![]() ![]() NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino Lakbáy Pa-‘Kabiláng Buhay’
Isá sa mga unang natuklás niná Robert Fox sa Tabon ay isáng lalaking inilibíng (buried) na naka-baluktót (agacharsiado, flexed) sa yungíb ng Duyong nuóng 5,100 taón sa nakaraán... --Peter Bellwood, 1978
Nauso sa buóng Asia nuóng unang panahón ang pagsunog sa patáy (cremation), marahil nagsimulá sa timog India, gawâ pa itó hanggáng ngayón duón, at ang abó (ashes) ng bangkáy ang inililibíng sa lupŕ o isinasaboy sa ilog o dagat. Lumawak din ang paglagáy ng abó ng bangkáy sa mga palayók o bangŕ, marahil nagsimulâ sa China, gawâ pa itó hanggáng ngayón duón. Subalit sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia lamang lumaganap ang paglibíng sa mga palayók o bangŕ - at ng kalansáy (esqueleto, skeleton) kapág naagnás na ang bangkáy. Itóng gawî ay tangě sa mga naunáng tagapulóng timog (Austronesians). |
|
NUÓNG Marso 1964, natuklás nina Victor Decalan, Hans Kasten at mga Peace Corps volunteers mulá America ang yungíb ng Manunggul, sa Tabon, Palawan. Sa luób, natagpuán nilá ang isáng bangŕ (tinaja, jar) na ginamit na kabaong (ataúd, coffin). Ang tuktók ng takíp ay hugis bancâ (barca, canoe) na may taga-sagwán (remero, oarsman) at isáng lalaki, kipkíp sa dibdíb ang mga bisig tulad ng isáng bangkáy. Itó ang paglakbáy ng kaluluwá ng namatáy. “Gawâ itó ng isáng tunay na manlililok (escultór, artist) at bihasang magpapalayók (el gran alfarero, master potter),” sabi ni Robert Fox. Hinatulan niyáng ‘waláng kapantay sa buóng silangang timog Asia’ kahit na kahawig sa ibáng lilok (woodcarvings) sa Taiwan at mga karatig bayan.
Bandang 2,900 - 2,800 taón ang tandâ ng tinatawag ngayong bangŕ sa Manunggal (Manunggul jar), halos kasabáy ng mga unang pasô at palayók na iniwan sa Palawan 3,000 taón sa nakaraán. Maaaring may matuklás na mas matandáng pasô o palayók sa Palawan o ibáng bahagi ng Pilipinas sa mga |
darating na araw subalit sa ibáng bayan sa silangang timog Asia, itó rin ang tandâ ng mga palayók at pasô, at ng mga bangŕ na ginamit na kabaong.
Tumagál ang ‘Libingang Bangŕ sa Tabon’ (Tabon Jar Burial complex), ayon kay Fox, hanggáng paglalim ng panahón na ng bakal (Metal Age) sa Pilipinas. Katunayan, sa ibáng bahagi ng Pilipinas, hanggáng kailán lamang. May libingang bangŕ sa isáng yungib sa pulô ng Basilan, may mga pinggan (platos, dinner plates) na ginawâ sa China nuóng 1530 hanggáng 1600, nang sakop na ng mga Espańol ang Pilipinas. Karamihan sa mga bangŕ sa Tabon ay libingan ng tig-isáng tao lamang, sinabing ‘hindî Negrito’ dahil sa hugis at lakí ng bungo (skulls). Ginamit din ang mga banga bilang kabaong ng mga butó, ang ibá ay pinahiran ng puláng alikabok (red hematite), pagkatapos naagnás ang mga bangkáy. Tapos, pinaligiran ang bangŕ ng mga palayók at ibá pang palamutî (decoraciónes, ornaments), tulad ng gawî sa Sa-Huynh, Vietnam, sa Plain of Jars (Kalatagán ng mga Bangŕ) sa katabíng bayan ng Laos, at sa mga pulô ng Talaud, sa Indonesia, sa timog ng Mindanao. |
Mga Mukhâ ng Patáy sa Maitum
Tangě ang mga mukhâ sa mga bangŕ ng Maitum, paglarawan ng mga patáy sa luób. Ang ibáng mukhâ ay payát, patulis ang babŕ, kulubót ang mga labě dahil wala nang ipin ang mga matandáng ibinurol. May ibáng nakangitî at marami pang ipin. Kinulayan ng itím parang buhok ang tuktok ng iláng ulo. Ang ibá ay may butas-butas - tinusukan kayâ ng buhók na naagnás at naglahň na? Sino ang mga taong itó? Kailán at paano silá namuhay?
--Eusebio Z. Dizon at Rey A. Santiago, HUGIS tao ang ilán sa 25 kabaong na bangŕ na natuklás sa yungib ng Ayub, sa
|
![]() |
Nakaraáng kabanatŕ Ulitin mulâ sa itaás Listá ng mga kabanatŕ Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Sunód na kabanatŕ |