HINDI lahat ng Pilipino ay tumanggap sa mga tuntunin, aral at gawain ng Katipunan na, gaya ng sinabi na, itinatag nuong ika-7 ng Julio 1892. Sa buong taon na sumunod, 1893, hindi ito lumaganap, sa maraming dahilan. Ang kauna-unahan ay ang kabaguhan ng layunin at paraan ng samahan. May kahirapang ilaganap sa balana, kundi pipiliin muna bago hikayatin. Tangi rito, si Bonifacio na rin ang kusang nagpauntol-untol sa pamanhik ng mga kababayang nagsibuo nuón ng Liga Filipina, na lahat halos ay mga Pilipinong litaw (principales), may kaya at may pinag-aralan. Nagsisi-asa sila na sa pamamagitan ng Liga, makukuha ng bayang Pilipino “sa loob ng kapayapaan” ang pagsugpo sa masasama at hidwang pamamalakad dito sa atin ng pamahalaang Castila at ng mga frayle. Ganitó ang pang-unang layon ng Liga Filipina |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Naghirap Mabuhay Ang Katipunan |
|
nuong itinatag nina Rizal at mga kapatid niyang masón. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi.
Ang Katipunan ay humuwad sa “Masoneria” ng paraan sa pagtanggap ng kasapi, at gayundin sa ilang kuro ng adhikain. Subali’t ang kapatiran ng mga Masón ay kasalungat ni Bonifacio ukol sa paraan na kailangang gamitin upang mag-hari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan, at masugpo ang kalupitan at kasamaang inasal sa Pilipino ng mga frayle at ng pamahalaang Castila. Kapwa nagka-isá sa hangad na pagtubós sa Bayang Pilipino datapwa, ang “Masoneria” ay ibig makuha ang katubusan sa luob ng |
kapayapaan, sa pagpa-palaganap ng magagandá at makataong simulain; samantalang ang nais at hangad ng Katipunan ay ang paghimagsik, yayamang nakita na rin lamang na ang mga nagha-hari nuon dito sa atin - ang pamahalaang Castila at mga frayle - ay hindi nakuha sa samo, pakiusap at pangatwiran.
Bagkús ang itinugón sa ginawa ng mga Masón, - siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Regidor, Cortez at ibá’t ibá pa, - ay ipalagay silang “kaaway ng Espańa at ng Dios.” At marami sa kanilá at sa mga kabig nila ang ipinabilanggo, ipinatapon sa malalayong bayan at pinagdusa sa mga bilangguan, kahit walang nagawang kasalanan. |
|
Sa makatuwid, ang mga Masón at ang mga mayamang Pilipino ay hindi kaayon ng Katipunan, kundi bagkús kasalungat pa. Nang lumalaganap na ang Katipunan, ang mga Masón at ang kanilang mga logia (lodges) ay para-parang nagsikilos upang sugpuin ang paglago ng Katipunan at ang mabalasik na pagpalaganap ni Andrés Bonifacio, hindi sa dahilang sila ay kampi sa pamahalaang Castila at sa mga frayle, kundi sapagka’t kailanman ang mga Masón ay “ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos ng dugo ang mga kaapihang tinatamó.” Ang Katipunan naman, ang ibig ay “ngipin sa |
ngipin” at ayaw gantihin ng tinapay ang bató, kundi bató rin. Kaya naman isá sa mga aral ng Katipunan ay hawig sa “ang hindi mo ibig na gawin sa iyo ay huwág mong gawin sa iyong kapwa.”
Kailangang sabihin na sa luob ng “Masoneria,” ayon sa kanilang palatuntunan, hindi tinatanggap ang mga manggagawang hamak, na ang kabuhayan ay “isang kahig, isáng tuka” sapagka’t upang maging Masón, isa sa mga pangunahing kailangan ay ikaw ay may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa at mga anak, at may kaunting halagang nalalabis na isasagot sa mga pangangailangan ng kapatiran at |
mai-ambag sa sinumang “kapatid” na nasa kagipitan.
Dahil dito, sukat nang mataho (alam) na ang mga Masón ay mga may kaya at ang Katipunan ay mga tao na hindi natatanggap sa “Masoneria,” mga anak-pawis, mga dukha at maralita. Sapagka’t nuon, mayayaman at mahihirap na Pilipino ay para-parang inaapi at pinahihirapan ng pamahalaang Castila at ng mga frayle, kaya lahat ay nagtaglay ng isang layunin: Maputol lahat ng kaapihan. Nagkaka-ibá nga lamang sila sa paraang ginamit sa ikapagta-tagumpay ng kanilang layon. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |