MATAPOS isulat itong salaysay para sa kanyang Grand Master, si Philippe de Villiers L‘Isle-Adam, nagpatuloy si Pigafetta sa Roma upang maghayag sa bagong Papa, si Clement 7, at naglagi duon mula Deciembre 1523 hanggang Enero 1524. Itinanghal na malaking tagumpay ang paglakbay dahil sa pag-ikot sa mondo sa kauna-unahang pagkakataon, at dahil mahigit 24,300 kilo ng clovas ang naibalik nina Pigafetta sa España, at sa yamang nakamal, nabayaran ang pundar sa pangkat-dagat ng hari, si Carlos 5, kumita pa.
Hindi nahayag kung nakabahagi ang 13 tauhan na dinakip ng mga Portuguese sa pulo ng Santiago sa Cabo Verde, na nakabalik din sa España pagkaraan ng maraming araw. Ang asawa at anak ni Magellan bago nakabalik ang barkong Victoria kaya walang napala ang familia niya sa paglakbay. Samantala, naging mayaman habang buhay sina Pigafetta sa kinita ng clovas na nuon ay may halaga ng 6 tupa (sheep) ang bawat kilo. Cavallero (knight) ang turing sa sarili, si Pigafetta ay anak ng mga maharlika sa Vicenza, sa Venice, Italy. Bagaman at malabo ang kanyang unang buhay at hindi matiyak kung kailan siya ipinanganak, inakalang 30 taon na siya at isang caballero na sa Order of Saint John of Jerusalem nang maglakbay sa Pilipinas, at may karanasan na sa digmaan laban sa mga Muslim ng Turkey sa Mediterranean Sea, karanasan na nagamit niya sa maraming pakikilaban ng mga Español, lalo na sa Mactan nang nanatili siyang nakikibaka sa tabi ni Magellan hanggang sa huli. At kahit na mahina siya sa paglalayag at sa pagsulat (patalon-talon at pira-piraso ang |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas Primo viaggio intorno al mondo
|
|
kanyang pahayag) ang kanyang tala-arawan (diary, journal) ang pinakamalinaw at pinakasapat na pag-ulat sa mga mahalagang pangyayari sa Pilipinas at sa mondo nuon.
Lumabas sa kanyang mga ulat ang galing ni Pigafetta na makitungo sa ibang tao, laging siya ang pinili na makipag-usap, lalo na sa mga tagapulo at taga-ibang bayan na nakatagpo nila, at kaya naman puno ang kanyang pahayag ng mga bagay-bagay na nausisa niya sa mga tao. Lantad din sa kanyang ulat ang pagmamahal niya kay Magellan at ang pagkamuhi niya kay Sebastian del Cano, minsan lamang niya binanggit kahit na si Del Cano ang pinuno ng Victoria pabalik sa España. Nailihim ni Del Cano ang kanyang sapakat sa pag-aklas laban kay Magellan at, pagkabalik sa Sevilla, nakamit niya ang karangalan ng pag-ikot sa mondo ngunit sa sumunod na paglakbay pabalik sa Pilipinas nuong 1525, sa pumumuno ni Juan Garcia de Loaysa, namatay siya sa gitna ng Pacific Ocean, matapos niyang palitan bilang pinuno si De Loaysa, na unang namatay. Ilang paglakbay pa ang nabigo bago nasakop ng mga Español ang Pilipinas. Tuluyang sinakop naman ng mga Portuguese ang lahat ng pulo ng Maluku at mga katabi, ngunit sa paglawak ng kapangyarihan ng mga ibang bayan sa Europa, madali silang napalitan ng mga Dutch sa Netherlands (Holland) na sumakop sa kapuluan ng Maluku at sa buong Indonesia. Natapos isulat ni Pigafetta ang kanyang salaysay bago mag-Agosto 1524 at naibigay sa kanyang grand master. Bago pa nuon, naibigay niya ang ilang unang copia ng mga bahagi ng salaysay sa hari ng España at sa Papa sa Roma. |
Humingi at nakamit niya ang tanging karapatang ipalathala (copyright) ito mula sa mga pinuno ng Venicia (Venice) subalit hindi naipalathala ang buong salaysay niya kundi nuong pagkaraan ng kulang-kulang 100 taon.
Bagaman at nauna ang pahayag ni Maximilianus, na bantog nuon, tanyag ngayon ang pahayag ni Pigafetta bilang mas tama at mas mahabang ulat ng unang paglakbay sa Pilipinas at iba’t iba pang kapuluan sa Asia sapagkat siya mismo ay saksi sa mga naganap. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |