![]() ![]() Ang Himagsikan Ng Mga Pilipino
Sinulat ni Apolinario Mabini
Isinalin sa Tagalog mula sa English translation by Leon Ma. Guerrero |
|
DAHIL kasapi ako sa Liga Filipina at naging isa sa mga representante o compromisario nito, ako man ay isinakdal at ipiniit ng mga Español bilang isa sa mga consentidor ng aklasan. Datapwa, 6 buwan bago sumabog ang
|
aklasan, inatake ako sa puso at ako ay naging lumpo. Dahil sa kapansanan kong ito, hindi ako ginulpi at binitay kasama nina Domingo Franco at iba pang nasangkot sa Liga. Nangyari pang nasali ako sa pangkalahatang pagpapatawad na ipinahayag ni General Primo de Rivera, at ako ay pinalaya matapos ng pagkapiit nang 9 buwan sa kulungang bahagi ng ospital ng San Juan de Dios sa Manila. Pagkaraan pa ng ilang buwan, lumipat ako sa Los Baños, tapos sa kabayanan ng Bay, sa lalawigan ng La Laguna, kung saan ko isinulat ang paraan sa pagbuo ng himagsikan ng bayan na wari ko ay malapit na dahil sa malawak na kaguluhan, at alumpihit na ang mga tao.
Naganap ito 2 buwan bago nagsimula ang digmaan ng America laban sa España, na madaling sinundan ng pagdurog ng hukbong dagat ng mga Español sa Pilipinas nuong Mayo 1, 1898, at ng pagbalik ni Ginoong Aguinaldo sa kapuluan. Pagdating na pagdating, ipinahayag niya na handa ang America na tulungan ang mga Pilipino na bawiin ang kanilang mga likas na karapatan. Dito inakala ng lahat na kinilala ng pamahalaan ng America si Aguinaldo bilang kinatawan ng mga Pilipino at mayroong na silang kasunduan. Ang pag-akalang ito ay pinagtibay ng mga malabo at pahele-heleng pahayag ng mga Amerkano. Kaya itinanghal ng mga tao sa bawat lalawigan ang pamumuno ni Aguinaldo at pinag-igi nila ang pakikibaka at pagpapalayas sa mga Español mula sa kani-kanilang purok. |
Nangyari naman na napasakamay ni Ginoong Aguinaldo ang isang copia ng isinulat ko tungkol sa pagbuo* ng pambansang pamahalaan ng himagsikan. Sinulatan niya ako, gayong hindi kami magkakilala, at hinimok akong tulungan ko siya. Bagaman at wala akong alam kahit na ano tungkol sa kanya, ninais kong makatulong ng anumang kaya ko sa hinahangad ng bayan, kaya nagtungo ako sa kanya sa daungan ng Cavite nuong Junio 12, 1898, kung kailan ihahayag na sa kabayanan ng Kawit ang kalayaan ng Pilipinas. Agad ko siyang tinanong tungkol sa kasunduan niya sa pamahalaan ng America at, kagimbal-gimbal, nalaman kong wala palang kasunduan, walang kasulatan, at mga sabi-sabi lamang pala ni Admiral George Dewey at ng kinatawan ng America sa Singapore, si Pratt. Wala daw balak ang America na sakupin ang anumang bahagi ng Pilipinas at, ayon sa kanila, ang hangad lamang ay tulungan ang mga tao na ibuwag ang kalupitan ng mga Español nang matamasa ng mga Pilipino ang biyaya ng isang malayang pamahalaan. Nuon ko natanto na sinadya ng mga Amerkano na gawing malabo ang kanilang mga pangako, na madali namang tinanggap ni Ginoong Aguinaldo kahit na walang kasulatan o katibayan dahil sabik na sabik na siyang makabalik agad sa Pilipinas. Takot kasi na baka ibang sikat na Pilipino ang kasunduin ng mga Amerkano at nakawin sa kanya ang karangalan ng pamumuno at pagpalaya sa bayan. Natanto ko rin na ang paghahayag ng kalayaan na gaganapin nuong araw na iyon ay adelantado, hindi pa panahon, dahil itinatago ng mga Amerkano ang kanilang mga pakana habang inilalahad natin ang lahat ng ating mga hangarin. Naghinala ako na dahil walang ingat ang mga galaw ng mga tao, magiging mailap at alinlangan ang hukbong Amerkano. Hahadlangan ng mga kinatawan at alagad ng America sa Hongkong at iba pang daungan sa China ang pagbili natin ng mga sandata at gamit digmaan. [ * Ang Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ni Apolinario Mabini, mababasa sa Project Gutenberg website, www.gutenberg.net -- ejl ] |
|
Magtatag ng pambansang pamahalaan Ngunit huli na nang dumating ako, at hindi na mahadlangan ang gagawing pagpapahayag, kaya tumahimik na lamang ako at inasikaso ang mga dapat gawin sa harap ng mga mabilis na pangyayari. Sa biglaang bulwak ng himagsikan, madaling nawarak ang buong pamahalaang pinagyayaman ng mga Español sa bawat kabayanan at lalawigan ng sangkapuluan, kaya nararapat na magtatag agad ng kapalit na pamahalaan upang hindi maghari ang gulo at paglapastangan na magdudulot ng dalamhati sa lahat. Iminungkahi ko na magtatag ng pinakamalayang pamahalaan na magagawa namin sa harap ng gulo at karahasang nangyayari nuon at pumayag naman si Ginoong Aguinaldo, kaya’t mabilis na naitanghal ito sa iba’t ibang lalawigan. Sunod kong iminungkahi na magtatag ng mga kagawaran upang pangasiwaan ang pamahalaan ng buong bayan. Isa pa, dapat magtipon ng mga kinatawan, 2 bantog na tao mula sa bawat lalawigan, upang bumuo ng isang pulong o congreso na magpapayo kay Ginoong Aguinaldo ng mga dapat gawin upang mapagbuti ang kalagayan ng mga tao, at mapatatag ang pamahalaan ng bayan. Ang pulong na ito ay dapat walang kapangyarihang magpairal ng mga batas dahil laganap pa ang digmaan at kinakailangang manatiling buo ang kapangyarihan ng bayan sa kamay ng mga pinuno ng himagsikan, ngunit |
kailangang tipunin na ang mga kinatawan upang hindi maghinala ang mga taga-lalawigan na maghahari si Ginoong Aguinaldo. Sumang-ayon sa lahat ng aking mungkahi si Ginoong Aguinaldo at inalok niyang pamunuan ko ang isang kagawaran sa binubuong pamahalaan. Tumanggi ako dahil sa
![]() Nangyari na nuon, nakarating na sa kapuluan ang hukbong Amerkano ni General Thomas Anderson, at nagsisimula nang dumaong sa Cavite ang iba pang sandatahang Amerkano na dala ni General Wesley Merrit. Kaya naging magulo ang pakikitungo ng Pilipino sa America. Sa kabilang dako, napaligiran na ng mga sandatahang Pilipino ang buong Manila bagaman at naantal dahil hindi maayos ang tulungan ng iba’t ibang pangkat na nagkalat duon. Si Aguinaldo, dahil tanyag siya at kinilala ng lahat bilang pinuno, ay nakapagbuo sana sa mga pangkat-pangkat ngunit hindi niya napagpasiyahang pumunuan mismo ang paglusob sa Intramuros. |
‘Wala munang batas, constitution o republica’ Kung nasakop ng mga Pilipino ang Intramuros bago dumating ang hukbo ni General Merritt, naging malinaw sana ang ugnayan natin sa mga Amerkano mula nuon. Ngunit hindi ito nangyari. Dumaong sa Parañaque ang mga Amerkano at nilusob ang Manila, binale wala ang mga sandatahang Pilipino. Marami sa mga pinuno ng hukbong Pilipino ang nagmungkahi na sapat na dahilan ang kataksilang ito upang bakbakin namin ang mga Amerkano. Sinalungat ko sila, ipinayo ko kay Ginoong Aguinaldo na iwasan ang paghamok sa mga Amerkano sapagkat magiging 2 ang ating kalaban at malamang magkampihan ang mga Español at mga Amerkano at paghatian nila ang Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerkano ang Manila, tumalilis mula sa Bacoor, Cavite ang pamahalaang Pilipino lumayo at humimpil sa Malolos, Bulacan, kung saan unang nagpulong ang mga kinatawan ng bagong congreso. Ang unang paksang pinagkayarian nila ay ang pagpapatibay ng pahayag ng kalayaan na hinayag sa Kawit, Cavite. Tapos, sinimulan nila ang kasulatan ng katauhan ng bayan, ang constitution, na magtatatag ng Republica ng Pilipinas. Dapat kong sabihin na nuon, hindi pa ako pinapalitan ni Ginoong Arellano bilang kalihim panlabas, ngunit inako nang lahat ng kanyang pang-2, si Trinidad H. Pardo de Tavera, ang mga |
tungkulin kaya ako ay pangkaraniwang tagapagpayo na lamang ni Ginoong Aguinaldo. At bilang ganoon, ipinayo ko sa kanya na paalalahanan ang congreso na hindi sila dapat magbuo ng isang constitution dahil hindi sila kinatawan upang maghubog ng kasulatan ng katauhan ng bayan. Ni hindi sila dapat magsulat ng batas, sapagkat hindi sila batasan. Na ang tanging tungkulin nila ay magpasiya kung paano pinakamaiging makabuo, at matustusan, ang hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerkano, at payuhan si Aguinaldo tungkol sa kanilang pasiya.
Ipinayo ko rin kay Ginoong Aguinaldo na sabihin sa congreso na hindi pa panahon upang magka-kasulatan ng katauhan ng bayan sapagkat wala pang kumikilala ng
|
‘Tagapagpayo ng infierno’ Ipinahatid ni Ginoong Aguinaldo ang aking mga payo sa kanyang bagong cabinete at nabatid ko pagkatapos na hindi lamang nila sinansala ang aking mga panukala, pinagalitan pa nila ako sa pagiging makahari at paghikayat kay Ginoong Aguinaldo na maging dictador. Dahil dito, sinimulan akong tawagin ng mga sitsit na ‘tagapagpayo ng infierno kay presidente’. Natanto ko na walang nakinig sa aking mga payo, nainggit sa akin ang bagong cabinete. Baka ibunton pa sa akin ang kanilang mga pagkakamali, kaya tinangka kong humiwalay kay Ginoong Aguinaldo at lumipat sa ibang bahay, labag sa kanyang kahilingan, ngunit mabilis siyang nagpakabit ng telefono sa 2 bahay kung kaya’t alumpihit akong nagpatuloy na maging ‘tagapagpayo ng infierno.’ Pinigil ko ang sarili sa pagpayo na lamang kay Ginoong Aguinaldo na tungkulin niyang makinig sa kanyang mga kalihim at kampihan ang mga ito habang sila ay gumaganap nang marangal at tapat sa kanilang mga tungkulin, at hindi nila inaabuso ang kanyang pagtitiwala. Pagkaraan ng matagal, hinayag ni Ginoong Arellano na hindi niya magagampanan ang pagiging kalihim panlabas, at pinilit ako ni Ginoong Aguinaldo na tanggapin ang katungkulan. Pumayag ako nuong Enero 2, 1899, upang mag-amuki ng kasunduan sa America bago mapagtibay ng congreso ang binubuo nilang kasulatan ng katauhan ng bayan. Nasawi lahat ng balak ko nang nuong |
Deciembre 10, 1898 pa lamang, naganap na ang Kasunduan sa Paris at inako ng batasan ng America ang karapatang magpasiya tungkol sa mga karapatan at pagiging mamamayan ng mga Pilipino. At, dagdag pang mariin ni General Elwell Otis, hindi paiiralin ang mga karapatan at pagiging mamamayan hanggang nag-aaklas ang mga Pilipino. Bagaman at tiyak na pagtitibayin sa America ang Kasunduan sa Paris, dapat ipagpatuloy natin ang pakikibaka, sa aking tingin, sapagkat ang biglaang pagsuko, hayaan ang America ang magpasiya tungkol sa ating kinabukasan, ay magpapatunay sa mga Amerkano na wala tayong kakayahang mamahala sa mga sarili, na kung ayaw nating ipaglaban
![]() |
Sa gitna ng lahat nang ito, pinagtibay ang constitution, ang kasulatan ng katauhan ng bayan, ng pulong sa Malolos at ipinadala sa pamahalaan upang tuparin. Pinipigilan ko pa sana dahil sa mga nakaambang mga panganib ngunit pumayag na rin ako matapos kong nakita na, sa isang panig, buo ang pasiya ng mga kinatawan at nagbantang mag-escandalo sila kapag hinadlangan, at sa kabilang panig, matibay ang pagtanggi ng mga Amerkano na kilalanin ang ating pamahalaan at ang pagpilit nila na sumuko ang mga Pilipino. Isa pa, si Ginoong Aguinaldo man ay sang-ayon sa pagtupad sa kasulatan. Hindi ko pa batid nuon, walang hinala kahit na ano, na ang mga pinakamasugid na pambato ng kasulatan ang siyang naging pinakaduwag na tumakas sa halip na ipagtanggol ang kasulatan, nang dumating ang panahon ng panganib sa kanilang katawan at yaman. Nuon, sa pangamba ko sa dumarating na digmaan, tiniyak ko na lamang na hindi magsimula sa ating panig ang gulo. Napakahina ng ating hukbo nuon upang subukan nating duruin ang mga Amerkano. |
|
Naging ‘ari-arian’ ang Pilipinas Samantala, sa silangang gilid ng dagat, sa pamahalaan ng America, binibinbin ng mga senador ng partidong Democrat, karibal ng partido Republican ni President William McKinley, ang pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris kaya napilitan ang president na ipaganap ang matatawag na pakana. Nuong gabi ng Febrero 4, 1899, sinimulan ng hukbong Amerkano ang digmaan laban sa hukbo ng himagsikan, at ang balita nito ay madaling itinelegrama sa America. Dahil baka pa magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa España at ibang bayan sa Europa, minadali ng mga senador ang pagpapatibay sa kasunduan nuong Febrero 6, 1899. Ang 20 milyon dolyar na bayad sa España ay mabilis na ipinalabas ng batasan ng America nuong Marso 2, 1899. At nuong Abril 11, 1899, naging tatag na ang kasunduan, at ang pag-ari ng America sa Pilipinas. Hinayag ng isang senador ng America, si Ginoong McEnery, na ang balak ng America ay sakupin ang Pilipinas hindi nang palagian kundi hanggang makapaghanda lamang ang mga Pilipino na mamahala sa mga sarili sa isang pamahalaan na mag-aalaga ng kapakanan ng Amerkano at kapwa Pilipino. Nagmungkahi sa batasan ang isang karibal, si Senator Bacon, na itatwa ng America ang anumang pagsakop sa Pilipinas kung tutuong pansamantala lamang ang pamamahala ng mga Amerkano, at hanggang maging handa na |
lamang ang mga Pilipino. Nagbotohan ang mga senador at nanalo, sa isang balota lamang, ang patuloy na pagsakop sa Pilipinas. Ayon sa ganitong batas, hindi maaaring isapi ang kapuluan sa America bilang isang state o kahit bilang territorio. Naging ari-arian lamang ang Pilipinas, binili mula sa España at maaaring dispatsahin kung anuman ang maisipan ng America. Sa ibang salita, hindi saklaw ang Pilipinas ng constitution, ang
kasulatan ng katauhan ng America. Walang mga karapatan ang mga Pilipino maliban sa naisin ng batasan ng America na igawad sa mga tao. Lumalabas na pinutol ni President McKinley ang paghahari ng mga Español, upang mapalitan lamang ng paghahari ng mga Amerkano.
Kapansin-pansin na ang partido Republican, pinamunuan ni Abraham Lincoln nuong buhay pa siya, ang nagpalaya sa milyon-milyong mga alipin sa America, at sa pamumuno naman ni President McKinley, sa higit na mayaman at makapangyarihang bahagi ng kasaysayan ng America, ang nagmay-ari sa milyon-milyong Pilipino. Sinabi ng pamahalaan sa Washington tungkol sa constitution ng America, na hanggang hindi naglalaho nang lubusan ang mga kabutihan sa lipunan ng hilagang America, ang pagbabahagi ng kapangyarihan sa kasulatan ng katauhan ng Bayan ay hadlang sa pagiging palagian ng anumang malupit na pamamalakad. Sa awa ng langit, nawa’y huwag kalimutan ng mga Amerkano ang isang bayani ng kanilang bayan, o linlangin ang kanyang mga hangad! |
Nakaraang kabanata Tahanan ng mga Kasaysayang Pilipino Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |