Bangkay Mummy na Pinoy       NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Mga ‘Mummy’ ng mga Pilipino
Native Cults of the Dead

Ang kahulugán ng ‘buro’ sa hilagang Luzon ay ibabad nang matagál (marinate)
ang gulay o carne sa tubig na may asín (brine) o sukŕ (vinegar) upang tumagál nang hindî napapanis, nabubulók at naa-agnás (corrupted).

1,100 taón sa nakaraán, sinimulán ng mga Ibaloi na iburol nang kakaibá ang kaniláng mga patáy, pati na itóng 2 lalaking nakalarawan sa kanan, isá ay musmos pa, ang matandâ ay may ‘tatű’ (tattoo) na mga guhit sa bintî. Natuklás silá kamakailán sa mga yungíb sa taás ng bundók, sa kabayanan (town) ng Kabayan, mahigít 300 kilometro mulâ sa Manila.

Ayon kay Orlando V. Abinion ng National Museum of the Filipino People, naghandâ pa ang mga mahárliká ng mga Ibaloi kapág matandâ na, o maysakít at malapit nang mamatáy. Uminóm daw ng maraming tubig na may asín upang malinis ang kaniláng mga lamán-luób (internal organs) nang sa gayón, mas madalî siláng mai-buro. Sa dami ng ibinurol ng mga Ibaloi nang nakatalungkô o nakabaluktót ( flex burial ), 32 na lamang ang buó pa. Tinatangkâ ni Abinion na patagalín pa (conserve) itóng 32 ‘mummy’ at iligtás mulâ sa panganib ng mga logger, mga mapanirŕ (vandals) at mga dagâ (rats). Kayâ pinakunan niyá ng litrato ang mga bangkáy, bago ibinurol ulî sa mga yungíb na sinarhán (closed) pagkatapos. Nuóng 1998, isinama ng World Monuments Fund ang mga yungíb ng Kabayan sa listahan nilá ng mga puók na nanganganib na maglahô (endangered sites) upang makatulong kay Abinion.

Gawî ng Pang-2 Libíng, Paghiwaláy sa mga Bungô

SA GITNAANG Pilipinas - ang Palawan at Visayas - nauso mulâ nuong unang panahon ang 2 gawî: Ang paglibing uli (secondary burial ) sa patay, at paghiwalay ng bungo (head cult) mulâ sa ibang buto ng kalansay pagkatapos naagnas ang bangkay. Nabantog ang pang-2 paglibing sa mga banga (tinajas, jars), subalit ginamit din ang puno ng kahoy (tree trunks), at paminsan-minsan, ang mga bato (solid rock) na hinugis at inuka upang magsilbing kabaong.

Sa Palawan, natuklasan din na kinulayan ang bungo at iba pang mga buto, karaniwang ng pulang lupa (red haematite), bago inilibing uli. Natuklas ang bakas ng apoy sa ilang buto sa Palawan at iba pang puok, maniwaring pinausukan o isinalang sa apoy ang kalansay bago inilibing uli. Baka upang patuyuin at patigilin ang pagka-agnas ng patay, o maaaring upang linisin at pagandahin lamang ang mga buto.

Inabot at inulat pa ng mga Espańol ang gawî ng paghugas sa mga kalansay bago ilibing nang pang-2 ulit. Katunayan, gawa pa ito ng mga Ifugao sa hilagang Luzon at ng mga Sulod sa gitnaang Panay. Mga banga ang gamit ng mga Sulod sa ika-2 libing.

Marami ring sa mga libingan nuong Unang Panahon ang nagtaglay ng mga kahiwalay na kabaong, ang iba ay mga banga, para lamang sa bungo (skulls) ng mga namatay. May mga libing din na sa paanan ng patay inilagay ang bungo. May mga kabaong din na 2 o higít pa ang mga bungo sa luob.

