SAMAKATUWID, ang paghimagsik ng Katipunan nuong Agosto 1896 ang siyang pinanggalingan ng Hukbo ng Pilipino na ginamit sa pagtatag ng Republica Filipina. At salamat sa paghimagsik na yaon, taas ang nuo ng bayan natin sa paghingi ng kalayaan at kasarinlan. Ano pa’t ang isang bayang natutong maghimagsik para sa kanyang kasarinlan ay karapat-dapat na mabuhay nang malaya. Lahat ay kumikilala sa kadakilàan ng ginawa ni Bonifacio at ng Katipunan ukol sa Bayan. Nuong mga unang araw ay hindi, lalung-lalo na ang mga pusakal niyang kalabang mga frayle. Sa pahayagan ng mga ito, ang pamagat ay Libertas, |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Wakas ng Himagsikan |
![]() ginawa nang pangilin ang araw na ito taon-taon. Sa gayon ay napagtibay na ng mga tunay na Kinatawang-bayang nagsisibuo ng Senado at ng Cámara de Representantes ang mahalagang utang ng Sangbayanang Pilipinas kay bilang ala-ala at pagbubunyi ng bayan kay Bonifacio at sa “Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na pinagmulan ng tagumpay ng minimithing Kasarinlan ng lahat. |
sinabing kung ipagtatayo raw ng monumento si Andrés Bonifacio, ang maipa-pangalan ay “monumento al crimen.”
At ang mga heswita (Jesuits) naman ay ipinalalagay na ang amá ng Katipunan ay isang “criminal” sa kasaysayan ng Pilipinas, na itinuturo nila sa mga bata sa Ateneo de Manila. Ito ay tinutulan ng mga pahayagang Pilipino at ng ilang mga litaw na kababayan. |
||
Nagsimula ang Pagsikat ni Bonifacio |
||
Maraming ginawàng parangal ang bayan kay Bonifacio at sa Katipunan. Mula nuong taon ng 1901, sa isang puok nitong Maynila, sa daang Alvarado, nagdaos taón-taón ng parangal na alaala sa amá ng Katipunan. Unti-unti ay lumalaki ang ginagawang yaon at lumalaganap sa ibang mga puok ng Tundo. Nuong ika-3 ng Septiembre 1911, sa balak ng mga pahayagang tunay na makabayan, ang “El Renacimiento” at ang “Muling Pagsilang,” at sa pag-ambag-ambagan ng mga taong bayan, itinayo ang bantayog sa Balintawak bilang ala-ala sa mga bayani ng paghihimagsik nuong 1896. Ang Legislatura Filipina naman, sa balak ng |
Kapulungang Bayan, ay naglaan na ng salaping igugugol sa isang bantayog sa nayon ng Kalookan na kahahangganan ng daang “Avenida Rizal,” bilang ala-ala at pagbubunyi ng bayan kay Andrés Bonifacio.
At nuong ika-30 ng Noviembre 1920, si Senador Lope K. Santos ay nagharap sa Senado ng isang mungkahing kautusan na itakdang araw na pangilin ang ika-30 ng Noviembre bilang alaala sa araw na kapanganakan ni Bonifacio. Pinagtibay naman ng Legislatura Filipina at ang bilang ng batas ay 2946. Kayâ, mula noong ika-30 ng Noviembre 1921, |
|
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |