5 Naghingalo Nasagip
Sa Tanay, Negros

ANG TANAI ay isang magandang ilog, punung-puno ng mga tao, sa malaking pulo ng Negros. Duon ipinalipat ang frayleng Jesuit, si Gabriel Sanchez dahil sa dami ng mga humihiling na magpadala ng pari duon, at siya, sa isang liham nuong Noviembre 1600, ang nag-ulat ng naganap duon.

Naghintay sa dalampasigan ang mga tao at nagtawanan at nagpatugtog ng kanilang musica sa tuwa nang dumating ang frayle. Sa unang mga sermon, nakita ni Sanchez na nagbago ang mga tao. Nuon lamang sila nakarinig ng pangaral ng catholico sa sarili nilang wika at itinuring nilang handog ng langit ang frayle.

Marami na sa mga taga-Tanay ay binyagan na subalit hindi nakapagkumpisal dahil wala silang frayle. Sa loob ng isang buwan, 400 ang nagkumpisal at 80 ang nabinyagan, karamihan ay mga sanggol.

Sinimulan ni Sanchez ang pag-procesion ng mga umaawit na bata sa pali-paligid ng baranggay. Sinimulan din ang palatuntunan sa simbahan, tanungan ng mga pangaral ng catholico na sinasagot ng mga tao. Masugid na sumali dito ang mga tao, at nayayamot ang mga pinuno ng baranggay kapag hindi sila tinanong ng frayle.

Isang babaing indio, asawa ng pinuno ng baranggay, ang nagkasakit at naghingalo isang gabi. Hindi na nagsalita o kumilos, akala ay patay na nang ipatawag ang frayle. Butihin ang babae at matagal nang catholico subalit hindi nagkumpisal dahil walang pari na marunong ng wika nila. Binabasan siya ni Sanchez ng banal na tubig (holy water) at binasahan ng pangaral (gospel).

‘Jesus, maawa ka sa akin!’

Natauhan ang babae bago natapos ang pangaral at naligayahan ang lahat nang nakitang gumaling agad ang maysakit. Upang matuloy ang paggaling, inutos ng frayle na sa simbahan siya magkumpisal. Kinabukasan, dinala ng mga kamag-anak at nagkumpisal ang babae.

Isang babaing maharlika ang nagkasakit at nagkikisay, hindi napigilan ng mga kasama, hinampas ang sarili sa dingding ng bahay. Tumahimik lamang nang maghingalo na. Ipinatawag ang frayle at binasahan ng pangaral at binasbasan ng banal na tubig ang babae bago siya pinagkumpisal, - ang hirap dahil siksikan ang mga tao sa kubo. Unti-unting

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

napawi ang pagkahibang ng babae at nang matapos magkumpisal, magaling na siya. Kinabukasan, nagtungo siya sa simbahan at inihayag sa lahat kung paano siya pinaginhawa ng Dios.

Isa pang babae ang wala nang malay-tao at ipinaglalamay na ng mga kamag-anak nang datnan ng frayle. Binasahan siya ng pangaral at binasbasan ng banal na tubig. Hindi pa natatapos ang pagbasa ng pangaral nang magsalita ang babae, ‘Jesus!’ Nakapagkumpisal siya at magaling na siya, nagpapasalamat sa Dios, nang umalis ang frayle.

Nagkasakit ang 2 bata at naghingalo, wala nang malay-tao nang dumating ang frayle. Hindi na humihinga ang isa, nag-iiyakan na ang mga kamag-anak nang basbasan sila ng banal na tubig at binasahan ng pangaral. Natauhan ang 2 at pagkaalis ng frayle, bumaba ng bahay ang isa, 5 taon gulang lamang, at nakipaglaro na sa mga bata sa labas. Ang pang-2 bata ay gumaling din pagkatapos.

Naglakbay ang frayle nang mahigit 7 kilometro dahil sa isang patawag, malubha ang sakit ng isang lalaki at hindi na siya madala sa simbahan. Wala nang nais humipo sa kanya, may amoy na ang katawan, nang dumating ang frayle. Ni hindi na nakabaling ang lalaki subalit pinilit siyang pinagkumpisal ng frayle at binasahan ng pangaral. Pagkaraan ng 2 araw, nang magtanong ang frayle, ibinalitang magaling na ang lalaki at naglakbay na sa kabilang pulo upang humanap ng pagkain.

Isang babaing hindi binyagan ang naghingalo. Sa takot ng frayle na mamatay ito nang hindi pa nabibinyagan, bininyagan niya agad kahit hindi pa natuturuan ng pagiging catholico. Hindi namatay, gumaling ang babae at naniwala ang lahat na ang binyag ang nagbigay buhay sa kanya.

Bandang ika-10 isang gabi, nakarinig ang frayle ng mga panaghoy. Akala may namatay, ipinausisa niya sa 2 batang katulong. Ilang dalagang maharlika, mga anak ng isang pinuno, ang nakakita sa langit ng magandang mukha na may putong na tinik-tinik sa ulo. Puti at maliwanag kaysa sa araw ang mukha na dahan-dahang tumaas sa langit hanggang nakarating sa

buwan at naglaho. Nuon sila nanaghoy sa lungkot at takot.

Pinahinahon sila ng frayle subalit kinabukasan sa simbahan, hinayag ng mga dalaga sa harap ng mga tao ang nasaksihan nila.

Pagkaraan ng isang araw, nabalitaan nila na ang pangitain ng pagpako sa cross ay nasaksihan din sa kabilang baranggay, halos 10 kilometro ang layo sa Tanai. Simple at walang maang-maangan ang mga taga-Tanay, mahiyain at tahimik kapag inuusisa, kaya hindi naghinala ang frayle na gawa-gawa lamang nila ang mga naganap. Napahanga pa si Sanchez dahil lalo silang naging matimtiman at butihin pagkaraan ng mga pangyayaring ito. Nagsimba sila araw-araw, at ilang oras nagdarasal nang nakaluhod, at nagkumpisal tuwing Sabado upang mag-comunion kinabukasang Linggo.

Lumuha sila nang umalis si Sanchez upang bumalik sa Bohol. ‘Kapag nagkasala kami, sino ang babalingan namin?’ Naghandog sila ng bigas, manok at iba pang pagkain, subalit tinanggihan lahat ng frayle. Pati ang mga bata ay umiiyak nang inihatid nila si Sanchez hanggang maging gadibdib nila ang lalim ng dagat at iniwan sila ng frayle sa awa ng Dios.

Pagkaraan ng isang taon, nagbalik minsan si Sanchez at nagpalawak uli ng catholico sa Negros at lalong lumaki ang hanga niya sa kabutihan ng mga tagaruon na nagsabi,

‘Jesus, Padre, lilinlangin ba namin ang Dios? Matapos ng inyong pangaral na huwag magkasala, mangangahas ba kami laban sa Poong Maykapal?’

Inihambing sila ng frayle sa mga unang catholico nuong panahon ng lumang Roma (ancient Rome) nang pinili ng mga binyagan na mamatay sa halip na ipagkanulo ang kanilang pagsamba.

Ayon kay Sanchez, may mga babae sa Negros na tumangging magkasala kahit na tuksuhin ng mga sundalo at mga Espanyol ng ginto, kuwintas at iba pang alahas. Kahit na laiitin (insult) at takutin ng mga lalaki. Ang iba ay nag-alay pa ng kanilang dugo, nagulpi at nasaktan, nasugatan, subalit ayaw magkasala.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata