Spain

Espaņol: Mga Pobreng Lagalag

Donde esta Santa Claus?
- Awit Mexicano

ANG LUPA ng Espaņa ay tinawag na Iberia, sa kanluran dulo ng Europa, hilaga ng Mediterranean Sea na nakanganga sa Atlantic Ocean. Ito ay naging lalawigan ng ancient Rome, 1,000 taon bago panahon ni Jesus Christ. Nang sumalta ang mga Visigoth [ang mga taga-kanlurang Goth, kahiwalay sa Ostrogoth, ang mga taga-silangang Goth na naiwan sa Alemania [Germany] Sila ang pinanggalingan ng taguring gothic] mula Alemanya nuong 409 AD, tinulungan nila ang Roma na lupigin si Attila at ang mga Hun [mga Han ng hilagang Asia, ginapi at itinaboy ng mga Intsik mga 100 taon nuong nakaraan]. Kumalat at nanirahan sa kung saan-saan ang mga Visigoth, pati na sa Iberia at nagkaroon sila duon ng ilang kaharian. Nuon nagsimula ang pagiging malapit ng mga Visigoth at mga katoliko, tumagal hanggang ngayon. Moro

Hindi nagtagal, bandang 622 AD, inumpisahan ni Mohammed ang Islam sa Arabia. Lagpas lamang ng 100 taon, laganap at sakop na ng mga Muslim ang buong Arabia, Palestinia, Egypt, Turkey at hilagang Africa. Duon ang kaharian ng Morocco, katapat ng Espaņa sa kabilang bunganga ng Mediterranean Sea. Matagal nang inasam ng mga taga-Morocco [mga Moro o Moors sa English] na sakupin ang Espaņa.

Nuong 711 AD, tinawid ni Taric ibn Ziyad at ng mahigit 700 Moro ang silat ng Gibraltar [Strait of Gibraltar], ang bunganga ng Mediterranean Sea, at ginapi si Rodrigo, isa sa mga hari ng mga Visigoth. Dahil sa kanilang tagumpay, nagdagsaan ang iba pang Moro at sa loob ng 3 taon, nasakop nila ang buong Espaņa maliban sa bulubundukin sa hilaga. Tinawag ang kanilang kaharian [sultanate] na Andalusia. Minsan lamang sila natalo, nuong 722 AD, sa hilagang Espaņa, ni Pelayo, ang unang hari sa Asturias. Ang kaisa-isang pagwawagi ay itinangi mula nuon ng mga Visigoth, bilang simula ng kanilang 800 taong requista o pagsakop muli sa kanilang lupain, ngunit sa mga nagdaan panahon, sila-sila mismo ang nagdi-digmaan. Ang mga Frank, ninuno ng mga taga-France ngayon, ang nagtatag ng tanggulang Espaņol [Marca Hispaņca] sa Catalunya, sa bundok-bundok ng Pyrennes sa pagitan ng France at Espaņa; sinakop nila ang kaharian ng Girona nuong 785 AD, at ang lungsod ng Barcelona nuong 801 AD. Castille

Sa ilang daang taon paghahari ng mga Moro, nakuha ng mga Espaņol [ang dating mga Visigoth] ang maraming katangian at gawi ng Moro, gaya ng itim na buhok at kayumangging mata. Ang kanilang pagiging malupit at galing sa pamamahala gamit ang kasulatan at kasunduan. Nuong tagal na panahon ding iyon naging sukdulan ang pagkamuhi ng mga Espaņol sa Moro.

Samantala, binuwisit ang mga Moro ng Calipha o emperador ng mga Muslim sa Damascus, sa Syria [dating bahagi ng kaharian ng Persia] tungkol sa taunang buwis na binabayad. Dumating ang panahon, itinatwa ng mga Moro ang Baghdad at hindi na nagtulungan. Sa marami pang pagkakahiwalay ng mga kaharian ng mga Muslim, unti-unting nanghina ang mga Moro, habang lumalakas naman ang mga Espaņol, lalo na sa hilaga. Isabella Duon nuong 1469 AD, pinag-isa ang 2 kaharian nang mag-asawa si Isabella, reyna ng Castilla [Castille] at Fernando, hari ng Aragon . Bumuo sila ng isang malaking sandatahan upang itaboy nang lubusan ang mga Moro mula sa buong Espaņa. Inabot ng 23 taon, ngunit napalayas din nila ang kahuli-hulihang haring Moro sa Granada nuong 1492.

Nuong 1492.

Iyong taon na iyon unang narating ni Cristobal Colon [Christopher Columbus] ang America, ilang buwan matapos siyang pundaran nina Reyna Isabela at Haring Fernando upang maghanap ng kaibang lakbayin papuntang Asia, lalo na ang India. Malaki ang nalustay ng 2 kaharian sa mahigit 20 taong digmaan, salanta ang buong Espaņa, at nagtangka ang mag-asawang magtayo ng kalakal mula Asia upang lunasan ang lubhang pagkapobre ng mga Espaņol.

Naunahan na sila ng mga Portuguese sa India patungong silangan, at alam nilang sasalpukin sila ng mga Portuguese sakaling subukan nilang puma-silangan din. Conquistador Malaki at malakas man ang kanilang sandatahan, hindi kaya ng mga Espaņol nuon na digmain ang mga Moro at mga Portuguese nang magkasabay. Kaya pumayag sila sa amuki ni Columbus, isang Italyanong nag-aral sa mga Portuguese, na maaaring marating ang India nang paglalayag pa-kanluran. Katatapos ng digmaan, at punung-puno ang Espaņa ng mapupusok na mandirigma at mananakop, tinawag ng mga conquistador, na gigil na gigil makarating sa Asia at iba pang lupaing masasakop at mapagkukunan ng yaman.

Naantal sila ng madugong pagsakop sa America, ngunit pilit pa rin silang nagsikap na makarating sa mayayamang kaharian ng Asia. Ang sumunod nilang pundaran upang makarating sa Asia ay isang lagalag na dating sundalo ng Portugal, si Fernando Magallanes [Ferdinand Magellan], nuong 1519.

 
 Pabalik sa nakaraan    Ang Mga Pilas   Tahanan Ng Mga Kasaysayan    Ulitin ito    Ipagpatuloy sa susunod