putong

Ang Galang
At Ganda
Ng Asal Ng
Mga Pilipino

MAGALANG at maganda ang asal ng mga Pilipino, lalo na ang mga Tagalog na sadyang mapitagan sa kanilang kilos at salita.

HIndi gaya ng mga Intsik at mga Hapon, walang masyadong pakutsi-kutsi ang mga Pilipino sa kanilang mga kilos. Kapag nagtatagpo sila, gaya natin, inaalis nila ang suot sa ulo bilang pitagan sa kaharap. Sa kanila, ito ay isang pirasong tela na tinawag nilang putong, tulad ng toalla (towel), na nakapulupot at nakapatong o nakatali sa ulo. Ang haba ng tela, ang pagpulupot at pagkatali ay iba-iba, batay sa puok at gawi ng mga tagaruon.

KABASTUSAN sa kanila ang tumayo sa harap ng nakatataas na tao. Umuupo sila sa lupa o sahig, o tumatalungko at umuupo sa kanilang mga sakong. Walang takip sa ulo, nakasabit ang putong sa kaliwang balikat at nakatalungko, ganito sila nakikipag-usap sa kanilang mga pinuno.

Ang pagbati nila kapag nagkakaharap ay ganito: Kipkip ang mga kamay sa tagiliran, yumuyuko sila tapos, itataas ang isa o 2 kamay sa kanilang mukha at idadampi sa pisngi. Saka sila uupo at naghihintay na tanungin o kausapin, sapagkat kabastusan sa kanila ang magsalita nang hindi kinakausap.

Ang pusod ng kanilang paggalang ay nasa kanilang pagsasalita. Hindi sila tumuturing nang

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

tuwiran, gaya ng ikaw o ka kung isahan, o ng kayo kung marami ang kausap. Lagi silang gumagamit ng pang-3 panao, halimbawa: ‘Nais po ba ng padre...’ kapag kausap ang frayle.

MAINGAT sila sa ugnayan ng lalaki sa babae at babae sa babae, kahit na kapwa sila magkapantay ng katayuan, kahit na kapwa sila timawa. Gamit nila lagi tuwing mahalagang kataga ang ‘senyor’ o ‘senyora,’ gaya ng ‘Senyor, nuong paakyat ako sa ilog, senyor, aking nakita...’

Ang mga paggalang na ginagamit ay mapang-amo, nakakagiliw pa. Lubusan at labis-labis ang kanilang papuri at paggalang, maging sa mga liham. Ang pagturing nila sa isa’t isa ay matikas at magiliw.

Dahil dito, gamay na gamay nila ang tumugtog. Kahit na hindi malalim ang tunog ng ginagamit nilang guitara na tinawag nilang cutyapi (kudyapi) nakakaaliw naman marinig. At maganang magana ang tugtog nila, at napakahusay, parang awit ng tao ang tumutunog mula sa 4 cuerdas ng kudyapi.

Sinasabi rin ng mga nakakaalam na sa paggamit nitong kudyapi, nakakapag-usap sila nang hindi nagsasalita at nagkakaunawaan sa tugtog lamang - isang bagay na wala sa ibang bayan.

kudyapi

Mas provinciano ang mga Bisaya at hindi gaanong magalang ang kanilang mga gawi. Ang salita nila ay may gaspang at hindi makinis. Kaunti lamang ang taguri nila ng paggalang. Dati-rati, wala ring silang sulat-sulat hanggang ilang taon lamang sa nakaraan nang hiniram nila ang panitik ng mga Tagalos (Tagalog).

Nabanggit na rin lamang ang kanilang mga wika, maigi pang ilahad na rin natin ang kanilang mga panitik.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata