Ika-7 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa’
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora,
Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua
sinulat ni HONORIO LÓPEZ
|
Ang general nuong balitang Don Cárlos
de la Torre ngani ang pangalang lubós,
na naging mabuti sa mga Tagalog
at sa tanang fraileng nag-asal balakyot.
Nabalita naman sa panahong yaon
ang ating si Gómez, cura sa Bacoor,
dahil sa ginawa at pagdi-defensor
sa tanang Tagalog na piniit noon.
At gayon din naman sa pagpapahusay
sa nangyaring guló sa bayan ng Tanguay,
kaya yaong puri at wagás na dangal
ay tinamó niya sa Katagalugan.
Dahil sa mahigit na tatlong libong ganap
ang napiit noon, Tagalog na lahat,
na napakawalan kay Gómez nagbuhat
sa cárcel ng dusa na dilang bagabag.
At pati ni Parang, sampu ni Eduardo,
kusa ring nagkamit ng mabuting trato
sa mga castila, tumirá pa rito
sa bayang Maalat, may pencióng tutuo.
Nakaraang kabanata
Sunod na kabanata
Lista Ng Mga Kabanata
|
KASUNDUAN: REFORMAS
Na sina Orosco, Saportillang tunay
Gandara at sina Ochoteco naman,
Coballes na pawang coroneles lamang
Rodriguez, Bona’t Pillon iba pang kapisan.
Ang pulong na ito pawang nagka-isa
at pinaayunan ang tanang ‘reforma’
nitong si Regidor na kapisan nila
gayong pag-uusap sa ginawang junta.
Kaya nang matapos itong pag-uusap
dito sa Maynila’y pinahatid agad
niyaong kapulungan sa Madrid na hayag
ang naging pasiya na pang-lutas.
Nguni sa samá din ng pamamahala
ng Gobierno rito’y isinalamuha
sa ‘junta’ nga rito yaong fraileng madla
wala nang inimbot kundi ang masamá.
Di na naalaala, itong ating Burgos
doo’y isinama’t kusang inilahók
kaya sa wala rin dito’y napanuod
na ‘kaliwanagan’ tanang Filipinos.
Sa ganuong nangyari, ang kaguluhan
dito sa Maynila, Bulacan at Tanguay
Silanga’t iba pang mga lalawigan
ay lalong lumubha, apoy ang kabagay.
|
Ang mga pinuno’t tanang autoridad
dito sa Maynila’y nagulo agad
kaya napatulong sa loob na tapat
ng mga Tagalog, may dunong na ingat.
Upang maampat, kusang mapatigil
kaguluhang ito na walang kahambing
kaya sinunod na ang lahat ng hilíng
ng tanang Tagalog na may dunong, tambing.
Si Padre Gómez nga ang siyang ginawa
comisióng nahalal kusang papayapa
sa kay Camerino na naghimagsik nga
sa bayan ng Tanguay, Imus na dakila.
Nang ito’y parunan niyaong Padre Gómez
ay hindi nalaon ang paghihimagsik,
dahil sa pangako ng autoridades
sa tanang Tagalog na nag-alsang tikís.
Kaya ang ‘tratado’ biglang pinirmahan
sa bayang Navotas ng bunying general
sa pinamansagang balitang tulisan
na si Camerino at si Luis Parang.
Ang lahat ng fraile noon ay nagalák
pagka’t napayapa, kaguluhang kagyat,
at tanang hacienda nilang ini-ingat,
ay muling mababalik, di magluluwat.
Bagama’t sila’y kusang nagastahan,
gumugol ng pilak na hindi mabilang,
di na inalumana, humusay na lamang
lakad ng panahong may kaguluhan.
|
Ang pinagkunan: Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos,
by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook,
www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
Mga Hindi Karaniwang Pilipino
Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys
Mga Kasaysayan Ng Pilipinas
|