ANG mga parusang iginawad sa mga hinuli ay mahaba at may kahirapang isa-isahin ngunit ang karaniwan ay huwag pakainin ng magha-maghapon, paluin sa talampakan, palakarin sa munggo, ibitin ng patiwarik at biglang ibagsak, paluin ng palasan (makapal na yantok) nang patihaya, duruin ng aspile ang kukó, inisin sa mga bartolina na magha-maghapong nakatayo, ilubog sa balon at maka-sandali ay hanguin, at iba’t iba pa. Sa katapus-tapusan, ay barilin. Marami at hindi maaaring isiwalat kung sinu-sino ang mga pinagbabaril. Sa mga kasapi sa Katipunan ay hindi na kailangan sabihin pa nguni’t ang mga unang ipinabaril ng pamahalaang Castila |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Pahirap Sa Katipuneros, Ang Mga Binitay |
|
sa Luneta noong ika-4 ng Septiembre 1896, sa ika-5:30 ng hapon, ay siná Sancho Valenzuela, Eugenio Silvestre, Modesto Sarmiento at Ramon Peralta. Ang mga Masón na binaril sa Maynila ay sina Jose Rizal, Domingo Franco, Numeriano Adriano, Moises Salvador, Luis E. Villareal, Faustino Villaruel, Ramon Padilla, Jose Dizon at Antonio Zalazar.
Sa mga lalawigan naman, ang mga Masón na binaril o pinatay (marami ang namatay sa hirap ng |
mga parusa) ay sina Rosalio Silos, sa Mindanao; Lauro Dimayuga, sa Batangan; Domingo Cecilio, Ciriaco Sarile, Teodorico Lagonera, Pantaleon Belmonte, Quintin Tinio, Mamerto Natividad at Marcos Ventus sa Nueva Ecija; Francisco Tańedo at Procopio Hilario sa Tarlak; Leon Hernandez sa Kamarines; at ang ilan sa mga binaril sa Kabite ay sina Victoriano Luciano, Maximo Inocencio, Feliciano Cabuco, Eugenio Cabezas, Hugo Perez, Maximo Gregorio, Jose Lallana, Severino Lapidario at Alfonso Ocampo. | |
NAGTAGAL ang panahon ng paghimagsik mula nuong ika-29 ng Agosto 1896 hanggang nuong pumasok sa Maynila ang hukbo ng mga Amerkano nuong ika-13 ng Agosto 1898, bagaman nang lagdaan ang Pacto de Biak-na-Bato nuong ika-4 ng Agosto 1897, nahinto ang labanan na inulit uli nuong Mayo ng taong sumunod, 1898, nang nagbalik si (Emilio) Aguinaldo buhat sa Hongkong. Dapat ding sabihin na narito na ang mga Amerkano sa Maynila, nakikipaglaban pa ang |
kawal ng himagsikan sa ilang kabayanan na hindi pa nahuhulog sa kamay ng mga Pilipino. Sa katunayan, ang ilan ay nagsi-suko nang naririto na sa Maynila ang hukbó ng Amerkano. Nuong unang araw ng Mayo 1898, dumating sa Pilipinas ang mga Amerkano. Nagbubukang liwayway ng nagsipasok sa luok ng Maynila ang mga sasakyang-dagat na pangdima ng Estados Unidos at kapag karaka’y nilusob ang mga |
Ang Mga Amerkano sasakyang dagat na pandigma ng mga Castilŕ, na napipilan at napalubog matapos ng ilang sandali lamang. Sa luok ng Maynila namalagi ang mga sasakyang dagat na nagwagi hanggang ika-13 ng Agosto 1898 nang nilusob ng hukbong Amerkano ang Maynila. Sa kanilá isinuko ang lungsod na ito ng mga may kapangyarihang Castila nuong araw ding yaon. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |