![]() ![]() |
NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino
‘Panahón’ Ng Tansô At Bakal Sa Pilipinas
Hinayag nuóng 1890 ng isáng taga-Germany, si Hans Meyer, na tinutunaw (smelt ) ng mga Igorot ang lantáy na bakal ( pure iron) mulâ sa lupang na-mina (ore). Tsismis lamang itó, batay sa bantóg ng mga sandatang bakal ng mga Igorot. Katunayan, waláng nakasaksi nitó kailán man, at waláng alám ang mga Igorot ukol sa pagtunaw ng lantáy na bakal ngayón o nuóng unang panahón. Kahit na sa mga alamát nilá, walâ... --William Henry Scott, 1984 |
|
SA iba’t ibáng bahagi ng daigdíg, sumunód ang Panahón ng Tansô sa Panahón ng Bató simulâ nuóng bandáng 5,500 taón sa nakaraán, nabantog sa buóng daigdíg dahil sa digmaan sa Troy (Trojan War) na isina-tulâ (epic) ni Homer. [Ang mga unang panahón sa mondo ay naka-lathala sa ‘Panghilod, Pandikdik, Panaksak’ sa website ding itó.] Walâ pang natutuklás na lata | (tin) sa Pilipinas, kailangan upang patigasín ang lantáy (pure) na tansô na lubháng malambot upang magamit maliban sa alahas (jewelry). Natuklás sa mga kagamitan nuóng Unang Panahón (prehistory) sa Luzon at Palawan ang mga alambre (wire), mga patalím (cuchillos, knives), tulis ng sibát (spearheads) at palasó (arrowheads), at kakaibáng palakól | |
![]() Natuklás din ang mga luwád ( formas, molds) ng mga palakól kayâ paniwalâ ngayóng nagpanday ang mga Unang Pilipino, gamit ang lata imported mulâ sa ibáng lupain, o tinunaw lamang ang mga tansóng dinalá mulâ sa ibáng bayan. Subalit napaka-untî ang mga natuklasán upang magka-sapát na ‘panahón ng tansô’ sa Pilipinas - matagál nang tapós ang Unang Panahón at panahón na ng Espańol nang ipasok o gawín ang karamihan ng tansô sa kapuluán. Kasabáy sa mga natuklás ang ginto at pagtagal, ang bakal (iron) na rin, kayâ maniwaring ang tansô ay maisasali sa dapát tawaging ‘Panahón ng Bakal’ (Metal Age) sa Pilipinas. |
||
Panahón Ng Bakal BATAY sa pinaka-matandáng pira-pirasong bakal na natuklás, panukalang nagsimulâ nuóng 2,600 - 2,500 taón sa nakaraán ang Panahón ng Bakal (Metal Age) sa Pilipinas at tumagál hanggáng 1,000 taón sa nakaraán, nang unang pumasok ang mga porcelana mulâ China at nagsimulâ ang, sa Pilipinas, ay ibá at tanging ‘panahón’. Kayâ marami sa mga natuklás sa kapuluán na hindî tiyák ang gulang ay isinadlák sa Panahón ng Bakal kahit waláng bakal na natagpuán, bastá waláng kasamang kagamitang bató (stone tools) at walâ ring porcelana. Sa panahóng itó nagsimulâ ang pagburol ng mga kabaong na bangŕ sa mga yungíb ng Tabon sa Palawan [lahád sa isá sa mga nakaraáng kabanatŕ, Lakbay Pa-‘Kabiláng Buhay’ sa website ding itó]. |
Hinati ni Robert Fox ng National Museum of the Filipino People ang panahón sa 2: Ang Bago-bagong Panahón ng Bakal (Early Metal Age) mulâ nuóng 2,600 - 2,500 taón sa nakaraán, at ang Ganáp nang Panahón ng Bakal (Developed Metal Age), bandáng 2,190 taón sa nakaraán. Ang una, sabi ni Fox, ay panahón ng tansô (bronze) at salamin (abolorio, glass), samantalang kasama na ang bakal (iron) sa pang-2 panahón. Lawak sa mga libingan sa Pilipinas ang ‘sapal’ (iron slag) ng pagtunaw sa lupang na-mina (iron ore) upang mahangň ang lantáy na bakal (pure iron). Mayruón pang iláng puók na maniwaring naging hulmahan ng bakal (iron smelting). Katibayan itó na bihasŕ sa bakal ang mga Unang Pilipino at nagsimulâ, kung hindî man nagtagál, ang industria ng paghango sa |
bakal. Subalit nuóng hulíng 500 taón ng panahón ng bakal, naglahň ang industria, ayon sa mga ulat mulâ nuón.
Rumurupók ang bakal sa tagál ng panahón, kayâ pulós kalawang at basag-baság ang mga alahas, karaniwang mga singsíng (anillos, rings), at gamit na bakal, karaniwang mga panghukay (diggers) o pamputol (cutters) mulâ sa unang panahón, kayâ mahirap tantuín ang husay ng pandáy ng mga Unang Pilipino. At halos waláng natagpuáng malakíng pirasong bakal, marahil dahil wala nuóng marunong lumikhŕ ng bantóg (monumental ) sa bakal. O baká, gaya ng mga ulat nuóng panahón ng Espańol, magastos (expensive) ang bakal at waláng may kayang bumilí o magpalikhŕ ng malakíng bakal. [Tapós na ang Unang Panahón nang nauso ang mga kampilan at iták sa kapuluán.] |
![]() Buóng panahón ng bakal, nagpatuloy ang paggamit ng kahoy, kabibi at bató sa paggawâ ng mga gamit, - mga sandók (cucharas, spoons) at manik (abalorios, beads) at ibá pa. Ang mga itó ay mas malinaw kaysa sa bakal sa pag-larawan ng pamumuhay ng mga Unang Tao sa Pilipinas. Ang mga natagpuáng kidkiran (ejes, spindles) ay nagpahiwatig ng pagsulid ng sinulid (hilo, thread), malamáng bulak (cotton), at malamáng ng paghabě ng tela (cloth weaving) na rin. Pahiwatig ng husay sa paghabě nuóng Unang Panahón pa ang mga natuklás na bakás ng baníg (woven mats) na napaka-fino, akalŕ ay tela bago sinuri sa microscope. |
||
![]() Pagkaraán ng 1,000 taón ng Panahón ng Bakal, lumawak ang ugnayan at kalakal mulâ sa iba-ibáng lupaín, Borneo, Indonesia, Malaysia, Taiwan at Vietnam. May mga natuklásan pang mga manik na galing sa timog India o baká sa Sri Lanka (dating Ceylon). Higít sa lahát, nagíng magana ang ugnayan sa China, at higít sa lahát ng kalakal ang porcelana. May nahukay na bangkáng pandagat (ship) na lumubóg nuóng panahón ng kaharián ng Sung sa China, bandáng 1,000 taón sa nakaraán. May dalá ang bangkâ na mga pinggán (platos, dinner plates) na porcelana. Malawak at magana ang industria ng pagpa-paso (ceramics) sa Pilipinas nuóng Unang Panahón, ang ibáng mga productos, tulad ng palayók (cooking pots), bangŕ (jars) at pasô (planters), ay ginagawâ at ginagamit pa hanggáng ngayón subalit pahiwatig ang bangkâ ng simulâ ng imported sa Pilipinas, ang Panahón ng Porcelana. |
||
Nakaraáng kabanata Balik sa itaas Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |