Ika-8 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa’
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora,
Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua
sinulat ni HONORIO LÓPEZ
|
Kaya ang bawat ibig noong kumuha,
magkamit ng grado sa facultad baga
sa Santa Teologia’t bunying Filosofía
at sa Canónico, daraan sa kanya.
Sapagka’t nahalal nga siyang kagyat
na ‘Examinador’ at una sa lahat,
kusang i-‘examen’ estudiong facultad
na sinuma’t aling ibig makalabas.
Sa kanyang pagsunod sa tungkuling napala,
naging masamá siya sa fraileng lahat na;
datapwa gayunman, di kumibo sila
wari’y hindi pansin, tanang nakikita.
Kusang nasaloob, higantihan na lamang,
putulin ang gayong mga kahigpitan
ng pag-i-examen sa sino’t alinman
sa fraileng kapwa lipós ng kasamaan.
Kaya ang nangyari nang lumubhang tikís
yaong pagngi-ngitngit kay Burgos na ibig
dito na ang lahat; ang fraile’y lumupít
sa paring Tagalog na kasanib-sanib.
Nakaraang kabanata
Susunod na kabanata
|
TRATADO BINALI
Saka sinunod pa ang pinag-usapan
nilang kaayusang mag-cura sa bayan,
at yaong ‘reforma’ sa pag-aaral
ay pinaghusay din na hindi naluwatan.
Nagkaroon pa noon ng carrera civil
lahat ng Tagalog, may dunong na tambing,
kaya si Vivencio del Rosario natin
sa Lagunang bayan, ay nag-alcalde rin.
At si Mariano Villafranca naman
sa bayang Misamis, alcaldeng nahalal
pawang Tagalog, may dunong na taglay,
nagkamit ng tungkulin sa ka-castilaan.
Nagkaroon pa rito ng mga jueces,
pawang Filipino’t mga relatores,
at lahat pa din ng mga napiit
dito, nakawala’t kusang nakaalis.
Pinatigil pa nga ang pag-eembargo
sa tanang lupain ng nadamay dito,
at pinagalang pa, mga bahay dito
sa tanang justicia nagalang totoo.
Sa madali’t sabi, ating pagbalikan:
Ang kusang sinapit nitong si Luis Parang
sampo ni Eduardo Camerinong hirang,
nang makaraan ang ilang araw.
|
Pagka’t di naglaon, sila ay ipiniit
pinatay sa bitay, sa namukong galit
sa dibdib ng tanang fraileng mga ganid,
wala ng inimbot kung di gawang pangit.
Sila’y nag-gasta rin ng lubhang malihim
sa general ditong lumabo ang tingin
sa saganang pilak na kanilang inihain,
maipapatay lamang dalawang butihin.
Nawalang halaga ang pinag-usapan,
tratadong ginawa sa Malabóng bayan,
at kusang naniniig, lubos na ginitaw
pagtingin sa yaman ng nasabing general.
Nag-ngitngit na naman nang ito’y matalós
ang lahat ng dibdib ng mga Tagalog,
nguni’t sa wala rin dito ang inabot
ng kaguluhan gaya baga ng natapos.
Sa panahóng ito, siyang pagkakamit
nitong ating Burgos ordeng ninanais
niyang pagka-pari sa tanang tiniis
mga kahirapan na walang kawangis.
Hindi nga naglaon, nag-canta misa,
sa ating Catedral, nahalal na cura,
at siyang pagtamó ng mahal na borla
ng pagka-‘Doctor’ sa Santa Teología.
Saka sa Derecho Canónicong mahal
gayon din naman ‘Doctor’ na mahusay,
kaya sa Tribunal ng exameng tunay
nakikialam na, sa colegiong tanan.
|