Ika-17 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat

Humanap nga ng makakatulong,
at may anim na pu ang kanyang naipon
pawang sandatahan ng talibóng,
iba’y revolver pistola’t remington.

Alas-doce na nang kanilang tiapan
ang lahat ng cuartel kusang lolooban
nguni’t di nangyari pagka’t pinigilan
ng iláng clérigo na nakaalám.

Siya pa nga, nang maalamang lubós
ng mga clérigong nasabing puspós,
nakasuot lalaki, sa baywang may suksok
na isang magara’t mainam na gulok.

Ang bagay na ito dapat pagmasdán
at tularan nga ng babaing tanán,
mga Filipinang aking kababayan,
marunong umibig sa tinubuang bayan.

Ang bagay na itó ay iiwan ko na
at ang sasabihing madaling umaga
nuong araw ng sákit, binatbát ng dusa
ang apat ngang bibitaying sadya.

Nakaraang kabanata           Sunod na kabanata

TANGKA   ITAKAS

Nuong nag-aral kamusmusang edad
dahil sa nakita sa gayong kapahát,
katalasan ng isip ni Gomez na ingat
at bait na tangi na walang katulad.

Kaya sa talino at dunong na taglay
siya ay nagpari at nag-curang tunay
saka nag-vicario foráneo pa
sa Bacoor na sakop ng Tanguay.

Kahuli-hulihan nakamtáng tibobos
pagka-examinador sinodal na lubós
sa arzobispado na walang kaayos
mga karunungan na kanyang inimpók.

At siya rin naman naging sugong tunay
ng mga castila kay Luis Parang,
ang naghimagsik nuong dakong araw,
kaya siyang mula ng kapayapaan.

Tumulong din naman sa pag-usig
ng mga Tagalog sa Córte ng Madrid,
na lahat ng fraile, dito’y mapaalis,
siyang naging dahilan niyang pagkapiit.

Dating sundalo si Miguel Zaldua,
taga-Camarines, Bicol na talagá
kusang naging kintos na nahulog bagá
sa batallóng hayág ng artilleria.

Siya’y na-destino sa lawigang Tanguay
naging asistente ng tenienteng hirang
na si Faustino Villabrilleng tunay,
saka nag-asawa sa isang matimtiman.

Ang matimtimang naging asawa
ay isang babaing lubós kakilala
ng fraileng si Gómez, Recoleto baga
na prior sa Tanguay na simbahan nila.

Ito’t hindi iba, siyang humikayat
sa masamáng fraile na magkasing liyag
na paghimagsikin jornalerong lahat
doon sa arsenal kusang mapahamak.

Ito’y siyang mula ng pagkakasama
at pagkakadamay ng kawawang Zaldua
na kusang nadaya pati ng asawa,
nitong mga fraileng lilo’t palamara.

Sa sabi at saad ng mga nagsulit
ang babaing ito ay kusang napiit
sa cárcel ng dusa, ngalan ay Bilibid,
siya ay napasok, nagtiis ng sákit.

Bayaang ko ito ang ipagtuturing
ang oras ng gabi nang kusang dumating,
may isang dalaga na lubhang mahinhin
nag-isip, ang tatlo ay kusang agawin.

Ang ngala’y Clarita na sakdál ng gandá
kusang nagmalasakit, nagnasang iadyá
sina Burgos, Gómez at Zamora
nuong gabí ring iyon doon sa capilla.

Ang pinagkunan:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

Mga Hindi Karaniwang Pilipino               Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys               Mga Kasaysayan Ng Pilipinas               Lista ng mga kabanata