2 Abuso Inawat Sa
Ormoc At Carigara

HANGGANG ngayon, 88 tao pa lamang ang nabibinyagan ng mga Jesuit sa Ogmoc, subalit marami ang nag-aaral na ng mga dasal ng catholico upang mabinyagan sa madaling panahon. Higit na marami ang sumusunod sa mga gawi ng simbahan.

Marami ang nagsimba nuong linggo ng mahal na araw (Holy Week). Nuong mahal na Jueves (Holy Thursday), pagkatapos ng sermon, nag-procesion ang mga tao at napakagiliw masdan ang penitencia ng mga bata, naghagupit sa mga sarili, gamit ang mga panghataw na ginawa

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

nila mismo nuong araw ding iyon.

Maraming nag-aaway na mag-asawa ang napatahimik at napagsama uli. Maraming abuso ang napigilan, lalo na ang 2 kalabisang mahigpit na latay sa mga tao. Upang sapat na maunawaan, isiniwalat ko ang 2 masamang ugali - ang labis-labis na patubuan sa utang, at ang

pag-alipin sa mga tao ng mga mayaman at makapangyarihan dahil sa pautang at iba pang kalupitan.

Samantala, sa Carigara, lalong dumarami ang naakit maging catholico lalo na nang gawing koro (choir) ang mga bata sa baranggay upang umawit habang nagmimisa sa simbahan.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata