ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Ang Kasulatan Sa Pagsapi

 
Kung lahát ng itó ay matarok na ng nag-iibig pumasok at inaakala niyáng matutupád ang mga tútungkulin, maitatala ang kanyang ninanasâ sa kasunód nito:

Sa Balangay... Ako ay si ___________________________, taong tubň sa bayan ng __________, hukuman ng ____________; ang katandaan
ko ay ___ taon, ang hanap-buhay _________; ang kalagayan ________ at nananahanan sa ____ daan ng ___________.

Sa aking pagkakabatid ng kagalingan ng mga nilalayon at mga aral, na inilalathala ng Katipunan ng mga A.N.B., ninanais ng luob ko ang maki-anib dito. Sa bagay na ito ay aking ipinamamanhik nang buong pitagan, na marapating tanggapin at mabilang na isa sa mga anak ng Katipunan: at tuloy nangangakong tutupad at pai-ilalim sa mga aral at mga Kautusang sinusunod dito.

ika ___ ng buwan ng _______ ng taong 189__.

Nakabayad na ng ukol sa pagpasok.

____________________
Ang Taga-ingat ng Yaman.

Ang Kasulatan Sa Panunumpa

K’ K’ K’ N’ M’ A’ N’ B’

Balangay.... Aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasok ko sa K’ K’ K’ ng mga A’ N’ B’ ay naghandog akó ng isáng mahalagang panunumpa
sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa harap ng isang kagalang-galang na kapulungan nitong Katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat ng minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol ng kanyang banal na kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdulang ikalagot ng hininga.
Sa bagay na itó, isinusumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kanyang Patnugutan at mga Kautusan.

Sa katunayan nitó, aking itinala ang aking pangalan ng tunay na dugong tumatakás sa aking mga ugat sa pahayag na itó.

ika ___ araw ng buwan ng ________ ng taong 189__.

Tinaglay ko ang pamagat na _________________.
 

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata