Luzon: Manila, Cavite,
Laguna, Batangas, Bataan

LUZON ang pinakamahalagang pulo dito. Maraming tao ang nakatira at sagana sila sa palay at ginto, lalo na sa minahan sa Ylocos. Ang pulo ay hinati sa 3 lalawigan, ang pangunahin ay ang Manila.

(Nuong panahon ni Loarca, ang pali-paligid ng Manila ay tinawag ng Espanyol na lalawigan ng Manila. Ang iba pang lalawigan ay Camarines, sa timog, at Ylocos, ang hilaga ng Luzon.)

Ang lungsod (ng Manila) ay nasa gitna ng pampang ng isang malaking luok (bahia, bay), halos 100 kilometro ang sukat paikot (Manila Bay ang tawag ngayon). Mataba ang lupa sa buong paligid at sagana sa pagkain.

Ang mga taga-Manila ay Moros (ang tawag ng Espanyol sa mga Muslim) na natuto ng pagsamba mula sa mga taga-Burney (Brunei, sa Borneo).

Pitong kilometro mula rito ang daungan ng Cavite, ang himpilan ng mga barko mula sa Nueva Espanya (New Spain, Mexico ang tawag ngayon). Ang mga barko mula sa China ay sa ilog ng lungsod na ito pumapasok at dumadaong sapagkat napakarami nilang dumarating upang magkalakal.

Ang ilog na ito ay galing sa isang malawak na lawa (laguna, lake) ng tabang na tubig (freshwater), halos 100 kilometro ang sukat paikot (Laguna de Bay ang tawag ngayon). Ang pali-paligid nito ay sagana sa palay at bulak (cotton). Marami silang alahas na ginto kahit na walang minahan ng ginto (goldmines) sa paligid.

Kalahi ng Moros ng Manila ang mga nagtatag ng kani-kanilang baranggay sa paligid, hanggang sa mga purok ng Batangas. Kalahi rin ang mga dumayo at nanirahan sa pulo ng Mindoro at Lubang subalit, maliban sa mga ito, hindi sila natagpuan sa iba pang puok sa buong kapuluan.

Kaiba sa mga lalaki sa Visaya, maigsi ang buhok ng Moros (ng Manila). Hindi rin sila

Greater Manila

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Census At Analysis Ng Pilipinas Nuong 1582
‘Relacion de las Yslas Filipinas’   ni Miguel de Loarca

nagta-tattoo sa katawan, o nagbubutas sa tenga para sabitan ng hikaw, gaya ng mga Visaya. Ang mga babae lamang ang nagbubutas ng tenga para sa hikaw subalit pangit ang pagbutas-butas nila.

Ang Moros ay nakatira sa 72 kilometrong dalampasigan ng Manila, pinakamatabang lupa sa buong Luzon. Ang mga baranggay at nayon (ng Manila) ay: Vatan, mayroong 800 lalaki; Vitis, 7,000 lalaki; Macabebe, 2,600 lalaki; Calonpite, 3,000 lalaki; Candava, 2,070 lalaki; Pale, 300 lalaki; Binto, 400 lalaki; Malolos, 800 lalaki; Guiguinto, 400 lalaki; Catangalan, 800 lalaki, at Caluys, 600 lalaki.

Iisa ang wika nilang lahat. Malapit sa lungsod (ng Manila), sa baybayin ng Tondo sa kabilang pampang ng ilog ng Manila, kaiba ang wika na ginagamit. May 1,350 indios na nakatira duon sa nayon ng Tondo.

Ang mga baranggay at nayon sa gawi ng Tondo ay: Quiapo (hindi tiyak ang bilang ng mga tao); Pandacan, 150 lalaki; Santa Maria, (hindi rin bilang ang mga tao); Capaques, 200 lalaki; Pasic, 2,000 lalaki; Tagui, 650 lalaki; at Taytay, 500 lalaki.

Ang mga baranggay at nayon na ito ay nakahanay sa pampang ng ilog ng Manila mula Tondo hanggang sa lawa (laguna, lake) ng tabang na tubig.

Sa paligid naman ng lawa, ang mga baranggay at nayon ay: Maribago, 300 lalaki; Tabuc, (hindi bilang ang mga tao); Vahi, 2,500 lalaki; Pila, 1,600 lalaki; Mayay, 400 lalaki; Lumban, 1,500 lalaki; Maracta, 600 lalaki; Balian, 600 lalaki; Sinoloan, 700 lalaki, at Moron, 1,100.

Ang mga ito ay ang mga nakapaligid lamang sa lawa. Ang Sinoloan at ang Morong ay mayroon pang dagdag na mga lalaki, subalit ang mga ito ay laban sa mga Espanyol at nagtatago sa mga bundok-bundok.

Patungo sa Manila, sa panig ng ilog (Pasig River ang tawag ngayon) sa kabila ng Tondo nakikita ang mga baranggay ng Laguo, Malahat, Longalo, Palanyac, Vacol, Minacaya at Cavite.

(Hindi inulat ni Loarca ang bilang ng mga tao sa mga puok na ito, na naglaho na o napalitan ang mga pangalan at, maliban sa Cavite, Binacayan at baka pati Bacoor, hindi na matunton ngayon.)

Papasok, sa kabilang panig ng luok ng Manila na tinatawag na Batan (Bataan ang tawag ngayon) ay ang Maragondon na may 450 lalaki.

(Ngayon, bahagi ng lalawigan ng Cavite ang Maragondon, malapit sa Naic, subalit nuong panahon ni Loarca, nayon lamang ang Cavite at hindi lalawigan, at tinuring na iisang puok ang magkabilang bukana ng Manila Bay. Kaya inulat ni Loarca na nasa Bataan ang Maragondon.)

Sa labas naman ng luok, sa silangang baybayin (eastern coast) ay ang mga baranggay at nayon ng mga kalatagan (lowlands) na tinatawag na Tuley (‘Tulay,’ tinawag dati na Talayan o ‘Tuluyan,’ lalawigan ng Batangas ang tawag ngayon):

Balayan, may 600 lalaki; Vonvon (Bombon o ‘Bombong,’ ang lumang tawag sa kawayan (bamboo), Taal ang tawag ngayon sa nayon ngayon), mayroong 3,400 lalaki sa paligid ng lawa ng Bombon (Taal Lake ang tawag ngayon); at Batangas (lungsod ng Batangas ngayon), na may 1,000 lalaki.

Halos 15 kilometro mula sa Batangas, sa baybayin patungo sa Camarines, natatagpuan ang ilog ng Lobo na tinatahanan ng bandang 100 indios. Lagpas pa nang halos 10 kilometro ang Maribago (Balibago ang tawag ngayon) na may 100 indios. Sabi-sabi na may mga minahan ng ginto duon. Pagkaraan dito, natatagpuan ang baranggay ng Biga na may 150 indios. Susunod ang Galvan na mayroon ding 150 indios.

Patuloy sa pagbaybay patimog (southward), nakikita ang ilog Dayun, tahanan ng 600 indios. Ang susunod na ilog ay Tubi. May bandang 500 indios na kalat-kalat sa mga tingues (‘tinggi,’ ang lumang tawag sa bundok, cerros, hills).

Pagkaraan dito natatagpuan ang ilog Carilaya na may maliliit na kumpol ng mga bahay. Tantiya na 500 indios lahat-lahat ang nakatira duon. Kasunod na ilog ang Caguayan (Tagkawayan ang tawag ngayon, sa timog ng kasalukuyang Camarines Norte) na may baranggay ng bandang 200 indios. Pagkalagpas dito nagsisimula ang lalawigan ng Camarines.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Yslas Filipinas, ni Miguel de Loarca, sinulat nuong Junio 1582, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata