Ika-16 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat

Padre Burgos ang siyang unang-una
at si Padre Gómez at Padre Zamora,
pawang walang malay sa atáng na sala,
saka ang dinayang Francisco Zaldua.

Ang apat na ito’t pawang Filipinos
sa bayang tinubua’y maalam umirog
lalong lalo na nga ang dakilang Burgos
na anák na tunay, tubo sa Ilocos.

Si Padre Zamora, Tagalog na tunay
tubong Maynila sa dakong Pandacan,
naging rector nga’t cura sa catedral
nuong nakaraang panahón at araw.

Si Padre Gómez ay taong Santa Crúz
sakop ng Maynila, sa dikít ay puspós,
sa lahing mabuti nagbuhat na lubós
ang amá at iná, mabuti ang loob.

Sa gremiong mestizo ng mga Sangleyes
siyang nasasakop kusang nati-titik
pagka’t siya’y angkán ng mga Japonés
sa unang dako pa, dito’y nagsi-alís.

Nakaraang kabanata             Sunod na kabanata

SÚHOL, MALING PARATANG

Ang Consejong ito, nang kusang minulán
ika-dalawang po’t anim yaong bilang
ng buwang Febrero, hapon ang lagay
ng panahóng lubós na mapanglaw.

Bakit ang nahalal presidenteng tikís
sa gayong consejong sakdal ng lupít
coronel ng hukbó, ang ngalan at sambit,
Francisco Moscoso, walang kawangis.

Fiscal instructor si Manuel Boscasa,
comandante naman katungkulan niya
na isa sa mga kaututan bagá
ng dila ng fraileng mga palamara.

Alas-cuatro na nang ito’y simulán,
si Padre Burgos ang una sa tanán
saká isinunod si Zamorang hirang
at si Gómez na kasamang tunay.

Ano pa’t ang lahat ng mga defensor
ay walang nagawa sa consejong yaon,
palibhasa di sing kaalam ng pusóng
fraileng sukaban, kaya nagka-ganuón.

Pagka’t ang lumabás ó hatol na tunay
Pena de Muerte ang siyang kakamtán
ng apat na ito sa pagka-kadamay,
paratang namuno sa gulóng nagdaan.

Ang hatol na ito, tanto ni Burgos,
ay kusang tumugón sa consejong bantóg,
siya’y di papayag sa defensang lubós
ng kanyang defensor sa fraileng kaumpók.

Pagka’t, aniya, siya’y hindi umaamin
na namuno siya sa bintang na tambing,
kaya’t ang tutol niya sa tanáng casalio
siya’y walang malay ng pagtataksil.

Ang bagay na itó, di rin pinakinggán
ng tanáng nanduon ni Burgos saysay
palibhasa nga sila’y binayaran
ng mga fraileng higít sa halimaw.

Wala ring nangyari kundi ang maghari
sa kanilang dibdib ang masamáng budhi
na maipa-patáy si Burgos na bunyi
at pati na’ng tatlóng kasamang tangi.

Ang hatol ng consejong hirang
apat na maysala alisán ng búhay,
dalhin sa Capilla, doon ay ilagay
hanggáng magka-panahóng mag-kumpisál.

Sumunód na araw, nuong pagka-umaga,
ang plaza de armas pinatanuran na
isang regimiento hukbóng infantería
saká ang escuadrón ng caballería.

Karamihang tao ang siyang kasunód
pawang nagtaglay ng mukhang malungkot
sa pagkaka-abá ng palad na kapós
ng tatlóng paring bibitaying lubós.

Ang pinagkunan:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

Mga Hindi Karaniwang Pilipino             Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys             Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Lista ng mga kabanata