán. Bandáng 7 kilometro lamang mulâ sa kasalukuyang municipio, ang yungíb ay nasa Sitio Linaw sa baranggáy ng Saranggani Kiambing, Maitum, sa Saranggani, Mindanao. Baság-baság nang lahát ang mga pasô, palayók at bangŕ na ibinurol sa yungíb. Nanghinayang siná Eusebio Dizon, Rey Santiago at ibá pang mulâ National Museum of the Filipino People na nagsiyasat nuóng 2002. Baká hindi na matuós kailán inilibíng ang mga Unang Pilipino duón.

nakaraán. Walang gumambalŕ sa puók (in situ), at natagpuán ni Bodner ang mga kagamitáng bató (stone tools), mga pasô (ceramics) at pinandáy na bakal (worked iron). Mahalagá sa lahát ang mga kidkiran (huso, spindle whorls) ng sinulid (hilo, thread) na gawâ, paniwalŕ ng mga nag-aghám (scientists), sa bulak (algodon, cotton).

Ang pagsulid ng pisě (cuerda, twine) at lubid (soga, rope) ng ibáng himaymay ( fibers) sa Pilipinas, Eusebio Dizon tulad ng bunót ng niyóg (coconut husk) at ng abacá (Manila hemp), ay pini-pilipit ng kamáy sa hitŕ (thigh) o habang nakatalě sa punong kahoy. Tanging bulak na may sarili nang pilipit ang nasusulid sa kidkiran. Kayâ ang mga natuklás ay katibayang matagál nang naghabě ng telang bulak (cotton cloth) sa Pilipinas, at ang makukulay na tela ng mga taga-hilagang Luzón ngayón ay nagmulâ sa dunong ng mga Unang Tao halos 2,000 taón, maaaring higít pa, sa nakaraán.

Katibayan din ang kidkiran, pasô at pabigát sa lambát (fishnet sinkers) ng 3 mahalagáng industria nuóng Unang Panahon - pangisdâ (fishing), paghabě (weaving) at pagpa-pasô (ceramics).

Dapat bang Siyasatin?

HANGGÁNG 120 taón sa nakaraán, inibá ang hugis ng ulo ng mga tao sa maraming bahagě ng Pilipinas. Karaniwang lumalaki nang pabilog ang bungô, subalit natuklás na pina-uslí nang pahabŕ Elongated skull ang mga bungô sa Albay, Marinduque, Surigao, Samar, Bohol, Tablas, Davao at Samal, subalit hindî alam kung bakit.

Dating gawî nuóng Unang Panahon sa Peru at ibá pang bahagě ng South America ang talian ng kahoy ang ulo ng mga sanggól upang lumakí ang bungô nang pahabŕ, takdâ ng

Tboli horses pagka-maharlika (high status) nilá.

Hindî tantô ang ugnáy, kung mayruón man, sa paghugis ng ulo sa Pilipinas, subalit nahulaan ang dahilán ng kakaibáng pagburol sa 2 kalansáy na natuklás sa Butuan. Ang isá ay nakahigâ nang tihayŕ. Ang pang-2 kalansáy ay nakaupô sa tabí at nakaharáp sa unang kalansáy. ‘Amo’ raw ang unang bangkáy at ‘alipin’ ang pang-2. Kailán dumatíng sa Pilipinas itóng ‘panahón ng pagha-harě?’

Samantalŕ, natuklás sa Batangas ang kalansáy ng kabayo at aso mulâ nuóng Unang Panahón. Kapwŕ pagkain itó ng mga unang tao. Ulat ng mga Espańol pagdatíng mulâ nuóng 1565 na waláng kabayo sa Pilipinas. Sa mga sumunód na taón, napilitan siláng bumilí ng mga kabayo mulâ sa China, at ang mga anák-anakán ng mga itó ang sinisingkáw sa mga calesa nuón at ngayón. Bakit naglahň ang dating mga kabayo sa Pilipinas? Dahil sa lupít ng kalikasan o sa gutom ng mga unang tao?

NAPATUNAYAN ng mga nag-aghám (scientists) na gumagamit ng bató at kahoy ang ibon at hayop, patí na ang mga bakulaw (apes), at nagtataním at nag-aaně (harvest) ang mga langgám (ants) at ibá pang hanip (insects).

