Ang Pulo Ng Samar

ITO ANG PULO na unang nakikita ng mga barko pagkatawid sa dagat silangan (Pacific Ocean) mula sa Nueva Espanya (Mexico). Sa dulong hilaga nito ang kilalang Cabo de Espiritu Santo (Cape of Espiritu Santo, bahagi ng lusutang San Bernardino o San Bernardino strait) na lusutan papuntang Manila.

Malaki itong pulo at maraming tao na mapayapa at sabik maging catholico. May salot sa pulo nang dumating si Fray Francisco de Otazo at 2 pang Jesuit sa nayon ng Tinagon (Tinagoan, sa pulo ng Buad) at tuloy-tuloy silang nagturo sa mga maysakit, bahay-bahay, hanggang umabot sa 1,000 ang mga nabinyagan nila bago namatay sa salot.

Anim na simbahan at paaralan ang naitatag duon sa Ibabao (dating tawag sa Samar). Isang araw, pagkadalaw sa isang baranggay, papauwi na ang frayle nang namataan niya ang isang dukhang kubo.

Dahil pababa na ang araw, ipinasiya niyang magpahinga duon at makikain subalit walang sumagot sa kanyang tawag. Umakyat siya ng

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

hagdan at pagsilip sa loob, nakita niya ang isang matandang lalaki na nakahiga sa sahig, hindi kumikilos at halos patay na.

‘Ayaw!’ Tumanggi ang lalaki nang yayain ng frayle na magpabinyag. Hindi tuminag ang frayle at matagal na nakiusap, kahit na lubog na ang araw, hanggang pumayag na rin ang lalaki at bininyagan siya ng frayle. Namatay ang lalaki pagkatapos, nuong gabi ring iyon.

Mula sa katabing pulo ng Maripipi (bahagi ng Biliran ngayon), 15 kilometro ang layo sa Ibabao (Samar), lahat ng tao ay nabinyagan sa loob ng isang araw lamang. Dahil mahirap puntahan, bihira dumalaw duon ang mga frayle. Isang araw, sakay sa kanilang mga bangka, lumaot lahat ng tagapulo at dumayo sa Tinagon (Tinaguan, sa pulo ng Buad), kasama ang kanilang mga familia.

Hiniling nila sa frayle na binyagan silang lahat. Kailangang matutunan muna ang mga aral ng catholico, sagot ng frayle, bago mabinyagan. Agad binigkas ng mga pinuno ang mga aral, natutunan na raw nila mula sa kanilang mga kabaranggay. Bininyagan silang lahat ng frayle, at umuwi na ang mga tagapulo sa Maripipi.

Marami ring nagpabinyag nang dumating si Fray Miguel Gomez, isa pang frayleng Jesuit, mula sa Cebu. Nagtayo siya ng simbahan si Catubig, malaking baranggay sa ilog sa looban ng hilagang Ibabao (Samar).

Isa sa mga pinuno duon ay ayaw mag-asawa nang higit pa sa isang babae. Sa sabik, kusa niyang pinutol ang sariling buhok upang mabinyagan. Isa pang lalaki, maysakit na sa tanda, ang nagmakaawa na mabinyagan bago siya mamatay.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata