Sa Huynh ‘Import’/‘Export’ Sa Unang Panahón

HAWIG sa Lingling-o ang mga hikaw na natuklás nuóng 1909 sa Sa Huynh, bahagì ng South Vietnam ngayón. Akalà nina Sa Huynh 2 H. Otley Beyer nuóng una na ang natagpuán niláng malakíng Lingling-o na may 2 ulo (cabezas, heads) sa magkabiláng dulo ay sabit-kuwintás (colgante, breast pendant), subalit sa pagsurì sa mga natuklás sa Sa Huynh, natiyák na hikaw din ito dahil natagpuán sa tabí ng isáng bungô (calavera, skull).

      NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino Ling Ling-o

Mga Hikaw ‘Lingling-o’
Unang ‘Fabrica’ ng Alahas sa Pilipinas

NANG natuklás ni H. Otley Beyer ang mga hikaw na gawâ sa batóng ihada ( jade, nephrite) sa Batangas nuóng 1948, napansín niyáng hawig sa mga hikaw, gawâ sa gintô (oro, gold), pilak (plata, silver) o tansô (cobre, copper), na isinusuót ng mga Ifugao, Bontoc at Kalinga sa mga bundók ng Cordillera, sa hilaga ng Luzón. “Lingling-o” ang tawag nilá sa ganitóng urì ng hikaw kayâ itó rin ang itinawag ni Beyer, na Ifugao ang asawa, sa kanyáng mga natuklás.

May 2 ulo (bicephalous) rin sa mga lingling-o na natuklás ni Robert Fox sa mga yungíb ng Duyong, Uyaw at Guri, sa Tabon, Palawan, nuóng 1960s. Mukhá raw gawâ rin sa batóng ihada subalit hindî pa nasusurì nang maigi, at hindî pa alám kung saán nagmulâ, kung sakaling batóng ihada talagá.

Mulâ sa sari-saring bató ang mga lumang lingling-o na natuklás sa ibá’t ibáng bahagì ng Pilipinas.

Gawâ sa ‘batóng buhay’ (mica, tinawag ding ‘ihadang Mindoro’ o Mindoro jade) ang hikaw na nahukay ni Barbara Thiel sa yungíb ng Arku sa mga bundók ng Sierra Madre. ‘Batóng buháy’ din ang mga hikaw na nabalitang itinatago ngayón ng mga nakatuklás nitóng mga nakaraáng taon. Gawâ namán sa karaniwang tisà (arcilla, clay) ang natuklás ni Amalia de la Torre sa Ulilang Bundok, sa lalawigan ng Batangas.

May mga lumang lingling-o na tisà rin na natagpuán sa pulô ng Marinduque at sa libís ng Cagayan (Cagayan Valley) sa hilagang Luzón. May nabalità pang lumang lingling-o na gawâ sa salamín (glass), natuklás daw sa Palawan. [Karamihan ng mga gawâ sa salamín nuóng unang panahón ay galing sa China.]

Ang pinaka-maraming natuklás na gawâ sa batóng ihada, hindî lamang mga lingling-o kundî libu-libong mga palakól (azuelas, adzes), ay si Beyer sa matagál niyáng pagsaliksík ukol sa simulâ ng mga Pilipino sa Rizal, Laguna at Batangas nuóng 1930 hanggang 1940.

Matapos suriin ni Yoshiyuki Iizuka ng Academia Leta-Leta Sinica sa Taiwan, natiyák na kaibá ang mga itó at hindí nanggaling sa mga kilalang pinagkukunan ng batóng ihada. Malamáng daw na kinuha sa mga hindî pa natutuklás na puók na malapit sa timog Luzón - baká sa mga pulô ng Romblon o Tablas dahil may mga marmol (marble) duón na nabuô tulad sa batóng ihada nuóng unang panahón.

Pahiwatig lahát itó ng masugid na paggawâ (fabrica, industry) na lumaganap sa Pilipinas libu-libong taón sa nakaraán. Tutuóng mahilig mag-alahas ang mga Pilipino, binunyág ng mga unang Español na dumating nuóng 1521, subalit sa pagsuót ng lingling-o kahit na gawâ lamang

sa tisà, maniwaring ang paggamit nitó ay hindî lamang hilig kundî bahagì na ng lumang gawî, batay sa hindî na alám na dahilán.

3,000-Taóng Pagawaan ng Jade

Napagtibay itó ng mga nag-aghám sa mga unang tao (archaeologists) mulâ sa National Museum of the Filipino People at sa University of the Philippines. Kailán lamang, sa pamunò ni Peter Bellwood ng Australian National University, natuklás nilá ang isáng paggawaan (fabrica, workshop) ng batóng ihada sa Anaro, sa Itbayat, isá sa mga pulô ng Batan (Batanes Islands) sa tabí ng hilagang Luzón. Mahigít 24 pira-pirasong pinagtabasan (remnants) ng lingling-o ang nahukay, mahigít 3,000 taón na ang tandâ.

Ayon kay Iizuka, malamáng nanggaling ang batóng ihada sa Taiwan o sa kalapít na pulô ng Lan Yu. [Ang Lan Yu ang kahuli-hulihang pamahayan (colony) ng mga Yami, mga Batan (isá sa mga pulô ng Batanes ay tinatawag pang Yami ngayón) na lumikas nuóng walâ pang Intsík duón.]

‘Imported’ ang mga Alay sa Pulong

KAHIT gamit ng lahát, mas mababa ang gintô sa tingin ng mga Unang Pilipino kaysa sa mga ‘imported.’ Inulat ng mga Español na bihirang mag-mina ng gintô sa Visayas, kung kailangan lamang pambayad sa kalakal at, maliban sa mga suót na alahas, hindî iniipon sa bahay. Sabi raw ng mga tagapulô, ang gintô sa bahay ay naaagaw ng mga mandarambóng ( pirates), ang gintô sa lupà ay hindî.

Nang lumaganap ang paggamit ng pilak (plata, silver) mulâ Nueva España (Mexico ang tawag ngayón) dahil sa Galleon Trade simulâ nuóng 1595, mabilis na naglahò ang paggamit ng gintô sa Pilipinas. Malinaw na pahiwatig itó, sabi ni Grace Barretto-Tesoro, na nahilig ang mga tagapulô sa mga ‘imported ’ sa halíp ng mga bagay na ‘local.’

Napagtibay na hilig na itó mulâ pa nuóng Unang

Bakaw, sa Calatagan, Batangas

Panahón ng mga natuklás sa pulô ng Bakaw, sa Calatagan, Batangas, na sinurì ni Robert Fox simulâ nuóng 1959. Nahukay ang libingan ng 207 tagapulô - 95 matandâ, 25 binatà at dalaga, 31 batà at 4 sanggol, 2 ay ibinurol sa mga bangà. Ang ibáng mga kalansáy, tantiyáng 550 - 450 taón ang gulang, ay lubháng naagnás at hindî na nasurì.

Lantád sa mga kasamang ‘alay sa patáy’ - mga kalakal mulâ Annam (bahagì ng North Vietnam at kanlurang timog China ngayón) at Siam (gitnaan at timog Thailand ngayón) - na laganap na ang kalakal at ugnayan sa mga kalapit-bayan nuóng bago pa dumatíng ang mga Español.

Kabilang sa mga natuklás ang mga maník (abalorios, beads), salamín, gintô, tansô at gintóng alahas, mga kagamitáng bakal at mga kidkiran ng sinulid. Mayruón ding mga ‘local

na palayók at pasô na may mga kabibi at mga butó ng hayop at isdâ sa luób.

Kauntî ang mga ‘mayaman,’ 4 lamang ang ibinurol kapiling ng mga kagamitáng bakal, at 6 lamang ang may alahas at ibá pang palamutî (ornaments). Sa 25 binatà at dalaga, 20 ay mga ‘local’ na palayók lamang ang ‘alay,’ at ang 2 sanggol na hindî ibinurol sa bangà ay waláng ‘alay’ kahit na anó.

Dahil sa agnás ng mga kalansáy, hindî na natiyák kung ang mga kagamitán ay isiniping sa mga lalaki at ang mga palamutî ay isinama sa mga babae. Ang mga ‘local’ na palayók ay gaya sa mga porcelana ng China at mababang urì ang pagkagawâ.

Baka nagambalà, nagkalat sa mga libingan ang mga kaligay (cowrie shells) at ibá pang kabibi, at iláng pirasong butó ng mga usá (ciervos, deer) at baboy (cerdos, pigs).

Panahón ng Sandata sa

SA itinagál ng Unang Panahón, ang mga ‘alay sa patáy’ ay mga kagamitán (tools) at palamutî (ornaments), mga alahas ( jewels) at kayamanang naipon sa tanáng buhay, at karapat-dapat dalhín sa ‘kabiláng buhay.’ Sa Panhutongan, isáng baranggay sa Placer, Surigao del Norte, mga sandatang bakal (iron weapons) ang isiniping sa mga bangkáy nuóng bandáng 2,000 taón sa nakaraán.

Ginambalà ng mga magnanakaw, malamáng nuóng panahón ng Español, hindî alám ngayón kung may gintô (gold) at ibá pang yamang inilibing kasiping ng 16 bangkáy na natuklás duón walâ pang 1 metro ang lalim sa lupà. Ang 13 kabaong ay punong kahoy (tree trunks) na pinutol nang 1.80 - 1.85 metro (6 feet) ang habà, at inukà sa luób hanggáng nagkasya ang bangkáy. Ang iláng kabaong ay rectangulo, ang ibá ay paliít sa bandáng paanan at malapad sa bandá ng balikat - ang likas na hugis ng punong

Panhutongan, Surigao del Norte

kahoy (tree shape) at hugis pa ng ibáng kabaong na ginagawâ ngayón. Ang mga kahoy na ginamit na kabaong ay nakilalang molave, narra, tangile at pahutan. Ang kabaong ng 3 ay gawâ sa 5 tabla ng kahoy na bahi. Maniwaring natuto nang mag-lumber ang mga Unang Pilipino nuón.

Paniwalà ngayóng mga Español ang nagnakaw sa mga libingan sapagkát sa ulat niná Pedro Chirino at ibá pang frayleng sumurì sa mga Unang Pilipino, hindî nilapastangan ng mga tagapulô ang puntód ng kaniláng mga ninunò.

Si Miguel Lopez de Legazpi mismo ang sumulat sa hari ng España, si Felipe 2, na ipinagbawal niyá ang paghalukay ng kanyáng mga sundalong Español sa libingan ng mga tagapulô nang waláng pahintulot dahil nais niyáng singilín ng buwís (taxes) ang lahát ng gintô at alahas na ninakaw. Isá pang dahilán, ang mga

Marker naiwan ay mga maník, at mga sandatang bakal (iron weapons) - mga iták (machete, bolo) at tulis ng sibát (spearheads). Isiniping sa tabí at dibdíb ng mga bangkáy, mas mahalagá ang mga itó kaysa sa gintô at alahas, para sa mga Unang Pilipino, sapagkát mas bihirà ang bakal at mas mahirap nakamít.

Isá pa, ang mga sandata ay taták ng kaniláng pagiging mga pinunò at maharlika, higít at daíg ang pagiging mayaman lamang. Kung Pilipino ang nagnakaw nuón, malamáng ang mga sandata at bakal ang ninakaw nilá, at iniwan ang gintô at alahas na pangkaraniwan lamang sa kanilá.

Nakaraáng kabanatà                   Ulitin mulâ sa itaás                   Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                   Listá ng mga kabanatà                   Sunód na kabanatà