Ang paggawâ ng bahay (nest building), paglikas (migration), kahit na ang pagsalakay (invasion) at digmaan (war) ay ugalě rin ng mga hayop at hanip. At natutong gumamit ng apoy (fire) ang nakakatindíg na tao (homo erectus)

Ang Naunang Panahón ng Hindî-pa Tao

700,000 taón sa nakaraán [hayag sa Kalansáy niná Eva At Adán sa website ding itó], nuóng hindî pa ganáp ang pagbabago (evolution) upang magíng kasalukuyang tao (modern humans). Kayâ hiráp ang mga nag-aghám tantuín kung kailán, bakit at paano tayo nagíng tao, sakaling tayo man ay maglahň (extinct) tulad ng ating mga ninunong hindî-pa tao (proto-humans). Isáng pinu-puntiryá nilá, tamŕ o malî, ang paggawâ ng kagamitáng bató (stone tools) nuóng unang panahón, nang hindî lamang ginamit kundî hinugis ang mga natagpuán bagay ayon sa anyô (shape) na kathâ sa utak lamang. Ang hirap: Hindî sabáy-sabáy ang paggawâ sa bató sa daigdíg, magíng sariling tuklás (invention) o ginaya mulâ sa ibáng tao na lumikas mulâ sa mga lupaín sa paligid. Hindî rin sabáy-sabáy natapos ang panahón ng bató (Stone Age).

‘Lumang’ Bató,

TULAD sa ibáng puók ng daigdíg, waláng gamit ang mga Unang Tao sa Pilipinas kundî pinatulis na bató. Maigi at maraming bató sa kapuluán, tulad ng batóng ilog, batóng buháy at batóng ihada (jade) na nabibiyák nang matalím kapág tinapyás o binasag. Matalas, mainam ang mga itó na pangkatay (butcher) ng pagkain-dagat

‘Bagong’ Bató

(seafood) at mga hayop. Sa pagdaán ng libu-libong taón, natuto ang mga Unang Tao na kinisin ang kaniláng mga kagamitáng bató, ang simulâ ng tinatawag ngayóng Bagong Panahón ng Bató (Neolithic o New Stone Age). Higít na kaibahán, lantád sa paghugis at pagputol sa mga bató, na itó ay ‘ginawâ’ at hindî basta na lamang

natagpuán nang ganuón. Hindî tiyák kung kailán nagsimulâ ang bagong panahón maliban sa tantiyáng halos 6,000 taón sa nakaraán ginawâ ang mga natuklás sa mga yungíb sa Palawan, Masbate at Sorsogon. Tumagál ang panahón hanggáng 1,800 taón sa nakaraán. Saklób daw nitó lahát ng natuklás sa mga yungíb at libingan, mulâ sa mga bundók ng Cordillera sa Luzón hanggâng sa mga pulô ng Basilan at Sulu.

Simulâ at Kapatusán ng mga ‘Panahón’

ANG pira-pirasong bakal ay hindî katibayan ng “panahón ng bakal,” at ang mga pader (walls) ng Intramuros ay hindî katibayan ng “panahón ng bató.” Dapat unawain na ang mga “panahón” ng bató at bakal ay sukat, hindî ng tagál ng oras o dami ng taón, kundî ng pag-iibá ng gawî at gamit, at ang pag-unlád ng kabuhayan at kakayahán ng mga naunang tao. At ang simulâ ng “bagong” panahón ay hindî takdâ ng pagtapos ng “lumang” panahón. Una, hindî sabáy-sabáy ang mga “panahón.” Sa ibáng bayan, ang panahón ng “bagong bató” ay pahiwatig ng pagtatanim (agriculture) na iláng libong taón na sa Pilipinas bago gumawa ng “makabagong kagamitáng bató” ang mga Unang Pilipino.

Isâ pa, may mga puók na hindî nakaranas ng “panahón” na naganáp sa ibáng lupain, gaya ng Pilipinas na hindî nagkaruón ng tunay na “panahón ng bakal” (Bronze and Iron Ages). Patunay: Ang unang gintô, tansô at bakal (iron) sa Pilipinas ay natuklás sa Palawan kasama ng mga kagamitáng hugis “lumang bató.” Sa Bontoc, Mountain Province, sama-samang iniwan ang mga pinagtabasan ng bató at pira-piraso ng pinandáy na bakal 1,500 taón sa nakaraán. Sa Samar, gumawâ ng kagamitáng bató ang mga taga-ilog Basey 700 taón lamang sa nakaraán, habang gumagamit ang mga kapitbahay nilá ng bakal at porselana mulâ sa Sung dynasty sa China nuóng 960-1278. Sa tabí ng Zamboanga namán, magkasama ang mga gamit na bató at mga pasô (ceramics) na ginawâ sa Thailand 200 taón lamang bago dumatíng ang mga Espańol.

Ang Halagá ng Pagpa-pasô

MAHALAGÁ ang simulá ng pagpa-pasô (pottery), sunód lamang sa paggamit ng bató (stone tools), sa kasaysayan ng pagtanyág ng mga Unang Tao (first peoples) sa Pilipinas, at sa buóng daigdíg. Paniwalâ ngayón na ang pagpapasô (Age of Pottery) ang unang hakbáng patungo sa kabihasnán (civilization).

Sa Pilipinas, higít sa lahát, itó ang takdâ ng pamahay nang palagian (settlements) ng mga Unang Pilipino - ang mga nagpalaboy-laboy (hunters-gatherers) sa paghanap ng hayop at halamang pagkain ay hindî gumawâ o nagbitbít ng mga palayók at bangŕ (pots and jars). Sa Pilipinas, ang pagpa-pasô at ang paghabě ng buslô (basket weaving) ang 2 pahiwatig ng simulâ ng pagtataním (agriculture).

Lawrence Reid Ang mga pinagkunan
Another Look at the Language of the Tasaday, by Lawrence A. Reid, University of Hawaii,
Social Science Research Institute, www.aa.tufs.ac.jp/~reid/Tasaday/Papers/pdffiles/tas1.pdf
Archaeology in the Philippines, the National Museum and an Emergent Filipino Nation, Wilhelm G. Solheim II Foundation
for Philippine Archaeology, Inc., homepages.uni-tuebingen.de/alfred.pawlik/Solheim/philippine_archaeology.html Manansala
Austronesian Navigation and Migration, by Paul Kekai Manansala, www.geocities.com/pinatubo.geo/austro.htm
Burial Goods in the Philippines: An Attempt to Quantify Prestige Values, by Grace Barretto-Tesoro,
Southeast Asian Studies, December 2003, www.cseas.kyoto-u.ac.jp/seas/41/3/410302.pdf
Carl E. Guthe, 1893-1974, Museum of Anthropology, University of Michigan, www.lsa.umich.edu/umma/about/history/guthe
Chinese jars in the Tabon Caves, by Robert B. Fox, The Manila Times, Wednesday, May 7, 2003,
www.manilatimes.net/national/2003/may/07/top_stories/20030507top10.html

Cordillera Cultural Heritage Collections in Australia, by Dee Dicen Hunt, Treasure-hunting in our public libraries,
museums and galleries, cpcabrisbane.org/Kasama/2005/V19n1/CordilleraCollections.htm

Discover Palawan, Palawan Provincial Information Office, www.pioneerexpeditions.com/palawan.htm#groups
Eden in the East, by Stephen Oppenheimer, The Drowned Continent of Southeast Asia, Phoenix, Orion House, London, 1999
The Gentle Tasaday, by John Nance, A Stone Age People in the Philippine Rain Forest, Harcourt Brace Jovanovich, New York and London, 1975 Keith Rankin
Heyerdahl and Atlantis, by Keith Rankin, rankinfile.co.nz/rfc2002425HeyerdahlAtlantis.html
History of the Great Cave of Niah, Barbara Harrisson archive, www.abc.net.au/science/slab/niahcave/history.htm
Jade and Jade-like Artifacts in Philippine Collections, by Cynthia O. Valdes,
Wilhelm G. Solheim II Foundation for Philippine Archaeology Online Reports, No. 6, Oct 2005, homepages.uni-tuebingen.de/alfred.pawlik/Solheim/Online%20Articles/Jade.pdf Hukay Cagayan
Maitum cave artifacts likely 3000 years old, Carolyn O. Arguillas,
MindaNews, Oct 27, 2002,www.mindanews.com/2002/11/1st/nws27maitum.html
Man’s Conquest of the Pacific, by Peter Bellwood, Neolithic And Metal Age Cultures In The Philippines,
Oxford University Press, New York, 1978

Manobo, Cotabato, Summer Institute of Linguistics (SIL), www.ethnologue.com/show_language.asp?code=MTA
National Geographic Magazine: Help for Philippine Tribes in Trouble, by Kenneth MacLeish, August 1971;
The Tasadays, Stone Age Cavemen of Mindanao, by Kenneth MacLeish, August 1972; Geographica, May 2000

National Museum of the Filipino People, members.tripod.com/philmuseum.archaeo.htm
Oldest human occupations of caves in the Philippines: Tabon cave and El Nido (Palawan), by Sheldon Clyde Jago-on,
National Museum of the Philippines, www.reseau-asie.com/rf/co_en_27_252.html
Philippine Prehistory, by Jennee Rubrico, Rose Orbigo, and Mae Salvanette Leyson, Ateneo de Manila University, www.geocities.com/CapitolHill/Senate/5727/philprehist.html
Prehistoric Source Materials for the Study of Philippine History, by William Henry Scott,
New Day Publishers, Quezon City, 1984
Tasaday, from Wikipedia, the free encyclopedia, en.wikipedia.org/wiki/Tasaday

Nakaraáng kabanatŕ           Balík sa itaás           Listá ng mga kabanatŕ           Mga Kasaysayan Ng Pilipinas           Kalansáy niná Eva at Adán           Panahón Ng Bató At Bakal