Pakikiapid Ng Mga
Hindi Mag-asawa

NATUTO ng Tagalog ang 3 sa mga frayleng Jesuit sa Manila at lalong sumugid ang mga indio duon sa pagiging catholico. Nuong 1598 lamang, mahigit 300 tagaruon ang nagkumpisal sa isang frayle.

Namagitan ang mga Jesuit sa paghihiwalay ng isang mag-asawa subalit itinigil nila nang magbalik at nagsama muli ang dalawa. Tinangka rin ng mga Jesuit na putulin ang pagniniig ng mga hindi mag-asawa.

Isang babaing indio ang ikinulong sa bahay ng asawa niyang sangley (intsik). Upang maakit, naglagay ang mga Jesuit ng mga binyagang indio sa tabi ng bahay at nag-usap sila nang malakas, upang marinig ng babae, tungkol sa ganda ng pagiging catholico. Naakit nga ang

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

babae at tumakas, iniwan pati ang anak sa bahay, at nagtago sa convento ng mga frayle hanggang naging catholico. Sinundo siya ng asawang intsik na, pagkaraan ng panahon, ay nagpabinyag na rin - isang bagay na mahalaga dahil mahirap mahikayat ang mga sangley sa pagsambang catholico.

Nuong nagka-peste ng tipaklong (plague of locusts) sa paligid ng Manila. Nagtarak ang ilang babaing indio ng isang cross sa kanilang bukid upang maligtas ang kanilang palay. Pinagbigyan naman sila ng Poong Maykapal at

hindi sila sinalanta ng mga tipaklong. Pagka-ani sa palay, inabuloy lahat sa simbahan ng may-ari ng bukid. Mayaman siya at kaya niyang ipamigay ang isang buong ani.

Isang mag-asawa ang nagsumpaan na hindi sila magmamaliw habang naglalakbay ang lalaki. Pinagtibay pa nila ng mga lumang sumpa na gamit nuong unang panahon. Subalit natukso ang babae at sumiping sa iba, at kapwa sila biglang namatay. Magka-ugnay pa sila nang natagpuan, at isinumbong sa Jesuit. Inutos ng frayle na ipaglihim ang pangyayari.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata