![]() Ang ‘Hindî Negrito’ Na Hindî Rin ‘Intsík’
Ang tinatawag ngayóng “Malay” ay sapín-sapíng mestizo ng ibá’t ibáng tao sa silangang timog (southeast) at timog Asia (South Asia). Kayâ ang turing na “puro” o “lantáy na Malay” ay magka-tuligsâ (contradictory), tulad ng “purong Amerkano.” Mas angkóp ang ngayóng banság na tagapulóng timog (Austronesians), ukol sa lupaín (teritorio, region) mulâ sa bandá ng Papua, sa hilaga ng Australia, hanggáng sa Burma at mga bundók ng silangang (eastern) India, patí na ang timog (south) China na, nuóng Unang Panahón (pre-history), ay hindî “Intsík”... Ang tinatawag ngayóng Intsík (Sino-Tibetan) ay sapantahang unang tumao (indigenous) sa China, Japan, Korea, Tibet, Manchuria, Mongolia at ibá pang bayan sa silangang hilagang Asia (northeast Asia). Maliban sa kanlurang timog (southwestern) China, Vietnam at Thailand, hindî silá lumikas at nakipag-ugnáy sa mga tagapulóng timog kundi simulâ nitóng 3,000 taón na lamang sa nakaraán, nang may mga palayan (rice terraces) na sa Banawe... |
|
TULAD ng Taong Tabon, lubháng agnás at napaka-untî ng mga kalansáy (skeletons) na natuklás mulâ nuóng Unang Panahón (pre-history) upang bigyáng anyô at tikas ang mga Unang Tao sa Pilipinas (indigenous Filipinos). May isáng kalansáy na nahukay sa Palawan mulâ 5,000 taón sa nakaraán na mukháng matipunň (muscoloso, muscular) at matangkád (tall), 179 centimetro (5’10˝”). Mayruón namáng 117 kalansáy na natuklás sa Calatagan at kalapít na baybayin sa Batangas na 6,000 taón na ang tandâ. Ang karaniwang tangkád nilá ay 159 centimetro (5’3”) lamang, bagamán at isá sa kanilá ay mas matangkád pa, 183 centimetro (mahigit 6’0”), kaysa sa kalansáy sa Palawan, habang ang isá namán ay 140 centimetro (4’7”) lamang. Bandáng 2,000 sa nakaraán, inilibíng sa Cebu ang 2 tao na maniwaring mas malakí at mas matipunň kaysa sa 11 bangkáy na, pagkaraán ng maraming taón, ay inilibíng din duón. Karaniwang akalŕ ngayón na mas malalakí ang butó ng mga Visaya kaysa ibáng Pilipino subalit napaka-untî ang mga libu-libong taón gulang na ‘katibayan’ (evidence) upang pagbatayan ng |
sapantaha (theory) na mas malakí ang mga Unang Pilipino. At dahil sa untíng itó ng katibayan, ang masasabi lamang ay ang pagkaka-ibá ng mga Unang Pilipino sa isá’t isá ay katulad ng pagkaka-ibá sa isá’t isá ng mga kasalukuyang Pilipino.
Lahát ng mga natuklás na bungô, ipin at kalansáy nuóng malayong nakaraán ay nasurě na, patí ang mga butó ng Taong Tabon, at hayág ng mga nag-aghám sa mga Unang Tao (anthropologists) na kaurě ang mga Unang Pilipino ng mga dating taga-timog China at ng mga kasalukuyang taga-timog Asia. At hindî silá kaurě ng mga pandák na Negrito ( pygmies). Ang mga dating taga-timog China ay hindî Intsík, at hindî Negrito ang Unang Tao sa Pilipinas. Ang dapat tandaán, at unang unawain, sa pagsurě sa mga Unang Pilipino ay hindî naibá ang kaniláng mga kalansáy sa mga bangkáy na inililibíng ngayón sa Jakarta, Kuala Lumpur, Bangkok o Manila. Waláng katuturán sa aghám (science) ang lahě (race) sapagkát waláng pahiwatig sa butó o bungô ang ‘tangos’ ng ilóng, ‘kulót’ ng buhók, ‘singkit’ ng matá o ‘kulay’ ng balát na pinagbatayan ng lahě. |
![]() ‘Sino-Tibetan’ na ang tawag sa mga taga-China dahil sapantahang una siláng sumibol sa paligid ng Tibet, at pagkatapos na lamang dumanak sa hilaga at gitnaan ng kasalukuyang China, sa bandá ng ilog Yangtze, at sa Mongolia, Manchuria, Korea, Japan at, paniwalŕ ngayón, sa ibá’t ibáng bahagě ng Canada at America. Sa halíp na southern Mongoloid, ‘Austronesian’ o ‘tao sa kapuluán sa timog’ ang tawag namán ngayón sa mga tao na sumibol nuóng Unang Panahón mulâ sa malayong timog ng ilog Yangtze hanggáng sa kapuluán ng Papua New Guinea. [Ang austra ay timog, sur, south; ang nesia ay pulô-pulô, islas, archipelago; at ang -an ay taga-, paisano, inhabitant.] |
|
Sa halíp ng lahě (race), ang pag-uurě sa aghám ngayón ay ang paghahawig ng butó at dugo, lalň na ang tinatawag na DNA, ng mga tao sa isáng lupaín at isáng panahón (geo-ecologic origin), at pagkaibá nilá sa mga tao sa ibáng lupaín at ibáng panahón. [Nagbabago ang butó at dugo ng tao sa pagdaán ng maraming taón, nakahayag sa ‘Mga Kalansáy Niná Eva At Adán,’ sa website ding itó.]
Sa ganitóng turing, ang mga bayan mulâ sa silangang timog (southeast) ng India hanggáng sa Papua New Guinea, at mulâ sa Madagascar sa Africa hanggáng sa kapuluan ng Hawaii sa dagat Pacific, ay iisáng puok. At ang mga tagaruón, kabilang ang mga Pilipino nuón at ngayón, ay itinuturing na iisáng tao. Samantalŕ, ang kaibahán ng Taong Tabon ay mas matangkád at mas makapál ng butó kaysa sa Negrito, ang lumŕ at laós nang tukoy sa mga Aeta at ibá pang maliliít na tao sa Pilipinas. Ngayón, ang tinatawag na Negrito (cultural minority) ng mga nag-aghám (scientists) sa Pilipinas |
ay ang mga nagtagň sa mga bundók at gubat at umiwas sa kabihasnán (culture), at paglupig (conquista, invasion), ng ibáng tao. Kayâ bihirŕ nang tawaging Negrito ang ibáng Aeta, marami ay nagku-computer at nag-i-Internet na.
Hindî rin masabi, sa pagsurě sa Taong Tabon, kung isá siyá sa mga umiwas at hindî nakipag-ugnáy sa ibáng tao sa mga paligid, tulad ng mga Tau’t Bató sa Palawan, ng mga Mangyan sa Mindoro, ng mga Tasaday dati at ng ibá pang mga taga-Mindanao na hanggáng ngayón ay sadyáng umiiwas sa mga kaibáng tao. At kailangang matuklás ang mas marami pang kalansáy at ‘alay sa patáy’ sa ibá’t ibáng bahagi ng Pilipinas upang mapagtibay kung ang Taong Tabon lamang, o may kaibá pang tao nuóng Unang Panahón. [Wala pang natuklás na kalansáy ng mga Negrito mulâ nuóng Unang Panahón. Naulat na ang panukalŕ, waláng katibayan, na may tao na sa Pilipinas nang dumatíng ang mga Negrito, na hindî silá ang Unang Tao (aborigine, indigenous) gaya ng kasalukuyang paniwalŕ - paniwalŕ na walâ ring katibayan at sabi-sabi lamang.] |
Nakaraáng kabanatŕ Ulitin mulâ sa itaás Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanatŕ Sunod na kabanatŕ |