Ang Pagsulat At Ang
Baybayin Ng Pilipino

LAHAT ng mga tagapulo dito ay mahilig magbasa at masulat, at wala kahit isang lalaki, at lalong walang babae, na hindi marunong bumasa at sumulat sa baybayin na gamit sa pulo ng Manila (Luzon), baybaying kaibang-kaiba sa ginagamit sa China, Japan at India.

Malinaw na nakikita ito sa kanilang baybayin:

Mga Patinig Ang 3 patinig (vowels) ay naisusulat sa 3 titik (letras, characters) lamang. (Ang E at I ay nagpapalitan, batay sa kataga (palabra, word) na ginagamit. Gayon din nagpapalitan ang O at U.)

Mga Katinig A 12 Ang mga katinig (consonants) at ang pagbasa sa mga ito ay karaniwang may kasamang tunog ng patinig na A. Kaya maisusulat, at mababasa, ang katagang cama (bed) sa pamamagitan ng 2 titik lamang.

Kapag naglagay ng tuldok (punta, point) o kuwit (comma) sa ibabaw ng titik, ang pagbasa ay may kasamang tunog ng patinig na E o I. Kaya ang katagang cama ay nagiging cami.

Kapag sa ilalim inilagay ang tuldok o kuwit,

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

Mga Katinig E

ang tunog ay pinapalitan ng patinig na O o U. Sa ganitong paraan, ang katagang cama ay nagiging camo (kami, sa wikang Bisaya).

Ang tunog ng huling katinig ay hindi naisusulat, kaya ang sulat sa katagang canta ay cata, at ang balbas ay baba. Mga Katinig O

Sa pamamagitan nitong mga titik, madali silang nagkakaunawaan at naisusulat nila ang kanilang mga balita at kuru-kuro. Ang bumabasa ang nagdadagdag ng nawawalang mga katinig, madali kapag nasanay.

Dati-rati, ang sulat nila ay pababa mula sa itaas, at mula sa kaliwa, ang kasunod na hanay ay sa kanan. Mula sa atin, ginaya nila ang pagsulat

Kama

pakanan, mula sa kaliwa, at pababa mula sa itaas - ang kasunod na hanay ay sa ilalim ng unang hanay. Kami

Ang gamit nilang sulatan ay mga dahon at kawayan, ang pangsulat ay matalas na bakal. Ngayon, ginagamit pa rin nila ang mga ito subalit naturuan na namin silang gumamit ng papel at pinatulis na Kamo balahibo ng pakpak (pluma, quill).

Natuto na rin silang bumasa at magsalita sa ating wika, at ang pagsulat nila ay Kanta mas mahusay kaysa sa atin dahil marunong sila at madaling matuto ng kahit ano. Nakapagpasulat na ako sa kanila ng mga magagandang liham. Balbas

Sa Tigbauan, nagkaroon ako ng isang mag-aral na batang lalaki. Pagaya-gaya lamang sa mga sulat na tinanggap ko, natuto siyang sumulat nang napakaganda sa loob lamang ng 3 buwan. Dinaig pa ang sulat ko, kaya ipina-copia ko sa kanya ang mga mahahalagang kasulatan ko. Ayos at walang mali ang isinulat niya.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata