Ang Unang ‘Katipuneros’ Ang nagpalaganap sa Katipunan ay si Andrés Bonifacio at ang kanyang mga tapat at masisikhay na kasama, na para-parang dukha tulad niya. Ang pinaka-batikan sa lahat ay si Emilio Jacinto, na kalihim ng Katipunan. Ang unang tinanggap ay si Restituto Javier sa isang bahay sa daang Salinas (ngayon ay Elcano) sa Tondo, tahanan ni Valentin Diaz, isá sa mga nagtatag ng Katipunan. Sumunod si Miguel Araulio, pamangkin ng ngayon ay Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman (presiding justice of the Supreme Court). Pagkatapos ay siná Aguedo del Rosario, Aurelio Tolentino, Guillermo Masangkay, Alejandro Santiago, Briccio Brigido Pantas, José Turiano Santiago, Calixto Santiago, Emilio Jacinto, Nicomedes Carreon, Francisco Carreon, Mariano Carreon at iba pa. Nuong unang itatag ang Katipunan, hindi muna ipinagpatuloy ng mga nanga-ngatawan ang pagpa-palaganap. Nuong mga sumunod na buwan pagkatatag, hindi ito nagpamalas ng pagsulong sapagka’t nais ni Bonifacio na huwág makapinsala sa pagpapalaganap ng “Liga Filipina” na itinatag in Rizal at mga litaw na |
ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO Ang 3 Baytang ng Katipunan |
|
kababayan (principales, prominent citizens), karamihan ay “Mason.” Bago pa sumilang ang Liga at Katipunan, may itinatag pang ibang kapisanan sina Bonifacio.
Nang nakilala ni Bonifacio na nawalan ng kabuluhan ang pagsisikap-bagay sa “Liga,” pina-ngatawanan na ang pagtatatag. Naghalal na rin nuong araw na iyon, ika-7 ng Julio 1892, ng mga kinatawan (diputados, representatives), sa isáng bahay sa daang Oroquieta, nayon ng Santa Cruz, Manila. At nuong sumunod na taon ng 1894, napatatag na ang mga Balangay at Sangguniang Hukuman. Itinatag din ang 3 Baytang ng Katipunan:
|
gulok ang taglay ng mga nagsidaló sa pulong ng baytang na itó.
Ang mga hudyát o mahal na salita ay “Gom-Bur-Za,” katuturan ay Gomez, Burgos at Zamora, 3 Pilipinong pari na ipinabitay ng pamahalaang Castila nuong ika-28 ng Febrero 1872 kahit hindi tunay ang paratang sa kanila. |
|
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |