Nadaig Ang Mangkukulam
NUONG PASKO ng 1601, isang indio ang nagkumpuni ng kanyang bangka upang makapaglakbay kinabukasan para sa kanyang hanap-buhay. Isang nagdaraan ang sumita sa kanya, ‘Ano ba, Paskong Pasko, bakit ka nagta-trabajo?’ ‘Oy, naman! May pahintulot ako kay Hesu Christo na mag-trabajo ngayon!’ Nagbiro ang indio subalit bago siya nakaalis, nagkasakit siya at ang buong familia niya, at namatay ang kanyang asawa at mga anak. Siya ay naratay nang 3 buwan hanggang gumapang siya sa simbahan at ikinumpisal ng kanyang kasalanan. Matapos siyang mag-comunion, gumaling siya at naipagpatuloy niya ang kanyang paghahanap-buhay. SA ISANG baranggay na malapit sa Manila, nag-away ang 2 babae, ang isa ay mangkukulam. Isinumpa niya ang kaaway at pagkauwi nito sa kanyang kubo, biglang nanginig habang kumakain ang buong familia. Sabay tayo, nangisay siya at tatalon na sana sa bintana (ventana, window) kung hindi siya |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
nasunggaban ng asawang lalaki na naghihiyaw sa mga kapitbahay na tulungan siya. Halos hindi napigilan ng 3 tao ang nasumpang babae habang kumaskas sa simbahan ang asawa upang humingi ng tulong. Binigyan siya ng Jesuit ng kapirasong Agnus Dei at sinabing mabisa ito sa ‘kulam.’ Pagkaalis ng indio, lumuhod at nagdasal ang Jesuit na pagbutihin ang babaing nakulam. Pagkabalik sa bahay, ibinigay ng asawa ang Agnus Dei sa babae at natigil ang pagkisay nito at natahimik na. Mabilis na nabalita ng nangyari at narinig ng isang lalaking indio na naisumpa rin pala ng mangkukulam ding iyon. Paniwala sa balita, hiningi niya ang Agnus Dei na ginamit ng babaing gumaling. Napagtibay mula nuon ang paniwala ng mga tao sa bisa ng Agnus Dei. |
NUONG katapusan ng taon ng 1601, abala si Francisco Almerique, isang frayleng Jesuit, sa pagtatag ng mga tipunang baranggay (reducciones, resettlements) sa paligid ng Manila para sa mga indio, at para sa mga tagabundok na Ita na niyaya niya sa maganda at bagong baranggay, tinawag niyang Santiago, 15 kilometro mula sa Antipolo. Abala rin siya, sa Manila nuong una, tapos sa Taitai (Taytay), sa pag-aral ng wikang Tagalog upang makapanayam nang maigi ang mga indio. Walang pahinga ring pinalawak niya ang catholico, araw at gabi, sa ulan at sa init, madalas nalipasan, inakyat ang mga bundok upang yakagin sa mga baranggay ang kalat-kalat na nagsasaka sa paligid. Laspag ang katawan sa hirap ng gawain, namatay siya sa convento ng mga Jesuit sa Manila nuong Deciembre 2, 1601. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |