![]() Liga Filipina, Ang Huling Pag-asa A Last Chance for a Peaceful Revolution Lost
SUMAGSAG si Jose Rizal sa Hongkong nuong Noviembre 20, 1891, upang saklolohan ang kanyang familia. Dahil sa mga isiniwalat niya sa La Solidaridad, “Noli Me Tangere” at “El Filibusterimo” habang ligtas siya sa Europe, ang familia niya ang pinahirapan - inilit ng mga frayle ang hacienda nila sa Calamba, Laguna, sinunog ang kanilang bahay, inusig, nilitis at tuluyang pinalayas sila mula sa Pilipinas.
|
|
![]() Alingawngaw ng mga Panawagan Dalawa pang bagabag ang tumulak kay Rizal na magbalik-bayan: Una, ang pagtamlay ng La Solidaridad sa España, at ang pagwalay ng mga ilustrado sa Pilipinas. Nuong simula, malinaw na ipinakita ng mga ilustrado ang hangad nilang mapagbuti ang kalagayan ng Pilipino sa parangal at pagtaguyod nila kina Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena at iba pang makabayang nanawagan sa La Solidaridad. Sa harap ng sindak, pag-usig at panganib sa kanilang buhay, sumapi ang maraming taga-Manila sa pag-panawagan (propaganda movement). Pinuslit nila sa lungsod at ipinamudmod ang La Solidaridad, at nag-ipon ng mga bayad at ambag mula sa mga kapwa makabayan sa Manila at mga paligid. Pati ang mga maykaya at mga nakapag-aral na lumuwas sa Manila mula sa malalayo ay kumampi at nagbigay ng tulong. Subalit pagtagal, napanghal ang mga tumutustos, nadamang hindi pinapansin sa España ang mga panawagan, at malamang hindi pansinin kailan man. Unang bumitaw ang mga mayaman sa Manila, tumanggi, o maliit lamang ang inambag. Maniwari, dahil wala silang tiwala sa mga umi-ipon sa salapi. Dahil din daw sa takot nilang matutop ng mga Español. Anuman, alinman ang mga idinahilan, malinaw na nagkawalay ang mga ilustrado mula sa isa’t isa, at nagsimulang magkanya-kanya ang mga nabubuong pangkat nila. Bago pa sumagsag sa Hongkong, hinayag na ni Rizal na walang nagawa ang munti at sali-salibat na panawagan, at walang magagawa kahit gaanong katagal manatili sa España. Pinasiya niya na sa Pilipinas lamang makakamit ang pagbubuti ng mga tao. At hindi sa panawagan, kundi sa isang samahan ng mga marangal na tao, samahang balak niyang itatag at tatawaging “Liga Filipina.” |
|
Patibong ni Despujol Tulad sa España, nakahalubilo ni Rizal ang mga ilustrado sa Hongkong, marami ay ipinatapon mula sa Manila ng mga Español dahil kumalampag na pagbutihin ang turing sa mga Pilipino. Isa si José Maria Basa sa mga itinapon nuong “nilinis” ang mga “nagliligalig ” (filibusteros, subversives) pagkatapos ng “himagsikan” nuong 1872, nang binitay
Sa hilakbot ng familia niya, pagkaraan ng 6 buwan lamang sa Hongkong, bumalik sa Pilipinas si Rizal, bitbit ang mga hangarin ng kalayaaan at pag-unlad para sa mga kabayan. May hinala si Rizal, “marami, tigib ng ganid at imbot, ang matutuwa kung ako ay mamatay, at kung magkagayon, masiyahan na sana ang aking mga kaaway at itigil ang pag-usig nila sa mga walang kinalaman...” |
Subalit wala siyang malay na sabay sa pagbigay sa kanya ng pahintulot, ipinaalam ng consul kay Eulogio Despujol, ang governador ng Pilipinas nuon, ang napipintong pagdating ni Rizal sa Manila. Nuong araw ding iyon, hinabla si Rizal nang lihim ni Despujol sa salang “pagligalig laban sa simbahan at sa kaharian.”
Anuman ang ikinatwiran ni Despujol pagkatapos, napagtibayan ang kanyang kagagawan. Natuklas ang kanyang mga kasulatan - ang habla, ang tanong at kautusan - naiwan sa Intramuros nang nagtakbuhan ang mga Español nuong simula ng panahon ng Amerkano. At anumang pangarap ng pagbubuti ang bitbit ni Rizal pagdating sa Manila nuong Junio 26, 1892, nakatakda ang kanyang pagkabigo, at naka-talaga na ang pagkasawi ng Liga Filipina bago pa ito isilang. |
Maigsing Buhay ng Liga Nuong Julio 3, 1892, isang linggo lamang pagkarating, itinatag ni Rizal ang Liga upang
Si Andres Bonifacio at daan-daan pa, marami ay ilustrado, ang sumapi sa Liga ngunit hindi nagtagal. Nuong Julio 17, 1892, dinakip si Rizal habang nakikipanayam sa Malacañang at ipinatapon ni Despujol sa Dapitan (isang lungsod ngayon sa Zamboanga del Norte, sa Mindanao). |
Gimbal at sindak ang buong Manila, dahil naging sagisag na si Rizal ng panawagan sa ikabubuti ng mga Pilipino.
Pagkatapos dakpin at ipatapon ng mga Español si Rizal, tinangka ng mga kasapi na ipagpatuloy ang ‘Liga.’ Si Domingo Franco ang nahalal na presidente, si Deodato Arellano ang naging kalihim at ingat-yaman, si Isidro Francisco ang fiscal (abogado), at sina Juan Zulueta at Timoteo Paez ay nasapi sa consejo supremo ng ‘Liga.’ Pagtagal-tagal, si Apolinario Mabini ang naging kalihim, subalit walang pagkabuhay at madaling naglaho ang Liga sapagkat wala si Rizal at humiwalay si Andres Bonifacio at ang kanyang mga nahikayat. Nuong gabi ng pagdakip at pagpatapon kay Rizal, Julio 27, 1892, nagpulong nang lihim sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga (Claro M. Recto Avenue ngayon), sa Tondo, sina Bonifacio at ilang kaibigan, kabilang sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Valentin Diaz. Nagkasundo silang itatag ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang mapayapang Liga ay napalitan ng madugong himagsikan. At nang nabisto ang Katipunan nuong 1896, ang mga kasapi ng Liga ang unang inusig ng mga Español. |
ni Epifanio delos Santos
NUONG Deciembre 30, 1903, itinayo ang isang monumento kay Rizal, ang kanyang mga kasama at iba pang tumulong sa pagtatag ng Liga Filipina. Mga mamamayan ng Tondo ang nagtayo ng parangal sa pirasong lupang inalay ni Timoteo Paez, isang kasapi sa Liga. Nakaukit sa monumento ang mga kataga:
“Isa-alaala. Sa harap nito, sa bahay na 176 Calle Ilaya, itinatag ni Doctor Rizal nuong gabi ng Julio 3, 1892 ang lihim na pambansang lipunan ng Liga Filipina, sa tulong at sang-ayon ng mga ginuong nakatala rito. “DR. Jose Rizal, ang nagtatag, binaril.
“Ang mga director -
“Ang mga kasapi -
|
|
ANG MGA PINAGKUNAN Estatuto de la L.F. (Liga Filipina), by Jose Rizal, Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas
Kartilyang Makabayan, ni Hermenegildo Cruz, 1922, The Project Gutenberg EBook, La Liga Filipina, from The Philippines: A Past Revisited by Renato Constantino, and
The Philippine Islands 1493-1898,
by Emma Helen Blair and James A. Robertson, Manila 1903-1907,
The Philippine Revolution, by Apolinario Mabini, translated and copyright 1969 by Leon Ma. Guerrero, http://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/history/mabini07.htm The Story of Jose Rizal, by Austin Craig, Austrian-Philippine Homepage, APSIS editor Johann Stockinger,
|
|
Hindi Karaniwang Mga Pilipino Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys Mga Kasaysayan Ng Pilipinas |