Tabon cave   NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Hanggáng Sa Mga Yungíb Ng Tabon
Ang Simulâ Ng Panahón Ng Pilipino

Bandáng 1 milyón taón sa nakaraán, nagsimuláng lumikas ang mga unang tao galing sa Africa. Pagkaraán ng libu-libong taón, nakarating silá sa kadulu-duluhan ng timog silangang Asia. Natawid nilá ang dagat hanggáng Java, Bali at ibá pang puló sa gilid ng malawak na dagat (Pacific Ocean)... Ayon kay Wilhelm Solheim ng University of Hawaii, ang mga taga-Borneo, Sulawesi at timog Pilipinas ang nagíng mga Nusantao - ang mga magdaragát...  
--Keith Rankin, Out of Eden: a Multi-Millennial Story, Rankin File, Enero 13, 2001

MAAARING tutuó na ang Panahón ng Pilipino, ang pagdating ng unang tao sa Pilipinas, ay nagsimulâ nuóng kalahating milyón taón sa nakaraán, kasabáy ng mga nakakatindíg na tao (homo erectus) sa mga kapitbayan, ang Taong Java (Java Man) sa Indonesia at ang Taong Peking (Peking Man) sa China. Batay ang sapantaha (theory) ni H. Otley Beyer, kilalang nag-aghám sa simulá ng tao (archaeologist), sa mga nahukay niyá sa Novaliches, Rizal, nuóng 1926 - mga kagamitáng bató, malinaw na gawâ ng

Tabon book tao (man-made stone tools), akalang kaugnáy ng 3 ipin (teeth) ng stegodon, muntíng elepante sa Pilipinas na naglahň (extinct) bandáng 400,000 taón sa nakaraán. Ngunit sa pagsurě ng mga nag-aghám (scientists) mulá nuóng 1926, waláng napatunayang ugnayan. Umasa ulî nang tinuklás ni Inocentes Paniza sa libís ng Cagayán (Cagayan Valley) nuóng 1967 ang mga kagamitáng bató at mga nagbatóng butó ( fossils) ng stegodon, rhinoceros, dambuhalang pagóng (giant turtles) at ibá pang hayop na naglahň na rin. Subalit walá pa ngayóng linaw ang gulang ng mga nahukay sa Cagayán.

Anumán ang mahayag sa mga daratíng na araw, malinaw na 50,000 taón sa nakaraán, tunay na nag-Panahón ng Pilipino sa Palawan na kabít (connected) nuón sa lupaín ng Asia. Mahigít 40,000 taón humugis ang mga Unang Pilipino duón ng mga karaniwang kagamitáng bató (simple stone tools). Hindí matiyák kung nagmulá lahát sa Palawan subalít bandáng 10,000 taón sa nakaraán, kalát na ang mga taong bató sa daán-daáng pamahayan (settlements) sa ibá’t ibáng bahagě ng Pilipinas - sa Sulu, Zamboanga, Davao, Negros, Samar, Batangas, Laguna, Rizal, Bulacan, Cagayán, at patí sa luók ng Palanan (Palanan Bay) sa silangang gilid ng bundukin (mountain range) ng Sierra Madre. Sa Novaliches lamang, 29 pamahayan ang natuklás ni Beyer, 79 pa sa paligid ng lawŕ ng Laguna (Laguna de Bay) at 120 sa Rizal at Bulacan.

Hindî pinagbuti (improvements) ng mga Unang Pilipino ang paggawâ sa bató hanggáng 7,000 taón sa nakaraán nang, paniwalŕ ngayón ng mga nag-aghám (scientists), nagsimulâ ang pakipag-ugnayan ng mga tagapulóng timog (Austronesians), balík-balikang naglakbayan sa Kalimantan (tawag sa Borneo ngayón), Sulawesi (ang dating Celebes) at ibá pang kapuluán ng Malaysia at Indonesia. Sa sumunód na 2,000 taón, ipinasok ng sari-saring pangkát ang kani-kaniláng gawî (traditions) at ibá’t ibáng wikŕ (languages) - inihalň o ipinalít sa mga wikŕ at gawî ng mga Unang Pilipino. Bitbít din nilá ang mga mas mabuting sa paggawâ ng kagamitáng bató, at ang nga-nga (betelnut chewing) hanggáng 5,000 taón sa nakaraán, halos lahát ng Pilipino ay nag-nga-nga na rin, patí mga batŕ.

Nabihasa ang mga Unang Pilipino sa pagputol (sawing), paghugis (shaping), pagbutas (drilling) at pagkinis ( polish) ng kahit pinaka-matigás na bató, tulad ng batóng ihada ( jade). Nasanay din, 3,000 taón sa nakaraán, na gumawâ at magsuót ng alahas na bató, kabibi (seashell ) at bahay ng pagóng (turtle shell) - at tisŕ (clay). Natanyág ang mga Pilipino sa pagpapaso, (pottery) ng ibá’t ibáng lakí at hugis ng palayók (pots and pans), tapayan (jugs) at bangŕ (jars). Pinagandá ang ibá at ginamit na kabaong ng patáy, o sisidlán ng mga butó pagka-agnás ng bangkáy. Tangě sa Pilipinas at Indonesia, nakaabot ang gawî ng paglibíng sa bangŕ ( jar burials) sa Vietnam at sa timog ng China.

Bontoc girl At 2,300 taón sa nakaraán, nagsimuláng nagpandáy (smithing) ang mga Unang Pilipino ng gintô (gold), tansô (bronze and copper) at bakal (iron). Maliban sa gintô, karamihan ay nanggaling sa mga kapitbayan sa paglawak ng kalakal nuóng panahón ng porcelana at sandata. Itó ang lagáy ng kapuluan nuóng natapos ang Unang Panahón (prehistory) at nagsimulâ ang Kasaysayan (history) sa Pilipinas. O, natapos bang talagá?

Libu-libong Taong Bato ang namumuhay pa ngayón ayon sa mga gawi at gamit ng Unang Panahón. May mga bahagě ng Pilipinas na hindî narating ng kabihasnan o naisali sa kasaysayan. Panahón pa ng Espańol, tulóy nuóng panahón ng Amerkano, siniyasat na ang kalikasan at Unang Panahón sa Pilipinas ng mga nag-aghám (scientists) at manalaysáy (historians) mulâ sa America, kabilang sina Dean C. Worcester, Carl Guthe, Henry Otley Beyer, Robert Bradford Fox, Wilhelm Solheim II at William Henry Scott. Pagkaraán ng panahón, tinulungan silá nina F. Landa Jocano, Eusebio Dizon at ibá pang Pilipinong nag-aghám.

Sa sikap nilá, tanghál na pinaka-nausisang bayan ang Pilipinas sa buóng silangang timog (Southeast) Asia. Pinagbatayan ang mga pahayag nilá ng mga nag-aghám sa pagsiyasat sa ibá pang panig ng Asia at dagat Pacific kahit salu-salungát ang mga sapantaha nilá. Itinuturň pa sa mga paaralan ngayón ang mga malî nilá. Pinagtatalunan pa rin kung paano, saán at kailán naganáp ang ibá’t ibáng bahagě ng Unang Panahón sa Pilipinas, kung alín ang talagáng dapat isali sa kasaysayan.

Nakalathalŕ lahát itó sa mga sumusunód na kabanata. Pitikín (click) ang alinmáng nais basahin.

ANG MGA KABANATA

1.  Sa Mga Yungíb Ng Tabon
Simulá ng panahón ng Pilipino 24,000 taón,
o maaari kayang 500,000 taón, sa nakaraán

2.  Tao ng Tabon, Taong Bató
24,000-taón bungo sa Palawan at 40,000-taón
bungo sa Borneo bago nag-Panahón ng Maláy

3.  ‘Hindî Negrito’ na Hindî rin ‘Intsík’
Pagsurě sa mga Unang Pilipino, hindî naibá
sa mga taga-silangang timog Asia ngayón

4.  Tasaday: Bagong ‘Taong Bató’
Wala dayŕ: Pag-aninaw sa Mindanao kamakailán
ng buhay at pagkain nuóng Unang Panahón

5.  Mga Gamit Na Bató Ng Pilipino
Mga natuklas na pinamahayan ng
mga Unang Pilipino sa buóng kapuluán

6.  Ang Mga Taga-Cagayán Nuón
Naglahň ang mga hayop. Nakaabot sa
Nueva Ecija ang mga Taong Bató

7.  Palayók, Pasô at Bangŕ
Nagíng industria ang pagpa-pasô,
simulâ ng pagta-taním, pagba-bahay

8.  Lakbáy Pa-‘Kabiláng Buhay’
Kaibáng paglibíng sa bangŕ, kaugnáy sa
paglalayag; inilarawan ang mga patay

9.  Mga ‘Mummy’ ng Pilipino
Pinatagal ang bangkay, 2 ulit na pagburol, paghiwa-hiwaláy sa mga kalansáy

10.  Panahón ng Pag-alay sa Patáy
Inilibíng kasiping ang mga ari-arian,
mga ‘status symbol’ at 2 urě ng ‘maharlika’

11.  Hikaw Lingling-o, Fabrica ng Alahas
Export sa Vietnam, mas minahalagá ang
imported, pagawaan ng jade sa Batanes

12. ‘Panahón’ Ng Gintô, Tansô At Bakal
Waláng Bronze Age, ang kaibáng ‘Metal
Age
’ at ang panahón ng sandata

13. Panahón Ng Porcelana, Kalakal
Matagál at maganang pakipag-ugnayan
sa China atbp., mabuhay ang palayok!

14.  Magka-kaibáng Calendario
Ng Unang Panahón

Malî ang mga unang sapantaha at
timeline ng  prehistory sa Pilipinas

15.  Maka-bagong Tanáw Sa Nakaraán
Umunlád nang sarili ang mga Unang
Pilipino
, o baká namán hindî raw

16.  Ang Nagmulâ Sa Bató
Sapín-sapín ang mga panahón ng Unang
Pilipino
at hindî sabáy-sabáy sa bawat puók

17.  Patuloy ang Pagtanáw sa
Pinagmuláng Panahón

Nag-iibá ang pag-unawŕ sa nakaraán
tuwíng makatuklás ng bagong katibayan

Ang mga pinagkunan
Sources, bibliography

Balík sa itaas             Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Evolution: Kalansáy ni Eva at Adan             Panahón ng Bato sa mga ibáng Bayan             Sunod na kabanata