ANAK-MAYAMAN si Moises Salvador, isinilang nuong Noviembre 25, 1868 sa San Sebastian na bahagi nuon ng Quiapo, sa Manila. Gaya ng ibang mga anak-mayaman, sa Ateneo de Manila pinag-aral si Moises ng kanyang mga magulang, sina Ambrosio Salvador at Acosta Francisco, na kapwa Español. Pangarap nilang maging doctor ang anak, kaya ipinadala si Moises sa Madrid, España upang ipagpatuloy ang pag-aral ng medicina. Habang nag-aaral duon, nakilala ni Moises si Jose Rizal at Marcelo del Pilar, kapwa magilas sa pagpahayag sa La Solidaridad at pagpalawak ng propaganda upang mapagbuti ang kalagayan ng mga tao sa Pilipinas na nagdurusa sa malupit na pamahalaang Español. Napahanga si Moises at sumanib siya sa kilusang propaganda ng mga Pilipino sa España. Sumali rin siya sa kapatiran ng mga Mason (freemasons), panguna nuon sa |
MOISES SALVADOR (1868 - 1897) Ang Español Na Bayaning Pilipino Isa sa 13 Martires ng Bagumbayan nuong Enero 11, 1897 |
|
pagsikap na mapagbuti ang kalagayan ng mga tao sa lahat ng puok.
Nabahala ang mga magulang sa bagong tuntuning tinahak ni Moises at pinabalik siya sa Manila. Dumating si Moises nuong Abril 1891, dala-dala ang mga kasulatan at pinagkasunduan (acuerdos) para sa mga samahan ng Mason (masonic lodges) sa Manila. Siya ang tinakdang taga-tanggap sa Manila ng mga atas ng Mason mula sa España at tagapag-balita duon ng anumang naganap sa Manila. Hinatid niya ang mga kasulatan kina Andres Bonifacio at Deodato Arellano at nuong taon |
ding iyon, sumanip sa logia (lodge) Nilad, ang kauna-unahang samahang Mason sa Pilipinas, sa pangalang ‘Araw.’ Masugid niyang pinalago ang kapatiran at wala pang isang taon, nuong Marso 1892, nakapag-tatag siya, at pinamunuan bilang maestro venerable, ng sariling logia Balagtas.
Pagkaraan ng ilang buwan, nang itatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa Manila, sumanib si Moises nuong Julio 3, 1892, at napiling isa sa mga pinuno, kasama ang kanyang ama, si Ambrosio, ang pangulo sa pagtatag ng Liga. Subalit hindi nag-isang linggo, dinakip at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao. |
|
Matamang nagdimdim ang mga Mason, at naghati sa dalawang pangkat. Isa, pinamunuan ni Bonifacio, ay humilig sa marahas na pagsalungat sa pagmamalupit ng mga frayle at pamahalaang Español. Itong pangkat, nang kumalas nang lubusan sa Mason, ang naging punla ng Katipunan na nag-amuki ng sukdulang himagsikan at tuluyang paglaya mula sa pagsakop ng España. Ang pangalawang pangkat ng mga Mason, tinawag na Cuerpios de Compromisarios (figures of compromise), ay nanatiling panalig sa pagbuti ng kalagayan ng mga tao sa mahinahon at mapayapang paraan. Ipinasiya nilang ipagpatuloy ang pagtustos sa La Solidaridad sa España upang manawagan ng pagbubuti na magmula duon. Sa pangkat na ito sumali si Moises. Nuong Noviembre 26, 1892, ikinasal siya kay Isidra Narcisco. Hindi sila nagka-anak. Mahilig si Moises sa sports. Karaniwan siyang maglaro ng chess o mag-bisikleta pagkatapos ng |
maghapong trabajo. Madalas din siyang mag-picnic at dumalo sa sayawan at iba’t iba pang kasayahan. Subalit sa maghapon, subsob ang ulo niya sa pagtupad sa kanilang contrata ng paggawa (construction), gawaing minana niya sa kanyang ama. Isa sa mga itinayo niya ay ang tuntungan (foundation) ng tulay Santa Cruz (tinawag na McArthur bridge mula nuong panahon ng Amerkano) patawid sa ilog Pasig.
Masigasig din siya sa mga tungkuling Mason. Nang matuklasan ang Katipunan nuong Agosto 1896, nagtakbuhan ang mga Katipunero at namundok. Hindi tumakas ang mga Mason, naniwalang ligtas sila dahil hindi sila kasangkot sa himagsikan, subalit inusig sila ng mga frayle at pamahalaang Español. Nuong Septiembre 16, 1896, dinakip si Moises at ang kanyang ama, si Ambrosio, at kapwa sila ikinulong at pinahirapan upang umamin at mangumpisal. Inilit ang kanilang mga ari-arian bago sila hinatulan na mabitay sa salang paghihimagsik. Nakagapos ang mga kamay, pinalakad si |
Moises, kasama ng 12 pang Mason na bibitayin din nuong umaga ng Enero 11, 1897. Nakayapak, tahimik na nag-tabaco si Moises patungo sa Bagumbayan (tinawag ding Luneta, Rizal Park na ngayon). Binaril siya duon, kasama nina Jose A. Dizon, Benedicto Nijaga, Geronimo Medina, Antonio Salazar, Ramon Padilla, Braulio Rivera, Estacio Mañalac, Numeriano Adriano, Domingo Franco, Francisco L. Roxas, Luis E. Villareal at Faustino Villaruel.
Inilibing si Moises sa libingang Paco, gaya ng kaibigan niyang Jose Rizal. Pagkatalo ng mga Español, nang si general Juan Cailles ng himagsikan ang namuno na sa Paco, hinukay ang bangkay ni Moises at inilibing sa simbahang Pandacan. Nuong Julio 13, 1936, naglabas ang pamahalaang Manila ng batas 2384, pinalitan ang pangalan ng mababang paaralan ng Guipit, sa purok ng Sampaloc, sa pangalan ni Moises Salvador, bilang parangal at pagkilala sa kanyang giting at pagsigasig mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. |
Pagsuri kay Jose Rizal Tanong: “Kilala mo ba si Moises Salvador?” “Nagkakilala kami sa Madrid nuong 1890. Wala kaming kaugnayan maliban sa pagiging magkababayan. Wala akong hinala sa kanya.” Tanong: “Kilala mo ba si Ambrosio Salvador?” “Oo, ipinakilala ako ni Moises Salvador sa kanya.” Tanong: “Tutuo ba na bago natapos ang pulong |
Tungkol Kay Moises Salvador sa bahay ni Doroteo Ong-jungco, nagkaruon ng halalan ng mga pinuno ng Liga, at ang nanalo ay si Ambrosio Salvador bilang Pangulo at si Deodato Arellano bilang Kalihim? At hindi ba inamuki mo kay Pangulo Salvador na magsigasig pang lalo, at magkasundo at magtulungan ang mga kasapi?” “Oo, ganuon nga ang naganap, maliban sa pagkahalal kay Deodato Arellano bilang Kalihim dahil hindi ko maisip na dadalo si Arellano sa ganuong uri ng pulong.” |
Testigo ni Antonio Luna “Nuong bandang Agosto 27 (1896), bago sinalakay ang Santa Mesa, ipinaliwanag ko kay Doctor Panzano upang ihatid niya sa governador general na ang La Liga Filipina at ang Katipunan ay dalawang samahang may kahina-hinalang tangka. Nalaman ko ang pagtatag ng Liga mula kay Moises Salvador, isang contratista na may-ari ng sariling niyang compaña. Nalaman ko naman ang mas malawak na samahang Katipunan mula kay Doctor Bautista Lim (“Don Ariston”) isa or dalawang araw bago siya dinakip.” |
Ang pinagkunan
Balik sa itaas Hindi Pangkaraniwang Mga Pilipino at Pilipina Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas |