Jose Rizal   JOSE P. RIZAL:   Filipino columnist sa ‘La Solidaridad

Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon
‘Filipinas Dentro de Cien Años’   ( ‘The Philippines 100 Years Hence’ )

PANG-ARAL  Panlipunan-Pampolitika” (estudio politico-social, socio-political study) ang turing ni Jose Rizal sa 4 sanaysay (redacciones, columns) niya sa La Solidaridad, pahayagang nilathala tuwing 2 linggo nuong kataasan ng ‘Panahon ng Kalampag’ o ‘Panawagan’ (Propaganda Movement ) ng mga Pilipino sa España. Dito at sa mga sumusunod na pilas ( paginas, pages) ang mga sinulat niya sa Español, katabi ng salin sa Tagalog, upang ipakita kung tama ang mga panukala ni Rizal tungkol sa panahon ngayon - ang takdang 100 taon pagkaraan ng pagsulat niya.

            3.       kung hindi sila maghihimagsik...

3.       ó salen revoltosos...

Sa Madrid, España, nuong ika-15 ng Disyembre 1889.

Ang Pilipinas, kung magpapatuloy na sakop ng España, ay mapipilitang baguhin ang sarili, ayon sa atas ng sariling kasaysayan at ng pangangailangan ng kanyang mga mamamayan. Naipaliwang natin tio sa nakaraang sanaysay.

Itong pagbabago, naisulat na rin natin, ay magiging marahas at makakamatay kung manggagaling sa pakana ng mga taong bayan; mapayapa at mapagbuya, kung mula sa mga nakatataas sa lipunan.

Nahulaan na itong katotohanan ng ilang governador, at tinanggap bilang pagka-makabayan, tinangka nilang itanim ang mga pagbubuti na kailangan upang maiwasan itong pangyayari. Subalit kahit anuman ang inutos nila, hanggang ngayon, kaunti lamang ang naging pagbubuti, para sa mga tao pati na para sa Pamahalaan, nakasama pa nga ang ibang tinangka na ipinangakong magtatagumpay. At ito nga na ang itinatatag sa bayan ay hindi nagtatagal.

Nasabi na natin, at sasabihin na naman, at uulit-ulitin natin lagi na: lahat ng pagbubuti na pabalat-bunga lamang ay hindi lamang walang silbi, kundi nakakasama pa, kapag ang Pamahalaan ay nakaharap sa mga masama na kailangang lunasan ng sukdulang gamot. Kung hindi nga lamang may tiwala

Madrid, 15 Diciembre 1889.

Las Filipinas, si han de continuar bajo el dominio de España, tienen por fuerza que tranformarse en sentido político, por exigirlo así la marcha de su historia y las necesidades de sus habitantes. Esto lo demostramos en el artículo anterior.

Esta transformación, dijimos también, ha de ser violenta y fatal, si parte de las esferas del pueblo; pacífica y fecunda en resultados, si de las clases superiores.

Algunos gobernantes han adivinado esta verdad, y llevados de su patriotismo, tratan de plantear reformas que necesitamos para prevenir los acontecimientos. Hasta el presente, no obstante cuantas se han dictado, han producido escasos resultados, tanto para el Gobierno como para el país, llegando á dañar en algunas ocasiones hasta aquellas que sólo prometían un éxito feliz. Y es que se edifica sobre terreno sin consistencia.

Dijimos, y lo repetiremos una vez más, y lo repetiremos siempre: todas las reformas que tienen un carácter paliativo son, no solamente inútiles, sino hasta perjudiciales, cuando el Gobierno se encuentra enfrente de males que hay que remediar radicalmente. Y si nosotros no estuviéramos convencidos de la honradez y rectitud de ciertos gobernantes, estaríamos tentados de decir que todas esas reformas parciales eran sólo emplastos y pomadas de un médico que, no sabiendo curar un cáncer, ó no atreviéndose á hacer la extirpación, quiere de esa manera distraer los padecimientos del enfermo, ó contemporizar con la pusilanimidad de los timidos é ignorantes.

kami sa katapatan at sugid ng ilang governador na iwasto ang mga mali, matutukso kaming ihayag na lahat ng kuti-kuting pagbabagong tinangka ay pabalat-bunga lamang at panghimas ng isang manggagamot na, hindi alam lunasan ang sakit, at takot tanggalin ang galis, nagnais lamang na libangin ang maysakit, o bumagal at mag-aksaya ng panahon na gawain ng mga duwag at mga walang muwang.

Lahat ng pagbabago ng ating mga mapagbigay na governador nuon, ngayon at sa mga darating na araw ay mabuti... kung tutuparin.

Habang minumuni ang mga ito, naalaala namin ang pagkagutom na dinanas ni Sancho Panza* sa Pulo ng Kabaratan (Isla Barataria). Naupo siya sa harap ng hapag na puno ng mga bungang kahoy at sari-saring niluto, subalit tuwing magtangka sumubo ng pagkain mula sa bawat pinggan, hinarang siya ng tungkod ng manggagamot, si Pedro Rezio, na humahatol: hindi karapat-dapat! Labis na mainit ang ilan, malabnaw ang iba, at iba pa. At inuurong ang bawat naturang niluto. Naiwang mas gutom si Sancho kaysa nuong dati. Tutuo, mukhang walang dahilan ang kalupitan ni Pedro Rezio kung hindi ipinaliwanag ni Cervantes sa liham niya sa mga governador sa kabila ng dagat: “Sa mga pulo na nagkaruon ng mga governador, ang mahalaga ay hindi ang pagkain mo, Ginuong Governador, kundi ang mga ugali at mga kailangan nila...” lubusang tulad sa ating mga Pedro Rezio sa iba’t ibang bayan. Kasumpa-sumpa ang kabutihang idinulot kay Sancho Panza ng galing ng mga tagapagluto sa pulo!

Ukol sa ating bayan, ang mga pagbubuti ay maihahambing sa mga niluto; ang Pilipinas ay ang katauhan ni Sancho Panza, at ang papel ng manggagamot na mabalbal ay ginagampanan ng marami, na hangad ay huwag matikman ang alinmang pagkain, baka makinabang pa sa mga ito.

Todas las reformas de nuestros ministros liberales fueron, eran, son y serán buenas ... si se llevasen á cabo.

Cuando pensamos en ellas, se nos viene á la memoria el régimen dietético de Sancho Panza en la Ínsula Barataria. Sentábase ante una suntuosa y bien servida mesa “llena de frutas y mucha diversidad de platos de diversos manjares;” pero entre la boca del infeliz y cada plato interponía su varilla el médico Pedro Rezio, diciendo: absit!, y retiraban el manjar, dejándole á Sancho más hambriento que nunca. Verdad es que el despótico Pedro Rezio daba razones que no parece sino que Cervantes las escribió para los Gobiernos de Ultramar:—«No se ha de comer, señor Gobernador, sino como es uso y costumbre en las otras ínsulas donde hay gobernadores», etcétera—encontrando inconvenientes en todos los platos, unos por calientes, otros por húmedos, etcétera, enteramente como nuestros Pedros Rezios de allende y aquende los mares. ¡Maldito el bien que le hacía á Sancho el arte de su cocinero!

En el caso de nuestro país, las reformas hacen el papel de los manjares; Filipinas el de Sancho, y el del médico charlatán lo desempeñan muchas personas, interesadas en que no se toque á los platos, para aprovecharse de ellos tal vez.

Resulta que el pacienzudo Sancho, ó Filipinas, echa de menos su libertad, renegando de todos los gobiernos, y acaba por rebelarse contra su pretendido médico.

De igual manera, mientras Filipinas no tenga prensa libre, no tenga voz en las Cámaras para hacer saber al Gobierno y á la Nación si se cumplen ó no debidamente sus decretos, si aprovechan ó no al país, todas las habilidades del ministro de Ultramar tendrán la suerte de los platos de la Ínsula Barataria.

Sa bandang huli, ang matiising Sancho, o ang Pilipinas, ay nainis sa kawalan niya ng laya, itinatwa ang pamahalaan, at naghimagsik laban sa kanyang mapag-kunyaring manggagamot.

Katulad ang lagay, habang ang Pilipinas ay walang laya maglathala sa pahayagan, walang tinig sa Bulwagan ng mga Kinatawan* upang ipaalam sa Pamahalaan at sa buong Bayan* kupag ang kanilang mga utos ay hindi tinutupad o hindi sinusunod lahat, kapag ginagamit ang mga ito upang pagsamantalahin ang bayan o hindi, lahat ng kakayahan ng mga governador sa kabila ng dagat ay magkakapalad tulad ng mga nito sa Pulo ng Kabaratan.

[ * Sancho Panza - alalay ni Don Quixote sa katuya-tuyang novela (satire) ni Miguel de Cervantes.     * Bulwagan o salas ng mga Kinatawan (camara de diputados, chambers of representatives) ng Cortes o Batasan (Congress) ng España.    * Nacion - tulad ng ‘Inang Bayan,’ ang mga Español ang tinatawag ni Rizal na ‘Bayan.’   -- ejl ]

Kaya ang ministro na ibig maging pagbubuti ang kanilang mga pagbubuti ay kailangang itatag ang kalayaan ng pahayag sa Pilipinas, at kailangang magtanghal ng mga Pilipinong kinatawan.

Ang malayang pahayagan sa Pilipinas, dahil bihira umaabot sa España ang mga angal at panawagan, at kung makarating man ay napalabo o napagtakpan na kaya walang pahayagan duon na nagkakalakas-luob na ilimbag ang mga ito; at kung ilathala man, ay huli na o hindi mainam ang paglimbag.

Kailangan ang mga malayang pahayagan ng Pamahalaang nagpapalakad sa isang malayong bayan, at lalo na dito sa España, kung nais magpalakad nang matuwid at karapat-dapat. Ang governador ng pamahalaan na nasa luob bayan mismo ay maaari kahit walang malayang pahayagan (kung kaya niyang gawin) sapagkat nakikita at naririnig ng niya ang mga nangyayari sa luob ng bayan. Subalit sukdulang kailangan ng pamahalaang nasa malayo ang ng katotohanan at tumanggap ng balita sa bawat paraan upang mas mabuting masuri at mabatid, at lalong kailangan ito sa lagay ng Pilipinas, dahil ang nagsasalita at umaangal ang mga tao duon sa wikang hindi alam ng mga

El ministro, pues, que quiera que sus reformas sean reformas, debe principiar por declarar la prensa libre en Filipinas, y por crear diputados filipinos.

La prensa libre en Filipinas, porque las quejas de allá raras veces llegan á la Península, rarísimas veces, y si llegan, tan encubiertas, tan misteriosas, que no hay periódico que se atreva á reproducirlas; y si se reproducen, se reproducen tarde y mal.

Un Gobierno que desde muy lejos administra un país, es el que más necesidad tiene de una prensa libre, más aun que el que Gobierna en la Metrópoli, si es que quiere hacerlo recta y decentemente. El Gobierno que gobierna en el país, puede todavía prescindir de la prensa (si es que puede), porque está en el terreno, porque tiene ojos y oídos, y porque observa de cerca lo que rige y administra. Pero el Gobierno que gobierna desde lejos, necesita absolutamente que la verdad y los hechos lleguen á su conocimiento por todas las vías posibles, para que pueda juzgarlos y apreciarlos mejor, y esta necesidad sube de punto cuando se trata de un país como Filipinas, cuyos habitantes hablan y se quejan en un idioma desconocido para las autoridades. Gobernar de otra manera se llamará también gobernar, puesto que es menester darle un nombre, pero es gobernar mal. Es juzgar oyendo sólo á una de las partes; es dirigir un buque sin tener en cuenta las condiciones de éste, el estado del mar, los escollos, los bajos, el curso del viento, las corrientes, etc. Es administrar una casa pensando sólo en darse lustre y pisto, sin ver lo que hay en la caja, sin pensar en los servidores y en la familia.

may-kapangyarihan. Ang magpalakad sa anumang ibang paraan ay matatawag ding pamahalaan subalit masamang palakad. Tulad ito ng naghahatol matapos marinig ang isang panig lamang; parang naglalayag sa barko nang hindi sinusuri ang kalagayan nito, ng dagat, dalampasigan at batuhan, ng agos at daloy ng hangin. Ito ay pamamahala sa bahay nang paglilinis lamang at pagpapaganda nito nang hindi inaatupag ang pagyamanin ang familia at ang kapakanan ng mga katulong sa bahay.

Subalit itong palakad ay padulas na kinasasadlakan ng maraming pamahalaan, at sa palakad na ganito mapanganib ang mga malayang pahayagan. Tignan nating ang sinasabi sa Kasaysayan: aklasan at himagsikan ay laging naganap sa mga bayan na inapi, sa mga bayan ginawang pipi ang diwa at puso ng mga tao.

Kung hindi sinupil ng dakilang Napoleon* ang mga malayang pahayagan, maaaring binalaan siya ng mga ito ng panganib na sinusuong niya at ipinaunawa sa kanya na pagod na ang mga tao at hangad ng daigdig ang kapayapaan. Hindi sana nasayang ang kanyang dunong sa pagmamalaki sa ibang bayan at sa halip, naibuhos nang masugid sa pagpalakas ng kanyang kapangyarihan, at nang sa gayon, naitaguyod sana ito. Nakasulat sa kasaysayan ng España mismo na mas maraming himagsikan nuong pinigil ang mga pahayagan. Ang mga sakop na bayan ang nakakawala habang mayruon silang mga pahayagan at nagtatamasa ng kalayaan? Mas maigi bang mamahala nang nakapikit, o ang magpalakad nang may sapat na nalalaman?

Isasagot sa atin ng iba, na sa mga sakop na bayan, mapanganib ang mga malayang pahayagan sa tanyag ng mga namamahala, ang tungkod ng mga huwad na pamahalaan. Isasagot naman natin na ang pagtatanyag ng bayan ay

Pero la rutina es una pendiente por donde andan muchos Gobiernos, y la rutina dice que la libertad de la prensa es un peligro. Veamos qué dice la Historia. Las sublevaciones y las revoluciones han tenido siempre lugar en los países tiranizados, en aquellos donde al pensamiento y al corazón humano se les ha obligado á callar.

Si el gran Napoleón no hubiese tiranizado la prensa, acaso ella le hubiera advertido del peligro en que se precipitaba, y le hubiera dado á comprender que los pueblos estaban cansados y la tierra necesitaba paz; acaso su genio, en vez de gastarse en el engrandecimiento exterior, replegándose sobre sí mismo, hubiera trabajado por su consolidación y se hubiese consolidado. La misma España registra en su historia más revoluciones cuando la prensa estuvo amordazada. ¿Qué colonia se ha hecho independiente teniendo prensa libre, gozando de libertades? ¿Es preferible gobernar á tientas, ó gobernar con conocimiento de causa?

Nos contestará alguno, alegando de que en las colonias con la prensa libre peligrara mucho el PRESTIGIO de los gobernantes, esa columna de los gobiernos falsos. Le contestaremos de que es preferible el prestigio de la Nación al de varios individuos. Una nación se conquista respeto no sosteniendo ni encubriendo abusos, sino castigándolos y reprobándolos. Además, le sucede á ese prestigio lo que decía Napoleón de los grandes hombres y sus ayudas de cámara. Nosotros, que sufrimos y sabemos todos los infundios y vejaciones de esos pretendidos dioses, no necesitamos la prensa libre para conocerlos; hace tiempo que están desprestigiados. La prensa libre la necesita el Gobierno, el Gobierno, que todavía sueña en el prestigio, que edifica sobre terreno minado.

hindi sa pagtago at pagsulsol sa mga kalabisan kundi sa pagpigil at pagparusa sa mga ito. Isa pa, maitutukoy sa pagtatanyag na ito ang sinabi ni Napoleon tungkol sa mga malalaking tao sa Bulwagan at kanilang mga alalay. Tayo, na nakaranas ng mga kagkukunwari at pagpapahirap nitong mga diyos-diyosan, ay hindi kailangan ang mga malayagang pahayagan upang makilatis sila; matagal na silang nahubaran ng pagka-tanyag. Ang malayang pahayagan ay kailangan ng pamahalaan, na nangangarap pa ng pagka-tanyag na itinatatag nito sa lupang may mga bombang nakabaon.

[ * Napoleon Bonaparte - naging pinuno ng himagsikan, pamahalaan, tapos emperor, sa France nuong 1804-1815 at sumakop sa Europe at Russia, pati na ang España nuong 1808-1813. Nuon nakalaya ang mga sakop na bayan sa North, Central at South America subalit nanatiling sakop ng España ang Cuba, Puerto Rico at Pilipinas.   -- ejl ]

Ganito rin ang sinasabi namin ukol sa mga kinatawan ng Pilipinas.

Ano ang panganib na nakikita ng Pamahalaan sa kanila? Isa sa 3 bagay: kung hindi sila maghihimagsik, magiging mga pusakal sila, o hihiwalay sila sa kasalukuyang pagkatao.

Ipagpalagay na sumuko tayo sa pinaka-malungkot na kabalbalan at aminin, malaking paglibak sa Pilipinas subalit higit na malaki para sa España, na lahat ng ating magiging kinatawan ay maghihimagsik, at lahat ng kanilang magiging panukala ay ukol sa paghiwalay; hindi ba mga makabayang Español ang nakakadaig-karamihan duon, hindi ba laganap duon ang pagtiktik ng mga may-kapangyarihan upang supilin at sugpuin ang ganitong mga panukala? And hindi ba mas mainam ang ganito kaysa sa hinanakit na nag-iinit at lumalago nang lihim sa mga bahay, sa mga kubo at sa mga bukid? Talaga namang hindi mangingi ang mga Español bayaran ng dugo ang kanilang pagka-makabayan; subalit hindi ba mas mabuting paglabanan ang mga panukala sa Batasan kaysa magbarilan sa mga putikan 3,000 legua* ang layo, sa mga masukal na gubat, babad sa init ng araw o sa buhos ng ulan? Ang mapayapang labanan ng mga

Lo mismo decimos respecto de los diputados filipinos.

¿Qué peligros ve en ellos el Gobierno? Una de tres cosas: ó salen revoltosos, pasteleros, ó salen como deben ser.

Suponiendo que cayésemos en el pesimismo más absurdo y admitiésemos el insulto, grande para Filipinas, pero mayor aún para España, de que todos los diputados fuesen separatistas, y de que en todas sus proposiciones mantuviesen ideas filibusteras, ¿no está allí la mayoría, española y patriota, no está allí la claravidencia de los gobernantes para oponerse á sus fines y combatirlos? ¿Y no valdría esto más que el descontento que fermenta y cunde en el secreto del hogar, en las cabañas y en los campos? Cierto que el pueblo español no escatima nunca su sangre cuando de patriotismo se trata; pero ¿no sería más preferible la lucha de los principios en el Parlamento, que el cambio de balas en terrenos pantanosos, á 3.000 leguas de la patria, entre bosques impenetrables, bajo un ardiente sol ó entre lluvias torrenciales? Esas luchas pacíficas de las ideas, además de ser un termómetro para el Gobierno, tienen la ventaja de ser más baratas y gloriosas, porque el Parlamento español abunda precisamente en paladines de la palabra, invencibles en el terreno de los discursos. Además, dicen que los filipinos son indolentes y pacatos; ¿qué, pues, puede temer el Gobierno? ¿No influye en las elecciones? Francamente; es hacerles mucho honor á los filibusteros tenerles miedo en medio de las Cortes de la Nación.

layunin ay hindi lamang nagsisilbing paunawa sa pamahalaan kundi lumalamang pa dahil hindi pinagbabayaran at maluwalhati, sapagkat ang Batasan ay puno ng mga magiting sa talumpati na hindi nadadaig sa pakikipagtalo. Isa pa, nasabing tamad at kimi ang mga Pilipino; kaya ano ang dapat ikatakot ng Pamahalaan? Wala ba silang lakas sa mga halalan? Tapat nating sasabihin, malaking papuri sa mga maghihimagsik ang katakutan silang papasukin sa Batasang Bayan.

[ * Legua - sukat ng layo ng paglakbay na nag-iba nang ilang ulit sa libu-libong taon ng paggamit; kulang-kulang 5 o 4.8 kilometro ang sukat ngayon.   -- ejl ]

Kung lumabas sila mga pusakal, inaasahan at maaaring magkatutuo, mas maigi para sa Pamahalaan, at mas masama para sa mga naghalal sa kanila. Mas makapangyarihan ang kanilang mga boto, at makaka-halakhak ang Pamahalaan kung itatapon lamang, kung mangyayari.

Kung lumabas sila sa kasalukuyan nilang pagkatao, marangal, tapat at taimtim sa kanilang layunin, walang alinlangang mabubulabog ng kanilang mga tanong ang walang muwang at walang kayang may-kapangyarihan, subalit makakatulong sila sa pagpapalakad at maisasama sa mga mas tapat na kinatawan ng Bayan.

Ngayon naman, kung ang talagang pintas sa mga kinatawang Pilipino ay amoy sila tulad ng mga Igorot na lubhang ikinabahala ng matapang na General Salamanca sa bulwagan ng Senado, papatunayan ni Don Sinibaldo de Mas, na nakaharap ng mga Igorot at naghangad tumira kasama nila, na ang

Si salen pasteleros, como es de esperar y probablemente han de ser, tanto mejor para el Gobierno, y tanto peor para sus electores. Son unos votos más á favor, y el Gobierno podrá reirse á sus anchas de los filibusteros, si los hay.

Si salen como deben ser, dignos, honrados y fieles á sus misiones, molestarán sin duda con sus preguntas al ministro ignorante ó incapaz, pero le ayudarán á gobernar y serán algunas personas honradas más entre los representantes de la Nación.

Ahora bien; si el verdadero inconveniente de los diputados filipinos consiste en el olor á igorrotes que le ponía tan inquieto en pleno Senado, al aguerrido general Sr. Salamanca, el Sr. D. Sinibaldo de Mas, que ha visto de cerca á los igorrotes y ha querido vivir con ellos, puede afirmar de que olerán, cuando peor, como la pólvora, y el Sr. Salamanca, sin duda, no tiene miedo á ese olor. Y si no fuese más que esto, los filipinos, que allá en su país tienen la costumbre de bañarse todos los días, una vez que sean diputados, podrán dejar tan sucia costumbre, al menos durante el período legislativo, para no molestar con el olor del baño los delicados olfatos de los Salamancas.

magiging pinaka-mabantot na amoy nila ay tulad sa polvora, at ang Ginuong Salamanca, walang alinlangan, ay walang takot sa amoy na ito. Ang kung hindi pa sapat ito, lahat ng Pilipino na, sa kanilang sariling bayan ay sanay maligo araw-araw, kapag sila ay naging mga kinatawan, ay maaaring itigil itong ugali kahit man lamang nuong mga araw na nagpupulong ang batasan nang hindi naman masaring ang maselang ilong ni Salamanca ng amoy ng bagong paligo.

Walang silbing sagutin ang iba pang tutol ng ilang mahusay na manunulat tungkol sa medyo kahumangging balat at mga mukha ba may medyo malapad na ilong. Ang mga angal ng hilig ay tangi sa bawat lahi. Halimbawa ang China, na may 400 milyong Intsik at napaka-tandang kabihasnan, na pangit ang tingin sa mga taga-Europe na tinatawag nilang “fank wai” o pulang demonio*. Itong kawalan ng hilig ay katangian ng 100 milyon mas marami kaysa sa mga taga-Europe. Isa pa, kung ito ang pag-uusapan, kailangang aminin namin na mas mababa ang mga Latin, lalo na ang mga Español, kaysa sa mga mas maputing Saxon*.

At hanggang hindi ipinipilit na ang Batasan ng España ay samahan ng mga Adonis, Antonius, mga makisig na binata at iba pang bathala ng kakisigan, hanggang ang layunin ng pagpupulong duon ay magbatas at hindi magdaldalan o mangarap ng mga mahiwagang guni-guni, ipipilit namin na hindi dapat magpapigil ang Pamahalaan sa mga ganitong abala. Walang balat ang karapatan, walang ilong ang katwiran.

Inútil de refutar ciertos inconvenientes de algunos lindos escritores, sobre las pieles más ó menos morenas, y los rostros más ó menos narigudos. En cuestión de estética, cada raza tiene la suya la China, por ejemplo, que tiene 414 millones de habitantes y cuenta con una civilización muy antigua, encuentra feos á todos los europeos á quienes llama Fan-Kwai, ó sea diablos rojos. Su estética tiene 100 millones más de partidarios que la estética europea. Además, si de eso se ha de tratar, tendríamos que aceptar la inferioridad de los latinos, en especial la de los españoles, respecto de los sajones que son mucho más blancos.

Y mientras no se diga que la Cámara española es una reunión de Adónises, Antínoos, boys y otros angelos parecidos; mientras se vaya allí para legislar y no para socratizar ó errar por hemisferios imaginarios, creemos que el Gobierno no se debe detener ante esos inconvenientes. El Derecho no tiene piel, ni la razón narices.

No vemos, pues, ninguna causa seria para que Filipinas no tenga diputados. Con su creación se acallan muchos descontentos, y en vez de achacar el país sus males al Gobierno, como sucede ahora, los sobrellevará mejor, porque al menos puede quejarse, y porque, teniendo sus hijos entre sus legisladores, se hace en cierto modo solidario de sus actos.

Kaya ngayon, wala kaming nakikitang tunay na dahilan upang tanggihang bigyan ng mga kinatawan ang Pilipinas. Sa paggawad sa kanila, maraming umaangal ngayon ay tatahimik, at sa halip na ibintang sa Pamahalaan ang kanilang mga paghihirap, tulad ng ginagawa ngayon, mas makakayanan ng bayan ang mga suliranin dahil makakapag-sumbong sila kahit paano, at dahil mga anak nila ang magiging mga kinatawan, pananagutan nila ang kanilang mga kagagawan.

[ * Diablos rojos (red devils) - tawag ng mga Instik dahil mala-rosas ang kulay ng mukha at, kung minsan, buhok at balbas ng mga taga-Europe, lalo na ang mga taga-Netherlands.     * Morena y blanco - Kayumanggi at hindi puti ang tingin ng mga taga-hilagang (northern) Europe sa mga taga-timog (southern), sa tabi ng dagat Mediterranean.   -- ejl ]

Hindi kami tiyak, sa pagtawag na magkaruon ng mga kinatawan sa Batasan, na itinataguyod namin ang tutuong kapakanan ng bayan. Alam namin na itong pagbubuti ay maaaring maging mapanganib na gamit dahil sa kawalang muwang, sa katamaran, sa kayabangan ng aming kababayan, at sa pangahas, sa tuso at bisa ng mga paraang gamit ng mga naghahangad patahimikin ang mga tao. Subalit nais naming maging tapat sa Pamahalaan at ituro ang daan na, sa aming tingin, ay pinaka-mainam na tahakin upang hindi masawi ang hinahangad, upang mapawi ang mga hinanakit. Kung, matapos simulan ang matuwid, at kailangang pagtatanghal, ang mga Pilipino ay maging sapat na tanga at mahina upang masalungat ang kanilang ikabubuti, pabayaan silang panagutan ang bahala, pabayaan silang magdusa sa mangyayari. Tinatamasa ng bawat bayan ang tadhanang karapat-dapat sa kanila, at masasabi pa ng Pamahalaan na tinupad nito ang kanyang tungkulin.

Ito ang 2 saligang pagbubuti na, kung unawain at itaguyod nang mahusay, ay magliliwanag sa lahat ng dilim, ang titiyak ng pagmamahal para sa España at

No sabemos si servimos bien los verdaderos intereses de nuestra patria pidiendo diputados. Sabemos que la falta de ilustración, el apocamiento, el egoísmo de muchos de nuestros compatriotas, y la audacia, la astucia y los poderosos medios de los que quieren allá el oscurantismo, pueden convertir la reforma en un nocivo instrumento. Pero queremos ser leales al Gobierno y le indicamos el camino que mejor nos parece para que sus esfuerzos no se malogren, para que desaparezcan los descontentos. Si después de planteada tan justa como necesaria medida, el pueblo filipino es tan necio y pusilánime, que haga traición á sus verdaderos intereses, entonces que recaigan sobre él las responsabilidades, que sufra todas las consecuencias. Cada país tiene la suerte que se merece, y el Gobierno podrá decir que ha cumplido con su deber.

Estas son las dos reformas fundamentales que, bien interpretadas y aplicadas, podrán disipar todas las nubes, afirmar el cariño á España y hacer fructificar todas las posteriores. Estas son las reformas sine quibus non.

Es pueril el temor de que por ellas venga la independencia: la prensa libre le hará conocer al Gobierno los latidos de la opinión, y los diputados, si son los mejores de entre los hijos de Filipinas, como deben ser, serán sus rehenes. No habiendo motivo de descontento, ¿con qué se tratará de excitar las masas del pueblo?

tutulong magtagumpay lahat ng sumunod na pagbubuti. Ito ang mga pagbubuting hindi matatawaran.

Isip-bata ang matakot na magiging daan ang mga ito sa paghiwalay ng Pilipinas. Ang malayang mga pahayagan ay siyang magsasabi sa Pamahalaan ng kuru-kuro ng mga tao, at ang mga kinatawan, pili at kinakailangang pinaka-mabuti sa mga anak ng bayan, ang magiging mga patubos. Kung walang dahilang magmaliw, paano magtatagumpay ang anumang tangkang galitin ang mga tao?

Ganuon din hindi matatanggap ang alok na pintas ng iba sa kawalan ng kabihasnan ng maraming katutubo. Una, hindi naman lubusang walang pagkabihasa tulad ng ibinibintang, at hindi ito dahilan upang ipagkait sa mga mangmang at may kapansanan (sarili man nilang kasalanan o ng iba) ang magkaruon na kinatawang mag-aalaga sa kanila at magbabantay nang hindi sila mapagsamantalahan. Sila nga mismo ang may pinaka-malaking kailangan ng aruga. Tao rin sila, at hindi dapat ipagkait ang kanilang karapatang maging bihasa dahil kulang sila sa kabihasnan, at kung sapat na mamamayan ang Pilipino upang pagbayarin ng buwis o mag-alay ng dugo sa labanan para sa Español, bakit sasabihin hindi lapat na bigyan siya ng mga karapatan ng mamamayan? Isa pa, paaano siya masisisi sa pagka-walang muwang nang inaamin ng lahat, kaibigan o kaaway, ang laki ng hilig niyang matuto, na bago pa dumating ang mga Español, lahat ay marunong bumasa at sumulat, and nakikita natin ngayon na kahit ang mga pinaka-dukhang magulang ay nagtitiis nang malaki makapag-aral lamang ang mga anak kahit kaunti, nagsisilbi pa bilang mga alila para lamang matuto ng wikang Español? Paano maaasahang maliwanagan ang bayan sa kasalukuyan nilang kalagayan kung lahat ng atas

Es de igual modo inaceptable el inconveniente que alegan otros acerca de la defectuosa cultura de la mayoría de los habitantes. Además de que no es tan defectuosa como se pretende, no hay razón ninguna plausible para que al ignorante y al desvalido (por culpa propia ó ajena), se le niegue su representante que vele por él para que no le atropellen. Es quien precisamente más lo necesita. Nadie deja de ser hombre, nadie pierde sus derechos á la civilización sólo por ser más ó menos inculto, y puesto que se le considera al filipino como ciudadano capaz cuando se le pide su contribución y su sangre para defender la patria, ¿por qué se le ha de negar esa capacidad cuando de concederle un derecho se trata? Además, ¿por qué ha de ser responsable de su ignorancia, si está confesado por todos, amigos y enemigos, de que su afán de aprender es tan grande, que ya antes de que llegasen los españoles todos sabían leer y escribir, y que como vemos ahora, las más modestas familias hacen enormes sacrificios para que sus hijos puedan ilustrarse un poco, llegando el caso de servir como criados siquiera para aprender el castellano? ¿Cómo se ha de esperar que el país se ilustre en el estado actual, si vemos que cuantos decretos lanza el Gobierno en favor de la instrucción, se encuentran con Pedros Rezios que impiden su cumplimiento, porque tienen en sus manos lo que llaman enseñanza? Si el filipino, pues, es bastante inteligente para que contribuya, debe serlo también para elegir y tener quien vele por él y por sus intereses, con el producto de los cuales sirve al Gobierno de su Nación. Raciocinar de otra manera, es raciocinar como un embudo.
ng Pamahalaan na palawakin ang mga paaralan ay hinahadlangan ng mga Pedro Rezio na siyang may kapangyarihan sa tinatawag nilang pagpapa-aral? Kung sapat ang talino ng Pilipino upang pagbayarin ng buwis, dapat ding kaya niyang pumili at tangkilikin ang sinumang mag-aalaga sa kanya at sa kanyang kapakanan, na siyang magbubunga ng pagsisilbi niya sa Pamahalaan ng España. Ang mangatwiran laban dito ay parang pakikipagtalo sa ihip.

Kung maman-manan ang mga batas at galaw ng mga may-kapangyarihan, maaaring matigil ang mga biro tungkol sa katagang Katarungan. Ang nagbibigay ng karangalan sa mga British sa mga sakop nilang lupa ay ang kanilang mahigpit at mabilis na paglilitis, nang sa gayon, ang mga tagaruon ay payapang nagtitiwala sa mga hukom. Katarungan ang pinaka-mahalagang kabutihan ng mga lahing may kabihasnan. Napapahinahon nito ang mga pinaka-ligaw na lahi, ang kawalan ng katarungan ay nagpapagalit kahit sa pinaka-mahina.

Ang mga katungkulan at mga gawaing pinagkakatiwalaan ay dapat igawad sa pamamagitan ng paligsahan, sa paglalathala ng mga nagawa at ng mga hatol, nang sa gayon, magkaruon ng sariling kusa at maiwasan ang mga hinanakit. Tapos, kung ayaw pa ring magsipag ang katutubo, hindi na siya makaka-angal kung lahat ng katungkulan ay makuha ng mga Español.

Inaakala naming hindi natatakot ang Español sa ganitong paligsahan: dito niya mapapatunayang nakakalamang siya dahil sa talas ng kanyang talino. Kahit na hindi ito ugali sa España, dapat itong gawin sa mga sakop na lupain, sa dahilang ang tunay na karangalan ay nakakamit sa mabuting pagkatao, sapagkat ang mga nagpapalakad ay dapat, kahit sa tingin lamang, marangal, mapagkakatiwalaan at marunong, tulad ng ipinakikita ng isang tao kapag nakaharap sa isang hindi kakilala. Ang pagkamit sa mga katungkulan at mga

Vigiladas las leyes y los actos de las autoridades, la palabra Justicia puede comenzar á dejar de ser una ironía colonial. Lo que más hace respetables á los ingleses en sus posesiones, es su estricta y expeditiva justicia, de tal manera, que los habitantes depositan en los jueces toda su confianza. La Justicia es la virtud primera de las razas civilizadoras. Ella somete las naciones más bárbaras; la injusticia subleva á las más débiles.

Los puestos y los cargos debían darse por oposición, publicándose los trabajos y los juicios á fin de que haya estímulo y no surjan descontentos. Así si el Indio no sacude su indolencia, no podrá murmurar si todos los cargos los ve desempeñados por castilas.

Suponemos de que no serán los Españoles los que teman entrar en esta lid: así podrán probar su superioridad por la superioridad de su inteligencia. Y aunque esto no se acostumbra en la Metrópoli, debe practicarse en las colonias, por cuanto hay que buscar el verdadero prestigio por medio de las dotes morales, porque los colonizadores deben ser ó parecer, cuando menos, justos, inteligentes é íntegros, como el hombre aparenta virtudes cuando está en contacto con personas extrañas. Los puestos y cargos así ganados rechazan naturalmente la arbitraria cesantía y crean empleados y gobernantes aptos y conocedores de sus deberes. Los puestos que desempeñen los Indios, en vez de poner en peligro la dominación española, sólo servirían para afianzarla; pues ¿qué interés tendrían en cambiar lo seguro y estable contra lo incierto y problemático? El indio, además, es muy amante de la quietud y prefiere un modesto presente á un brillante porvenir. Díganlo esos varios funcionarios filipinos que se encuentran aún en las oficinas: son los más inertes conservadores.

gawaing pinagkakatiwalaan sa ganitong paraan ay papawi sa bara-barang pagpapa-alis sa trabajo at makakatipon ng mga kawani at tagapamahala na may kakayahan at tapat sa kanilang mga tungkulin. Ang mga katungkulan na makuha ng mga Indio*, sa halip na maging panganib sa Pamahalaang Español, ay siyang magtataguyod nito, dahil bakit nila iibiging palitan ang panatag at maaasahan ng walang katiyakan at magulo sa isip? Ang Indio, isa pa, ay mahilig sa payapa at pinipili ang karaniwang kasalukuyan kaysa sa mataginting na kinabukasan. Pabayaan magsalita tungkol dito ang iba’t ibang Pilipinong may mga katungkulan: matutuklas na sila ang mga pinaka-matatag na maingat.

May maida-dagdag pa kaming maliliit na pagbubuti ukol sa kalakal, pagtatanim, pagsanggalang sa tao at ari-arian, pagpapa-aral, at iba pa, subalit ang mga ito ay tutukuyin namin sa ibang mga sanaysay. Sa ngayon, sapat na sa amin itong mga balangkas, nang walang magsabing sobra-sobra ang hinihingi namin.

Hindi mawawala ang mga mapintas na magbibintang sa amin ng pagiging maka-Utopia: ano ba naman ito? Utopia ang bayan sa guniguni ni Thomas Moore na tahanan ng kalayaan para sa lahat sa halalan, pagsamba, halos lubos na pag-pigil ng bitayan, at iba pa. Nang ilimbag ang aklat, ang mga bagay na ito ay mga pangarap lamang, mga hindi mangyayari, na itinuring na pagka-Utopia. Datapwa, nalagpasan na nang malayo ng kabihasnan ang Utopia: ang diwa at budhi ng tao ay nagkamit ng mas malalaking himala, napigil ang pag-alipin, at ang pagbitay sa mga sumiping sa asawa ng iba, mga bagay na hindi mangyayari kahit duon mismo sa Utopia!

May mga kinatawan ang mga sakop ng France. Pinag-uusapan na rin sa Batasan ng Britain ang pagtanggap ng mga kinatawan mula sa mga lupaing sakop ng kanilang hari, ang iba ay may bahagya nang pagsasarili sa pamahalaan. Malaya rin ang mga pahayagan duon. Ang España lamang, na nuong ika-16 sandaang taon ay huwaran ng kabihasnan, ang malayong kulelat. Ang Cuba at Puerto Rico, na kulang pa sa ika-3 bahagi ng mga tao

Otras reformas de detalle podríamos añadir tocantes al comercio, á la agricultura, á la seguridad del individuo, de la propiedad, á la enseñanza, etc.; pero estas son cuestiones que trataremos por separado en otros artículos. Por ahora nos contentamos con los esquemas, no vaya alguno á decir que pedimos demasiado.

No faltarán espíritus que nos tachen de utópicos: mas ¿qué es la utopia? Utopia era un país que imaginó Thomas More, en donde había sufragio universal, tolerancia religiosa, abolición, casi completa, de la pena de muerte, etc. Cuando la novelita se publicó, consideráronse estas cosas como ensueños, imposibles, esto es, utópicos. Y, sin embargo, la civilización ha dejado muy atrás el país de la Utopia: la voluntad y la conciencia humana han realizado más milagros, han suprimido los esclavos, y la pena de muerte para el adulterio ¡cosas imposibles aun para la misma Utopia!

Las colonias francesas tienen sus representantes; en las Cámaras inglesas se ha tratado también de dar representación á las colonias de la Corona (Crown colonies), pues las otras ya gozan de una cierta autonomía; la prensa, allí, es también libre; sólo en España, que en el siglo XVI fué la nación modelo en la colonización, se queda muy postergada. Cuba y Puerto Rico, cuyos habitantes no llegan á la tercera parte de los de Filipinas, y que no han hecho por España los sacrificios que ésta, cuentan con numerosos diputados. Filipinas tuvo desde sus primeros días los suyos, que trataban con los Reyes y el Papa de las necesidades del país; los tuvo en los momentos críticos de España, cuando ésta gemía bajo el yugo napoleónico, y no se aprovecharon de la desgracia de la Metrópoli como otras colonias, sino que estrecharon más los vínculos que las unían á la Nación, dando pruebas de su lealtad; continuaron hasta muchos años después ... ¿Qué crimen han cometido las Islas para que así se las prive de sus derechos.

sa Pilipinas, at hindi nagpakahirap para sa España, ay maraming kinatawan. Nuong naunang mga panahon, may mga kinatawan ang Pilipinas, nakikipag-niig sa Hari at sa Pope tungkol sa mga kailangan ng bayan. May mga Pilipinong kinatawan sa España nuong sinakop ni Napoleon at hindi nila nagsamantala sa samang-palad ng kaharian tulad ng ibang mga sakop, bagkus pinagtatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at España, at pinagtibayan pa sa sumunod na maraming taon... Ano ang nagawang kasalanan ng Kapuluan upang pagkaitan ng mga karapatan?
Sa tuusan: Mananatiling Español ang Pilipinas kung matatahak nila ang landas ng batas at kabihasnan, kung igagalang ang mga karapatan ng mga tao, at ibibigay ang iba pang mga karapatan, kung ang mapagpalayang tuntunin ng Pamahalaan ay tutuparin nang walang lansi at imbot, walang balatkayo at pandaraya.

Subalit, kung maghahangad na ituring ang Kapuluan na palabigasang mapapagsamantalahan, pagkakakitaan ng mga hinahangad, sa gayon manakaw ang mga buwis para sa España, patayin ang gansa na nangingitlog ng ginto*, at magbingi-bingihan sa lahat ng tamang panawagan, kung gayon, malaki man ang panalig ng mga Pilipino, hindi mapipigilang

En suma: las Filipinas continuarán siendo españolas, si entran en la vía de la vida legal y civilizada, si se respetan los derechos de sus habitantes, si se les conceden los otros que se les deben, si la política liberal de los Gobiernos se lleva á cabo sin trabas ni mezquindades, sin subterfugios ni falsas interpretaciones.

De otra manera, si se quiere ver en las Islas un filón por explotar, un recurso para contentar ambiciones, para librar de impuestos la Metrópoli, apurando la gallina de los huevos de oro y cerrando los oídos á todos los gritos de la razón, entonces, por grande que sea la fidelidad de los filipinos, no podrán impedir que se cumplan las leyes fatales de la Historia. Las colonias fundadas para servir la política ó el comercio de una metrópoli, concluyen todas por hacerse independientes, decía Bachelet; antes que Bachelet lo dijera, ya lo habían dicho todas las colonias fenicias, cartaginesas, griegas, romanas, inglesas, portuguesas y españolas.

maganap ang naka-ambang hatol ng Tadhana. Lahat ng mga lupaing sinakop upang pagsilbihan lamang ang tuntunin at kalakal ng sumasakop na bayan ay lumalaya sa bandang huli, nasabi sa Bachelet; nauna pa sa Bachelet, nasabi rin sa lahat ng mga sinakop ng Phoenicia, Cartagena, Greece, Rome, Britain, Portugal at España.

[ * Gintong itlog - Sa lumang alamat, kinatay ang gansa upang makuha agad lahat ng gintong itlog. Walang nakita, sa halip, natigil ang araw-araw na pangingitlog ng ginto.   -- ejl ]

Talagang malapit ang ugnayan natin sa España. Hindi mabubuhay ang 2 tao nang 3 sandaan taon magkapiling, nagsasalo sa iisang kapalaran, nagkasamang nakikipag-digmaan, nananalig sa iisang paniniwala, sumasamba sa iisang Dios, nakikipag-palitan ng pag-iisip at mga kuru-kuro, kung hindi mas matibay ang ugnayan kaysa sa pagmamahal lamang. Sabi ni Machiavelli, ang tanyag na marunong bumasa sa damdamin ng tao: Likas sa tao na maging magkatalik kapwa ang nagbigay, at ang tumanggap, ng pabuya (la natura degli huomini, e cosi obligarsi pe li beneficii che essi fanno come per quelli che essi ricevono). Tutuo itong tunay, at higit pa, subalit ito ay damdaming dalisay lamang, at sa paligsahan ng politika, ang pangangailangan at kapakanan lamang ang nananaig. Gaano mang kalaki ang utang ng mga Pilipino sa España, hindi sila mapipilit na isuko ang kanilang kaligtasan, na palabuyin sa ibang bayan ang kanilang mga anak na nagka-malay at naging mapag-palaya, sakalin ang kanilang mga hinahangad, laging sinisindak ang mga mapayapang mamamayan, nang salalay ang kapalaran ng 2 bayan sa anumang maisipan ng isang tao lamang; ang España ay hindi makakapag-kunwari, kahit sa ngalan ng Dios, na 6 milyon tao ay mabubusabos, mapagsasamantalahan at mapapahirapan, alisan ng liwanag at mga karapatang likas sa bawat tao, at tapos ay buhusan ng paglibak at paghamak; hindi, hindi mapapatawad itong kawalan ng hiya, walang kapangyarihan sa daigdig na makakapagwalang-sala sa paglabag sa kalayaan ng tao, paglabag sa katahimikan ng tahanan, paglabag sa mga batas, paglabag Estrechos sin duda alguna son los vínculos que nos unen á España; no viven dos pueblos tres siglos en continuo contacto, participando de una misma suerte, vertiendo su sangre en los mismos campos, creyendo las mismas creencias, adorando al mismo Dios, comunicándose los mismos pensamientos, sin que nazcan entre ellos lazos más fuertes que los que imponen las armas ó el temor: sacrificios y beneficios por parte de uno y otro han hecho nacer afecciones; Machiavelo, el gran conocedor del corazón humano, decía: la natura degli huomini, é cosí obligarsi per li beneficii che essi fanno, come per quelli che essi ricevono (condición humana es ligarse tanto por los beneficios que se hacen como por los que se reciben); todo esto y aun más es cierto; pero es sentimentalismo puro, y en el amargo campo de la política la dura necesidad y los intereses se imponen. Por mucho que los filipinos deban á España, no se les puede exigir que renuncien á su redención, que los liberales é ilustrados vaguen como desterrados del patrio suelo, que se ahoguen en su atmósfera las aspiraciones más groseras, que el pacífico habitante viva en continua zozobra, dependiendo la suerte de los pueblos de los caprichos de un solo hombre; la España no puede pretender, ni en el nombre del mismo Dios, que seis millones de hombres se embrutezcan, se les explote y oprima, se les niegue la luz, los derechos innatos en el ser humano, y después se les colme de desprecio é insultos; no, no hay gratitud que pueda excusar, no hay pólvora suficiente en el mundo que pueda justificar los atentados contra la libertad del individuo, contra el sagrado del hogar, contra las leyes, contra la paz y el honor; atentados que allá se cometen cada día; no hay Divinidad que pueda proclamar el sacrificio de nuestras más caras afecciones, el de la familia, los sacrilegios y violaciones que se cometen por los que tienen el nombre de Dios en los labios; nadie puede exigir del pueblo filipino un imposible; el noble pueblo español, tan amante de sus libertades y derechos, no puede decirle que renuncie á los suyos; el pueblo que se complace en las glorias de su pasado no puede pedir de otro, educado por él, acepte la abyección y deshonre su nombre!
sa payapa at dangal, mga paglabag na ginagawa duon araw-araw. Hindi pahayag ng Langit ang isuko natin ang pinaka-mahalaga nating damdamin, hayaang malansag ang familia, ang mga pangahas at kamalian ng mga tao na lagi na lamang binabanggit ang ngalan ng Dios; hindi maipapataw ang ganitong bigat sa mga Pilipino. Hindi maaaring iutos ng mga Español, magiting at nagmamahal sa kanilang mga karapatan at kalayaan, na isuko ng mga Pilipino ang kanila; ang bayan na ipinagma-malaki ang kanilang mga nakaraan ay hindi maaaring humiling sa ibang bayan, na kanilang tinuruan, na tumanggap ng pagka-aba at dungisan ang sariling pangalan!
Kami ngayong nagsisikap sa paraan, mapayapa at sundo sa batas, ng pakikipagtalo ay nakakaunawa nito at, titig ang mga mata sa mga layunin, hindi kami titigil manawagan para sa ating kapakanan nang hindi lumalabag sa batas; subalit kung mapatahimik muna kami sa dahas o kami ay masawi (na maaaring mangyari sapagkat kami ay tao lamang), hindi namin masasabi kung anong paraan ang gagamitin ng maraming uusbong at susugod upang palitan kami.

Kung ang aming hinahangad ay hindi makamit...

Sa harap ng ganitong maaaring mangyari, hindi tayo dapat umingos sa hindik,

Los que hoy luchamos en el terreno legal y pacífico de las discusiones, lo comprendemos así, y con la mirada fija en nuestros ideales, no cesaremos de abogar por nuestra causa, sin salir de los límites de lo legal; pero si antes la violencia nos hace callar ó tenemos la desgracia de caer (lo cual es posible, pues no somos inmortales), entonces no sabemos qué camino tomarán los retoños numerosos y de mejor savia que se precipitarán para ocupar los puestos que dejemos vacíos.

Si lo que deseamos no se realiza ...

Ante la eventualidad desgraciada, menester es que el horror no nos arredre, que en vez de cerrar los ojos, miremos cara á cara lo que pueda traer el porvenir. Y á ese fin, después de arrojar el puñado de tierra que se tributa á los Cancerberos, entremos francamente en el abismo para sondear sus terribles misterios.

sa halip na ipikit ang mga mata, mamasdan namin anuman ang dala ng mga darating na araw. At bilang pa-wakas, matapos maghagis ng isang dakot na alikabok na alay kay Cerberus*, pasukin natin nang walang kaila ang bangin sa ilalim ng lupa at bakasin ang mga mahiwagang lagim duon.

[ * Cerberus - Sa lumang alamat ng Greece, ang mabangis na aso, 3 ang ulo, na nagbabantay sa pinto ng infierno.   -- ejl ]

Nakaraang kabanata                   Ulitin mula sa itaas                     Hindi Karaniwang Mga Pilipino                 Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                     Sunod na kabanata