Tinangkang ‘itanan’ si Rizal NANG si Rizal ay dumating sa Maynila noong ika-5 ng Agosto 1896 galing sa Dapitan na pinagtapunan sa kanya, tinangka nina Bonifacio, Emilio Jacinto at ibang kasamahan na siya ay itanan. Si Jacinto ay nagsuot marinero at nagsadya sa lancha Caridad na nilulan ni Rizal palunsad sa bapor España. Kunwa ay naglinis, sa isang pagkakataon ay ibinulong (ni Jacinto) sa ating bayani, “Kung kayo po’y ibibilanggo ay ililigtás namin kayo. Kami’y nahahanda.” Palibhasa’y umasa si Rizal sa kalinisan ng kanyang budhi sa matapat na pakisama niya sa pamahalaan nuon, sumagot niya, “Salamat. Huwag ninyong gawin iyan sa akin. Bayaan ninyo’t nalalaman ko ang aking gagawin.” Hangad ni Bonifacio na maging pangulong pandangal si Rizal at siya ay gawing sanggunian (consultant) bagaman at hindi nila ka-ayon. Dahil |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Binuo ang Pamahalaang Pambansa |
|
sa pagtanggi nito, ang nais na yaon nina Bonifacio ay hindi nangyari at sa gayo’y napilitan silang magkasya na sa sari-sarili nilang pamamatnugot sa Katipunan.z Ang pamahalaan ng Katipunan ay hindi na sa samahang ito lamang kundi binigyan na ng uring pambansa. Ganitó:
Presidente, Andrés Bonifacio; Ministro de Estado (pamahala sa bayan), Emilio Jacinto; Ministro de Guerra (pamahala sa digmaan), Teodoro Plata; Ministro de Gobernacion (pamahala sa patnugutang bayan), Aguedo del Rosario; Ministro de Gracia y Justicia (pamahala sa katarungan), Briccio Pantas; Ministro de Hacienda (pamahala sa yaman-bayan), Enrique Pacheco; Secretario General (punong kalihim), Daniel Tria Tirona; at Tesorero General (punong |
ingat-yaman), Silverio Baltazar (capitan sa kabayanan ng Kalookan).
Ang pamahalaang iyan ang namatnugot ng paghimagsik datapwa iilan lamang ang mga tinunton, yaong lubhang kinailangan sa mga unang pagkilos. Pinasiya nila na ang pahiwatig ng pagsalakay sa Maynila ay hihip ng mga tambuli mula sa mga bundok na kinaruruonan ng mga kawal. Ang hudyat upang magkakilala ang “magkakapatid” ay ang salitang “Balangay” na dapat sagutin ng “Marikit.” Nuong ika-27 ng Agosto 1896, lumipat si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa purok ng Balakbak, nayon ng Hagdangbató. Sa isang kamalig, kanyang sinulat at pinadala sa mga kina-ukulan ang sumusunod na pahayag: |
|
|
||
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |