ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Mga ‘Mason’ Kumampi na sa Katipunan

Pagbitay

kasapi ng “Masoneria.” Dahil dito, marami sa mga Masón na nuong una ay hindi sang-ayon sa paghimagsik, ang tumulong na tuloy sa pagpalaganap ng Katipunan.

Sa harap ng mga nangyayaring yaon, inihanda na ng Katipunan ang paghihimagsik. Si Bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ay madalas lumabas sa mga bundok na nakapaligid sa Maynila at pinag-aralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay, at ang mga magagawang kuta ng kawal ng Katipunan sa paghamok.

NUONG 1893 at mga unang buwan ng 1894, natigil ang pag-usig sa mga Masón. Palibhasa, naipatapon na sa Dapitan si Rizal na, sa ganang mga Castila at frayle, siyang pinaka-puno ng kilusan ng mga Masón. At naparusahan na ang mga inaakalang may kinalaman, nang usigin ang mga kagaya nina Doroteo Cortes, Jose Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang mga taganas na Masón.

Kaya ang mga kalaban ng kalayaan ng bayan ay natahimik. Dahil naman dito, muling nagsikilos ang mga Masón at binuhay uli ang kanilang pagpu-pulong tungo sa ikagagaling ng sariling bayan.

Hindi nagtagal ang katahimikan. Nuong 1895, muli na naman silang inusig. Ang kilusan ng paghimagsik na nuon ay pinalaganap na ng Katipunan sa mga taong bayan, lalong lalo na sa mga lalawigang Tagalog, ay sa mga Masón na naman ibinintang. Sila na naman ang hinuli, pinahirapan at ibinilanggo. Ang mga convento ay nagsikilos, ang mga pinunong Castila ay para-parang nagsumikap sa pagbintang sa mga logia na walang nilalayon kundi ang paghiwalay ng Pilipinas sa España.

Ang bunga ng lahat ng ito ay ang pagsiyasat sa bahay-bahay ng mga Masón, ang pagbilanggo, pagpatapon sa malalayong bayan sa mga magiting na

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata