![]() ![]() Ang Himagsikan Ng Mga Pilipino
Sinulat ni Apolinario Mabini
Isinalin sa Tagalog mula sa English translation by Leon Ma. Guerrero |
|
Mga Panawagan Ng ‘La Solidaridad’ TIGATIG, hindi nakalingos ang mga Pilipino na tumatangkilik sa kinabukasan ng bayan. Naaninaw nila na sa bumibilis at lumalawak na ugnayan ng iba’t ibang bayan, hindi magtatagal at magigising sa puso ng mga Pilipino ang paghangad sa mga kalayaang tinatamasa ng mga tao sa ibang bayan, at kapag naunsiyami ang mga kalayaang ito sa kawalan o pagpigil sa pagbuti ng kalagayan ng mga tao, lahat ay madadala ng agos sa aklasan at pakikibaka, gaya ng nangyari sa Europa at America. Walang alingawngaw na nakarating sa España tungkol sa mga abuso na ginaganap sa
Sa kabilang dako, anumang pagpupulong at |
pagsusumamo ng mga Pilipino sa Pilipinas ay iniipit at marahas na pinarurusahan kaya walang lumalabas na balita o bulong man lamang tungkol sa mga tunay na kalagayan at pagnanasa ng mga Pilipino. Upang mabulgar ang lahat ng ito, nagpasiya ang ilang mga taga-Manila na maglathala ng isang pahayagan sa España, kung saan hindi makakahadlangan ng mga frayle. Nag-ipon sila ng pangtustos sa isang babasahing ililimbag tuwing ika-2 linggo, at itinatag ng mga Pilipino sa España ang pahayagang La Solidaridad (Solidarity, Ang Pagkaka-isa)
Ang unang patnugot ay si Don Graciano Lopez Jaena; hindi nagtagal, ang naging patnugot ay si Marcelo H. del Pilar. Isiniwalat sa pahayagan ang tunay na paghihirap ng
|
Unang pahayagan ng Pilipino Binigyang tinig ng ilan-ilang Pilipino sa España ang panaghoy ng mga tao sa Pilipinas, mga panaghoy na pinarusahan ng mga Español sa buong kapuluan. Subalit ang pagpipiit at pagpapahirap ay hindi nagpatahan, bagkus nagpapalakas pa, sa mga panaghoy na lalong lumawak. Hiningi ng mga ulat sa pahayagan na baguhin agad-agad ang pamamahala sa Manila upang masansala ang pag-aklas ng mga Pilipino sakaling maniwala sila na walang lunas silang makakamit sa iba pang paraan, kundi sa pagiging malaya at paghiwalay nang lubusan mula sa España. Ang pagmamahal lamang ng mga Pilipino sa España, hayag ng La Solidaridad, ang tanging batayan ng patuloy na paghahari ng Español sa kapuluan, pagmamahal na hindi nagmaliw sa mga gipit at mapanganib na panahon. Sinundan ang mga pahayag na ito ng pagsumamo na baguhin ang pamamahala upang mapa-hinahon ang mga tao. Hiningi ng La Solidaridad |
ang mga pagbubuti na:
|
May iba pang hiling ang La Solidaridad na agad sinagot ng mga frayle sa Pilipinas. Naglimbag din sila ng pahayagan upang kalabanin ang mga Pilipino, idiniin na walang kayang gawin ang mga tao dahil sa kanilang kamangmangan at katamaran. Hinayag nilang sanay lamang ang mga tao na gumawa habang hinahagupit ng palo, at magiging layaw ang mga ito kapag nabigyan na pagbubuti. Masisira lamang daw ang katauhan ng mga Pilipino dahil likas silang mga primitivo. Kapag ibinigay ang mga hiniling na pagbabago, sabi ng mga frayle, hihingi lamang nang hihingi ang mga Pilipino, at lalong magiging hayok at hindi masisiyahan kahit kailan. Pinagtibay ng mga frayle na masayang namumuhay ang karamihan ng mga tao at walang pumapansin sa La Solidaridad na pakana lamang ng ilang subersivos. Sumagot ang La Solidaridad, mangmang ang mga tao sapagkat hinadlangan silang matuto ng mga frayle na siyang nangangasiwa ng mga paaralang bayan sa Pilipinas. Sa kabila nito, at salungat sa mga pahayag ng pamahalaan, |
malaking bahagi ng mga mamamayan ang marunong bumasa at sumulat, nag-aral nang lihim upang hindi maparusahan ng mga frayle. Walang ginagawa ang mga tao, sabi sa La Solidaridad, hindi dahil sa tamad kundi dahil walang sasakyang nagagamit upang maglibot at magkalakal. Ang mga pagbabagong hinihingi sa España mismo ang titikwas sa pagkahilata ng mga tao at babalikwas sa kanila sa pag-unlad.
Hinayag sa pahayagan ng mga frayle na ang mga kalayaan sa España ay nakamit sa pamamagitan ng dugo, hindi ng tinta. Walang kibo ang pamahalaan sa Madrid ngunit lantad ang pasiya nilang kampihan ang mga frayle, at pabayaan ang mga tao sa pamamahala ng mga nasa Manila kahit na paminsan-minsan, may mga mapag-palayang pinuno na natanyag sa España sa mga pangako ng pagbubuti sa mga sakop. Ngunit ang mga ito, kapag naluklok na sa pamahalaan, ay masugid na nililimot ang mga pangako nila ng pagbubuti. |
Nakaraang kabanata Tahanan ng mga Kasaysayang Pilipino Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |