![]() ANG KARANASAN NG PINAKAMARAMING DAYUHAN ‘Sobra Demasiado’ Ang Mga Intsik!
1581: Sa dami ng mga Sangley dito, isa pang Parian ang itinatayo sa tabi ng lumang Parian. Marami ay nagbahay na duon. Karaniwang 3,000 hanggang 4,000 Sangley ang nakatira sa Parian, may 2,000 pa sa mga barko na dating-alis taon-taon. Lahat-lahat, may 7,000 Sangley sa Manila at pali-paligid, pati na ang mga nangingisda at nagtatanim sa Tondo, ayon sa mga frayleng Dominican... --Domingo de Salazar, unang obispo sa Manila, liham kay Felipe 2, hari ng España
1584: Taon-taon, hinahakot ng mga Sangley lahat ng salapi dito. May 30 barko sila, tapat naman nagkakalakal pero wala kaming ari-ariang pangpalitan kaya panay mga reales na lamang... --Melchior de Abalos, abogado (licenciado), liham kay Felipe 2
1588: Napakaraming Sangley na rito, punung-puno na ang mga pulo. Nakakasira tuloy sa mga katutubo... Sa Parian, may bandang 600 Sangley sa 150 tiendas. May 100 nakatira sa kabila ng ilog, binyagan at nag-asawa na sa mga tagarito. Mahigit 300 pa sa labas, sa pampang ng dagat at mga ilog... Hiniling ko sa mga governador na ipunin lahat dito sa lungsod... --Domingo de Salazar |
||
1591: Higit-kulang 2,000 Sangley ang nasa 200 tiendas sa Parian. Mahigit 1,000 ang nakatira sa Tondo at mga pulo dito, iba’t iba ang mga hanap-buhay... 1596: Itong taon lamang, napakaraming Sangley ang dumating, nagkakalakal daw pero kunyari lamang. Kaya pinaalis ko ang ang mahigit 12,000 pero kasing dami ang nandirito pa... Kailangang matahin sila palagi... --Antonio de Morga, vicegovernador 1597: Abala ako sa utos ni governador Tello na paalisin ang mga Sangley, hindi naman nagka-kalakal, mahusay lamang sumipsip o magsilbi sa mga Español para itago sila sa bahay. Kaya 2,000 Sangley ang natutulog sa luob ng Intramuros gabi-gabi kahit na bawal. May 5,000 iba pang may licencia ng governador dahil sabi ng mga Español kailangan sila, pero sa tingin ko 3,000 lamang puede na... --Hernando de los Rios, coronel 1598: Ang masama pa, mahilig kumantot sa puwit ang mga Sangley dito, mas marami pa kaysa sa Sodoma nuong panahon sa Biblia. Natuto tuloy ang mga indio dito, babae at lalaki. Dahil malaki at madalas ang bayad nila, lumalawak ang gawing ito nang hindi napupuna ng mga Español... --Ygnacio de Santibañez, arsobispo (1595-1598), liham kay Felipe 2, Junio 24 1599: Gawin mo ang lahat ng kaya mo, tiyakin mo na 3,000 Sangley o ang mga kailangan lamang ang manatili diyan, kabilang na ang mga jardinero at lahat ng iba’t ibang manggagawa... -- utos ni Felipe 3, hari ng Espana, kay governador Francisco Tello 1603: Ilang taon na ang nakaraan mula nang inutos ng inyong kamahalan na ang mga kailangang Sangley lamang ang payagang manatili dito sa Pilipinas subalit hanggang ngayon hindi tinutupad. Taon-taon, padami nang padami ang mga Sangley dito hanggang umabot na sa 16,000... Itong taon na ito, ipinakita sa akin ng ilang Sangley ang mga licencia para makatira sila dito, binili daw nila ng tig-5 toston (salaping pilak sa Mexico) bawat isa. Narinig ko pa sa ibang tao na 60,000 pesos ang kita taon-taon sa paglako ng mga licencia...
1621: Sa ngayon, mayroong 16,000 Sangley ang may licencia na tumira sa Pilipinas. Mayroon pang tantiyang 5,000 na walang licencia na tumitira dito nang patago... Matakaw kasi ang mga nasa pamahalaan sa 8 pesos na bayad sa bawat licencia. Marami ring Español sa Manila na gahaman sa upa sa alcaiceria, at sa por ciento nila sa kita ng mga Sangley... --Miguel Garcia Serrano, arsobispo (1619-1629), liham kay Felipe 4, 1635: Sa Parian lamang, mahigit 20,000 Sangley ang nagsiksikan. Sa mga ibang pook, mahigit 10,000 Sangley ang nakatira at naghahanap-buhay. Sila ang bumubuhay sa kalakal at viaje ng Pilipinas. At sa dami nila, abot 270,000 real de ocho ang ibinabayad nila taon-taon, lumalabas na 9 real de ocho sa bawat licencia... --Juan Grao y Monfalcon, kinatawan (conseguidor general, principal agent) ng Pilipinas sa corte ng España sa Madrid 1639: Mayroong 35,000 ‘licensiadong’ Sangleys sa Manila at mga paligid. May 10,000 pa sa mga lalawigan... 1649: Sa convento de San Diego ng mga frayleng Franciscan sa Polo, Bulacan, may nakatirang mga catholicong Sangley, kasama ng 1,200 indio...
|
Matapos Ng Bilangan, Naligalig Ang Mga Español SA LIHAM ni Obispo Salazar nuong 1588 para kay Felipe 2, ang hari ng España, hinayag niyang may 1,000 Intsik sa paligid ng Manila. Binanggit din niyang 80 lamang ang mga Español duon nuon, hindi kasama ang mga frayle. Nuong 1596 nang palayasin ni Antonio de Morga ang 12,000 Intsik, habang 12,000 pa ang naiwan sa Pilipinas, mayroon lamang 500 ang mga Español sa Manila. Nuong 1644 nang itaas sa mahigit 11 real ang buwis sa bawat isa sa 30,000 Sangley sa Manila at paligid, 70 Español lamang ang nakatira sa Intramuros at bandang 200 lamang ang mga sundalo sa hukbo nila, mga mestizo at katutubo mula Mexico. Sa tanang panahon ng Español, maliban nuong himagsikan ng Katipunan nuong 1896, hindi lumagpas ng 5,000 ang mga Español sa kapuluan samantalang mas maraming Intsik kaysa dito ang dumarating sa isang taon lamang. Marami sa mga Español ang nangamba na madaig sila sa dami ng mga Sangley. Nuong Noviembre 1606, tinanggap ni Governador Pedro de Acuña ang utos ni Felipe 3, hari nuon sa España, na ang mga kailangang Sangley lamang ang payagang magtagal sa Pilipinas. Bago pa dumating ang utos, lagi nang iba-iba ang bilang ng mga Sangley na hinayag ng mga Español - ang dami ng mga nagbayad lamang ng buwis magkalakal ang naging official, hindi kasali ang mga puslit at mga nagtago dahil naging Catholico o katulong ng mga frayle. Hinayag kay Felipe 3 nuong Julio 4, 1606 na 1,500 lamang ang mga Intsik sa Pilipinas nuong 1605. Sumunod na taon, nuong Julio 4, 1606, nilista nina Pedro Muñoz at Pedro Prieto ng pamahalaan (cabildo) sa Intramuros na 2,011 Intsik ang sakay sa 25 barko mula sa China, subalit ang tunay na bilang nuong taon na iyon ay 6,533. |
|
![]() Maging mga Sangley na nasa Pilipinas na, ilang ulit tinangkang gapiin ang mga Español. Sa dami at lakas lamang ng mga sandata - baril na de-sabog at mga cañon - at sa tulong ng libu-libong indio (tawag ng Español sa mga katutubo) napipilan ang mga Sangley na paulit-ulit nilang pinuksa at ipinatapon mula nuong 1603 aklasan. Subalit bago pa naganap ang mga karahasan, dinaan muna ng mga Español na supilin sa paghigpit ang mga Sangley. |
||
Paghigpit, Pagbuwis, Pagpatapon MULA nang ikulong sila sa Parian nuong 1581, patuloy na pinaghigpitan ang mga Sangley ng mga Español. Siningil ni governador Gomez Perez Dasmariñas ng buwis ang bawat Intsik (‘por cada Sangley’ kaya pancada ang naging tawag sa personal tax) simula nuong 1591 para ibayad sa pag-gawa ng mga pader ng Intramuros. Una, 2 por ciento ng kanilang kalakal ang buwis taon-taon, bago ginawang |
firmes sa 5 real.
[Maliban sa toston na salaping pilak, may salaping ginto ang Español nuong dati, ang real na may halagang 25 centimos. Katumbas ng 4 real ang peso subalit nagmura agad sa lakas ng paggasta ng España at naging 8 real, ang nabantog sa Europa at America na ‘pieces of eight’.] Ipinagbawal din ni Dasmariñas na magsuot ng kahit ano mula China ang mga indio kaya sa Español lamang nakapaglako ang mga Sangley. |
|
![]() Bawal Maging Ninong Ang Sangley MAGKA-SABWAT si governador Francisco Tello at si Antonio de Morga, ang vicegovernador, nang maglabas ang chancilleria ng Manila ng mga batas laban sa mga Sangley nuong Enero 26, 1599. Unang ipinagbawal nila ang gawi ng pagkantot sa puwit. Ang parusa ay susunugin nang buhay ang sinumang mahuli, at iilitin lahat ng kanyang ari-arian. Ipinagbawal ding sumiping ang Sangley sa sinumang babae, Español o binyagang indio, sa parusang pag-ilit ng kalahati ng kanyang ari-arian, 200 hataw ng latigo at 10 taon magsa-sagwan sa barko nang walang sueldo. Bawal ding gumawa |
||
ang mga Sangley ng salaping ginto, pilak o anumang bakal, at kiskisin o bawasan kahit na paano ang salapi na kinita nila. Mabigat din, gaya ng sa magnanakaw, ang parusa sa Sangley na bumili ng ginto, damit o alahas mula sa mga indio.
Sumunod na Mayo 17, 1599 naglabas uli sina Tello at Morga ng batas, ipinagbawal na mag-ninong ang Sangley sa indio o indio chino dahil ginagamit daw nila upang pagtakpan ang ‘ninong’ sakaling gipitin ng Español. Dapat daw ‘isuko’ ng Sangley ang lahat ng ‘inaanak’ na naipon na nila. Batas din nuong araw na iyon, ang Sangley na nabinyagan, kahit nuong 6 taon na ang nakaraan, ay kailangang ipagpatuloy ang hanap-buhay nuong bago siya naging catholico o 4 taon siyang magsa-sagwan sa barko nang walang bayad. |
Mura lamang ang bayad sa licencia ng Sangley na nais tumira sa Pilipinas, 9 real, mahigit peso santaon, nang unang ipataw ito ni Juan de Silva, governador nuong 1609-1616. Subalit lumaki nuong sumunod na taon, 1610, naging 64 real o 8 pesos samantalang 2 real lamang ang sahod ng Sangley na carpintero o mason sa isang araw, sarili pa nila ang pagkain at kagamitan (tools). Ang 8 pesos at 5 real na bayad ng bawat Sangley ay dinagdagan ng 11 real nuong 1635 ni Sebastian Hurtado de Corcuera, governador nuong 1635-1644. Naging 11 pesos ang buwis ng Sangley hanggang nuong 1643 nang dagdagan uli ng 6 real, tinawag na ‘munting licencia’ na pambayad daw sa paggawa ng Bagumbayan (tinawag ding Luneta o puok ng munting buwan, Rizal Park ang tawag ngayon). |
Tapos, sinumang Sangley na lumabas sa Parian para sa anumang dahilan ay pinagbayad ng dagdag na 10 peso. At ang Sangley na nagka-bahay ay pinagbayad ng 12 real taon-taon. Ayon kay Sebastian Cavallero ng Audiencia sa Manila nuong 1644, napilitan ang mga Sangley na doblehin ang singil ng carpintero, 4 real sa maghapong trabajo simula nuong 1639. Lalo raw naghirap ang mga nagtatanim na Sangley, ang sueldo ay 50 litro ng palay at isang manok lamang sa isang linggo. Sa kabila ng mga paghigpit at pagbuwis na ito, libu-libong Sangley pa rin ang dumagsa sa Pilipinas kaya maya’t maya ay ipinatapon sila ng mga governador. Nauna sina Tello at Morga nuong 1596 nang pinabalik sa China ang mahigit 12,000 Sangley. |
![]() Ang Kahuli-hulihang Pagpatapon MULA nang maghimagsik ang mga Sangley nuong 1603, paulit-ulit silang ipinatapon tuwing mag-aklas sila o magkahigpitan ng salapi sa Manila. Minsan-minsan, ipinatapon sila kahit walang gulo o kahigpitan, dahil lamang sa nakakadaig na dami nila. Ipinabilang ni Pedro Manuel de Arandia, taga-Viscaya na governador ng Pilipinas mula nuong 1754, kung ilan ang catholicong Sangley sa buong kapuluan - 3,413 lamang ang natagpuan - bago niya inutos na palayasin lahat ng hindi binyagang Sangley. Sa halip na mga bahay at gusali (buildings), nagpatayo siya ng isang tolda (cabaña, pavilion) na lamang upang mapilitang bumalik sa China pagkatapos magkalakal ang mga |
||
dumadayo taon-taon sa Manila. At sa Binondo sa kabilang panig ng ilog Pasig itinayo ang tinawag na alcayceria de San Fernando upang mailayo sa Intramuros ang mga hindi binyagang Sangley at hindi nakahalo sa mga katutubo sa luoban ng Luzon. Ang mga Sangley lamang na payag magpabinyag at magtanim o maging magsasaka ang pinayagang manatili sa Pilipinas.
Dahil sa siksikan, madalas na ulan at dami ng kalakal, - at angal ng maraming Español na nabubuhay sa pagpa-upa sa mga Sangley, - napilitang palitan ang pavilion ng mas matibay at mas malaking gusali. Subalit hindi katulad nuong nakaraan, nanatiling kaunti ang mga Sangley sa Manila mula nuon, kahit na nuong mamatay si |
Arandia nuong Mayo 31, 1759 at lumuwag nang kaunti ang pagtanggap sa mga taga-China.
Si Jose Raon, ang naging governador mula nuong Julio 6, 1765, ang nag-utos nuong 1769 na ipatapon ang mga Sangley uli. Hindi gaanong nabawasan ang mga Sangley sa Pilipinas dahil nabantog si Raon na madali, at masipag, na masuhulan, subalit nanatiling matumal ang pagdanak ng mga Sangley sa Manila.
Hindi namalayan ng mga Español, marami sa mga pinalayas na mga Sangley, sa halip na bumalik sa China, ay pumuslit sa ibang bahagi ng Pilipinas na walang mga frayle o Español. Mahigit 4,000 ang napadpad sa Sulu at nuong Deciembre 30, 1773, kumampi sila sa mga taga-Sulu na sumagupa sa |
hukbong Español ni Giovanni Cencelly na lumusob, at napaurong mula duon.
Si Simon Anda, ang pumalit kay Raon bilang governador nuong 1770, ang nag-utos kay Cencelly na lumusob dahil pinayagan ng mga taga-Sulu na magtayo ng kuta sa Balambangan, isang pulo duon (Mandah ang tawag ngayon, sa hilaga ng Cagayan de Sulu), ang mga British na sumakop sa Manila at kinalaban ni Anda mula nuong 1762 hanggang 1764.
Dahil kumampi sa British at lumaban sa mga Español ang mga Sangley, kahit na ang mga catholico, malupit silang pinarusahan ni Anda at walang tigil na binawasan ang mga Sangley sa Pilipinas hanggang mamatay siya nuong 1776. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |