2 palayok   NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Palayók, Pasô, Bangŕ:  Sariling Industria Sa Pilipinas
The Ceramic Age in the Philippines

Sa Dimolit, katabí ng mga pira-pirasóng palayók at bangŕ, natuklás ang sahíg ng 2 bahay, 3 metro cuadrado ang bawat isá,
pinantáy at kininis hindî na alám kung kailán sa nakaraán. Itó ang halagá ng pagpa-paso, bilang pahiwatig ng pagtigil ng
paglaboy ng mga Unang Pilipino at pagnatilě nilá sa palagiang pamahayan - ang simulâ ng kaniláng kabihasnán...

HANGGÁNG kailán lamang, marami pang dukháng Pilipino sa mga liblíb ng bundók, waláng pambilí ng palayók, ang naglutň - nagsaing ng kanin at naglagŕ ( pesa ang hirám sa Intsik na tawag ngayón) ng ulam - sa kawayang Umiigib hiláw (green bamboo). Kawayan din ang kaniláng sisidlán ng tubig, tulad sa mga dukhâ ring taga-bundók sa mga karatig bayan, patí na sa India, mahigít 50 taón lamang sa nakaraán. Subalit nagsimulâ na ang pagpa-pasô (alfarería, pottery) sa Pilipinas bandáng 5,000 taón pa sa nakaraán, kasunód lamang sa paggawâ ng mga kagamitáng batô sa yungíb ng Duyong sa Tabon, Palawan.

Natuklás ang pinaka-matandáng pira-piraso ng pasô sa Dimolit, sa hilaga ng Luzon, at sa kapuluán ng Sulu. Itóng urě ng palayók ay natuklás din ng mga nag-aghám sa mga unang tao (archaeologists) sa Talaud, sa timog (south) ng Mindanao, at sa ibá pang pulô sa silangang timog ng Indonesia. Kaibá ang iláng palayók at bangŕ sa Dimolit, may tuntungan paikot sa ilalim (ring feet), may mga butas pang bilóg (circular cutouts). Walang natagpuang may 3 paá sa ilalim, tulad ng nauso sa China at ibá pang bayan simulâ nuóng unang panahón.

Marami sa mga palayók at bangŕ sa Tabon ay may hiwaláy na takíp (tapa, lid), walang palamutî bagamán at kininis, tulad ng ipinagbibilí ngayón sa mga lalawigan. Marami rin ang may bahid na

‘Patpát at Sangkalan’

GAWÎ pa itó ng pangkát-pangkát ng mga taga-Cordillera sa paggawâ nilá ng pasô sa Luzon hanggáng ngayón. ‘Patpát at sangkalan’ (‘paddle and anvil’) ang tawag dahil patpát ng kawayan o kahoy at sangkalang kahoy o makinis na bató ang gamit bagamán at madalás, palad at daliri ng kamáy na lamang ang ginagamit ng mga bihasâ (experts).

Hindî alám kung bakit o kailán, subalit ang palayók at bangŕ sa Pilipinas ay nagíng gawain ng babae, at gawain sa bahay, bagamán at baká mga lalaki ang nagbubuô, o katulong, sa pinaka-malalakíng bangŕ. Nagsisimulâ sa isáng tumpók ng tisŕ (arcilla, clay), hinaluan ng tubig upang magíng putik na madalíng ihugis, World Fair nakapatong sa isáng kahoy o lumang pinggan ( plato, potter’s wheel) upang madalíng maiikot habang hinuhugis. Diín ng daliri o palad sa gitnâ ng tisŕ, upang magíng manipis na “puwit” (base), bago hihimasin paitaás ang mga gilid, bibigyan ng hugis, kapal o nipís sa tapík ng ‘patpát’ sa labas, katapát ng ‘sangkalan’ sa luób. Sa ganitóng karaniwang paraan, nakabuô ang mga unang Pilipino ng mga makinis at magandáng mga likhâ, hinaluan o pinatungan ng tisŕ na may ibáng kulay, at inukitan ang ibá’t ibáng hugis bilang palamutî.

Nabakas sa mga natuklás sa Palawan at ibá pang bahagě ng Pilipinas na, matapos patuyuín at patigasín ang mga palayók at bangŕ, “nilutň” ang mga itó sa kalán (estufa, stove) o sigâ (hoguera, bonfire) upang tumibay. Ganitó pa ang gawî (costumbre, tradition) sa iláng puók sa Pilipinas hanggáng kailán lamang, at maaaring hanggáng ngayón. [ Sa ibáng bayan, mas matibay ang mga palayók dahil nilulutň sa luób ng horno (oven) na higít na mainit.]

palayoks pulá (red-slipped) at inukitan ng sari-saring hugis, karaniwan ng sagwan (bound-paddle impressions). Ang iláng palayók at bangŕ sa Manunggul ay lubusang “pininturahan” ng puláng alikabók (red hematite).

Sa gawî ngayón sa mga lalawigan, ang “pintura” ay malabnáw na “sabáw” ng tisŕ na kulay pulá. Hindî itó ipinapahid ng brocha (brush); sa halíp, ang “sabáw” ang ibinubuhos, o ang buóng palayók ang inilulubóg dito upang magka-kulay. Upang kumintáb, hinihimas ang pasô ng makinis na bató, kabibi o ng butó ng pots and pans bungang kahoy (fruit pit), at pinapahiran (coated) ng pagkít (wax) o dagtâ (resin) bago “ilutň” ang palayók at bangŕ. Marahil ganitó rin ang ginawâ nuóng unang panahón nang lumawak ang pagpa-pasô, natuklás hindî lamang sa Palawan at Masbate, kundi pati na rin sa Mindoro, Marinduque, Samar, Leyte, Cebu, Bohól, Negros at Panay.

Pagtagál, may ibáng urě ng pagpa-pasô ang nagmulâ sa Kay Tomas, Calatagan, sa Batangas - mas makinis, mas makintáb at mas maraming palamutî. Nagíng bantóg, natuklás ang mga pira-piraso ng tinatawag ngayóng pagpa-pasóng Calatagan (Calatagan pottery), dinalá o ginayá, sa Porac, ngayón ay bahagě ng Pampanga, sa Bolinao, dating lupain ng mga Zambal ngunit bahagě ngayón ng Pangasinan, at hanggáng sa Butuan, sa Mindanao [ Sa pagsurě, natuklás na galing pa sa Bohól ang ginamit na tisŕ sa Butuan.]

palayoks sa Ilocos Ang mga karaniwang palayók at bangŕ mulâ nuóng 5,000 taón sa nakaraán ay natuklás din sa timog Sulawesi (dating Celebes) at sa Timor, 2 pulô sa Indonesia ngayón. Iláng bangŕ sa Tabon na may palamutî (decoración) ng diín ng lubid paikot ( “corded” ) ay hawig namán sa mga natuklás sa Sarawak, sa Borneo. Pahiwatig lahát itó ng malawak na ugnayan at lakbayan ng mga unang tao sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

Ang palamutíng lubid ay nakaratíng din sa China at Taiwan, at mulâ duón bandáng 4,000 - 3,000 taón sa nakaraán, dumatíng ang mga “imported” na palayók at bangŕ na may ibáng hugis at kinis (finish). Ang ilán ay may 3 o 4 “paá,” ang ibá ay may “tangkáy” (orejas, handles). Bilang buhusan ( pitorro, spout), mayruóng nilagyán ng “labě” (lip) o kinabitán ng mahabang “nguso.” Itóng urě ng pagpa-pasô ang natuklás sa Santa Ana, bahagě ngayón ng Manila na itinatág nuóng 1290 bilang tagpuan ng kalakal (commercial entrepot) mulâ China at ng mga taga-timog Pilipinas at Borneo.

palayoks sa Pasig Kakaibáng gawî ng pagpa-pasô

NAGBAGO ulî ang gawî ng pagpa-pasô nuóng simulâ ng panahón ng bakal (Philippine Metal Age), lalo na sa gitnaang (central) Pilipinas. Naglahň ang palamutíng lubid sa mga palayók at bangŕ na natuklás nuóng 1951-1952 sa mga yungíb ng Kalanay, sa kanluran ng pulô ng Masbate. Sa Tabon namán, ang mga palayók at bangŕ ay nagkaruón ng mga takíp na hugis salakót na nakataób (trunconical lids). Kapuna-puná, sapagkát nuóng 1909, natagpuán din itóng urě ng pagpa-pasô sa Sa-Huynh, bahagě ngayón ng South Vietnam. Sa mga pulô ng timog silangan - sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia - nagsimulá at lumaganap itóng urě ng pagpa-pasô at, maliban sa Sa-Huynh, ang pinaka-malayong naabot nitóng gawî, hindî ginaya sa ibá pang bayan sa paligid - sa Cambodia, Burma, Thailand at kahit sa ibáng bahagě ng Vietnam. Kayá sapantaha ngayón ng iláng nag-aghám sa nakaraáng tao (archaeologists) na malamáng dinalá itó ng mga tagapulô na tumirá na duón, sa halíp ng nagkalakal lamang.

Nakaraáng kabanatŕ                     Balik sa itaas                     Listá ng mga kabanatŕ                     Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                     Sunód na kabanatŕ