“ISANG balitang nakasusuka,” ang wika ni Bonifacio sa pang-2 sulat niya kay Emilio Jacinto, “ay ang kataksilan ng mga namiminuno sa Magdalo.” Sila’y napasakop sa kapatawaran (indulto) o kumampí sa mga Castila. Ang tinurang mga puno ay sina: Daniel Tirona, Ministro de la Guerra; José del Rosario, Ministro del Interior; José Cailles, Teniente general, at ang iba pang mga tagá-Tansá at pati ng “cura” roon, na mga alipuris ni “Kapitang Emilio.” Makalipas araw, naapula rin ang tutulan, at ang isa’t isa sa mga nahalal, sampu ng mga pinunong sakop ng Pamahalaang yaon, ay para-parang nagsi-sumpa ng kani-kanilang tungkol. Sa sama ng luob,si Bonifacio at ng 2 niyang kapatid, sina Procopio at Ciriaco, ay nilisan ang Kabite at pumatungo sa mga bundok ng San Mateo. Sila ay hinabol ng mga kawal ni Aguinaldo. |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Ang Pagpatay Kay Bonifacio |
|
Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si Andrés Bonifacio ay nagkaroon ng 3 sugat at siya ay binihag ng mga humabol sa kanila, pati ng isa pa niyang kapatid. Tatló naman ang nasugatan sa nagsihabol. Dinala sila sa Naik at pagkatapos sa Maragundong.
Sa Bundok Buntis sila inihantong. Isang “Hukuman ng Digma” ang itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa ay nagtatayo ng isang lakas na isasalungat sa Paghihimagsik at nagsi-iwas sa Pamahalaan ng Paghihimagsik. Ang tinurang hukuman ay pina-nguluhan ng binitay na si general (Mariano) Noriel. Ang iba pang nagsi-buó ay siná Clemente J. Zulueta; Pedro |
![]() Ang naging hatol ng hukuman ay ipadala silang magkapatid sa puok ng Luok, Batangan (Batangas ang tawag ngayon), upáng duon sila mamalagi. Datapwâ, dahil umanó sa matinding pagsalakay ng hukbó ng mga Castila at sa mahigpit na kahilingan ng marami na hindi ka-ayon ni Bonifacio, ang magkapatid ay binaril sa Bundok Buntis nuong ika-10 ng Mayo 1897, isáng araw bago napasok ng hukbong Castilà ang Maragundong. |
|
MALAKING pagdaramdam ang naghari sa lahat nang nabalitaan ang naging wakás ng buhay ng Amá ng Katípunan. May mga ibá pang balita ukol sa nangyaring iyan kay Bonifacio. Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang mga pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganitó: |
|
|
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |