Ika-4 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat

Nang siya’y matira at dito mag-aral,
hindi nagtagal siya’y inordinan
ng pagka-Diácono gayong kabataan,
mulá sa talino ng isip na tagláy.

Hindi nakaraan ang ilang panahón
sa madaling sabi nama, i, nagkataon
nagkaroon ng isang ‘oposición* nuon
sa tanang Diácono, mag-‘cura’ ang layon.

Noon ay ‘vacante’ yaong katungkulan
segundo curato sa sagrariong mahal
ng bunying San Pedro, isang balitang
catedral sa Maynilang kabayanan.

Sa ginawang ‘oposicióng’ tikís,
nanguna sa lahat si Burgos na ibig,
kaya tinamó niya, sa talas ng isip
gayong pagka-‘curang’ kaloob ng Langit.

Ang tungkuling ito, hindi matatamó
ng sino-sino lamang, kahit may ‘empeño,’**
kundi ang may taglay pagka-Presbítero
ay siyang marapat na magkamit nito.
                          *paligsahan   **pagsisikap

Nakaraang kabanata                 Sunod na kabanata

FRAILES   KASALUNGAT

Gayong pag-aaral ay hindi nagluwat
órdenes menores’ ay kinamtang kagyat,
kaya lalo na nga ang ‘familiang’ lahat
tuwa’y mago’t mago sa dibdib namugad.

Nguni’t wala pa siyang apat na buwan
ng pagkatanggap niya ng ‘órden’ kinamtan
nagkaroon ng gulo sa tinatahanan
Colegiong Letran ng fraileng kasamahan.

Mula baga ito sa pagpapasunod
‘sa mga colegial,’ pawang Filipinos,
ng mga fraileng sa samá ay supot
ng mga abuso at gawang pag-ayop.

Kaya nakaisip ang tanang colegial
gayong pag-aalsá sa pakanáng tunay
binabago nila ang kaugalian
na dating pakita sa kanilang tanan.

Oras ng hapunan nang mangyari ito
na aking sinabi na pagkakaguló,
kaya ang ginawa ng fraileng pangulo
sa justicia ng bayan ay nagpasaklolo.

Dahil sa marami ang fraileng nasaktan,
may bali ang butó at may nasugatan,
kaya yaong habla umano, sila raw
ibig na patayin ng mga colegial.

Naparatangan pa na, naging pangulo
itong ating Burgos sa nangyaring guló,
datapwa wala rin naging hangga ito
kundi ang pasiya, iwan ang Colegio.

Silang kalahatan paalisin lamang
sa Colegiong yaon, sa iba mag-aral,
nguni’t di nangyari pagka silang tanang
sa mga fraile curang namanhikan.

Dahil sa marami di nakatapos pa
ng kani-kanilang tunguhing carrera,
kaya’t napilitan nagtiis din sila
sa mga pasunód ng fraileng lahat na.

Lalong lalo na nga itong ating Burgos
dahil sa Derecho Cómicong lubos
siya’y hindi pa nakakatapos
kaya nagtiyaga rin sa iba’y umayos.

Hindi rin naluwatan ang pagka-Decano
sa layong panahón, kusa ring tinamó
sa awa ng Dios at dusang totoo
na tinitiis niya sa fraileng abuso.

Kaya di nalaon siya ay lumipat,
nang hindi na siya tumagal sa hirap
sa mga pasunod ng fraileng lahat;
Colegio San José ang tinungo agad.

Ang namamatnugot sa colegiong itó
ang kilalang doctor, si Padre Mariano,
García
ang kanyang dalang apellido
tunay na Tagalog, taong Filipino.

Ang pinagkunan:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

Mga Hindi Karaniwang Pilipino                 Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys                 Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                 Lista Ng Mga Kabanata