Skulls May mga libing na bungo lamang ang nasa luob ng kabaong, inilibing sa labas ang iba pang bahagi ng kalansay. Mayruon din natuklas, hindi inilibing kasama sa kalansay ang mga bungo na inilagay sa mga magandang mangkok (cuencos, bowls) na porcelana sa tanaw ng dagat (overlooking the sea).

Hindi tanto ang dahilan nito, pati ng pag-imbak ng mga bungo nang sama-sama sa Mountain Province mulâ pa nuong Unang Panahon, subalit walang kaugnayan ito sa gawî ng pagpugot-ulo (headhunting) na umiral sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas hanggang kailan lamang. Walang bakas ng pagputol sa mga leeg, bungo at iba pang buto. Maniwaring inalis ang mga bungo pagkatapos naagnas ang bangkay, kung kailan sadyang nagkakalas ang kalansay.

Hindi rin alam kung bakit ang mga patay ay baluktot, o bakit nakadapa, nang ilibing simulâ pa nuong mahigít 5,000 taon sa nakaraan, bagaman at sa karamihan ng mga libing nuon, tulad ngayon, ang bangkay ay nakatuwid at nakatihaya. Marahil ang dahilan ng iba’t ibang paglibing ay magka-kaiba rin.

GINAMIT na kabaong (ataud, coffin) nuóng Unang Panahon (prehistory) ang mga bangŕ sa mga pulô ng Babuyanes at Batanes, sa Pangasinan, Pampanga, Camarines Sur, Sorsogon, Marinduque, Mindoro, Cebu, Masbate, Samar, Palawan at Basilan, at sa isáng puók sa Mountain Province. Ang mga natuklás sa Palawan ay tantiyáng iniwan sa mga yungíb (caves) nuóng 2,900 taón sa nakaraán, sa Masbate nuóng 2,000 sa nakaraán. Ang ibáng kabaong ay mas bago (younger), may mga ibinurol sa banga nuóng panahon na ng Espańol.

Ibá-ibá ang paglibíng at mga kabaong na ginamit. Sa Palawan, inilagak sa mga yungíb sa mga matarík na bangín (acantilados, Sagada cliffs) sa tanaw ng dagat. Ang ibá ay ibinaon sa lupŕ. Mayruóng tinabunan ng malalaking bató (hitos, cairns). Ilán ay may takíp (tapaderas, lids) na adobe (limestone), hinugis at inukit nang lapat sa kabaong. Kahoy ang hinugis na takíp ng ibá, ang ibá ay malukong

Bitin ( fuentes, platters) na porcelana. May tinakpan ng bangŕ rin, nakataób (upside down) sa ibabaw. Sa talampás o mataás na kalatagán (plateau) ng Kulaman sa Cotabato, may kabaong pang binilog at inukit mulâ sa malakíng adobe, patí ang takíp. Sa Babuyanes, malalakíng tapayan (double jars) ang kabaong ng mga matandâ. Sa maliliít na bangŕ inilibíng ang mga batŕ sa Calatagan, Batangas.

Ibá-ibá rin ang mga alay sa patáy (burial goods) na isiniping sa mga libíng - mulâ sa mga kagamitang bató at kabibi, mga alahas na mamahaling bató, gintô, bakal (iron), porcelana at salamín (vidrio, glass).

Lahát ng pagkaka-ibá ay pahiwatig na ibá’t ibáng pangkat na may sari-saring gawî ang naglibíng sa mga kabaong na bangŕ sa luób ng mahabang panahón. Tuligsâ (contrary) itó sa unang sapantaha (theory) na may dumatíng na isáng pangkát ng mga naglilibíng sa bangŕ ( jar burial people) na lumawak sa kapuluán nuóng Unang Panahón.

Nakaraáng kabanatŕ              Ulitin mulâ sa itaás              Listá ng mga kabanatŕ              Mga Kasaysayan Ng Pilipinas              Sunód na kabanatŕ