Mga Mongol Genghis Khan

  ANG  KARANASAN  NG  PINAKAMARAMING  DAYUHAN

Yuan: Angkan Ni Genghis Khan

‘TAO I CHIH LUEH’
‘Summary notices of the barbarians of the isles’
Balangkas Sa Mga ‘Hindi Civilizado’ Sa Kapuluan
ni Wang Ta-yuan, nuong 1349

‘Utos ng langit’ ang paniwala, sinalanta ni Temujin at ng kanyang mga Mongol ang mga kaharian ng China,

‘Nagpa-tattoo Sa Chuan-chou’

MAHIGIT 160 taon bago dumating ang mga Español, sinulat ni Wang Ta-yuan ang kanyang ‘Tao I Chih Lueh’ (Summary Notices of the Barbarians of the Isles o ‘Pagbalangkas Sa Mga Hindi Civilizado Ng Kapuluan’) nuong 1349, matapos ng 20 taon ng paglalakbay kalakal niya sa dagat ng timog China, at mahigit 100 taon pagkatapos isulat ang Chu Fan Chih (‘Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’) ni Chao Ju-kua, ang unang sumuri sa mga Pilipino nuong 1225.

Kaiba kay Chao, hindi tinuring ni Wang na mga ligaw na tao (savages) ang mga tagapulo subalit

Kublai Khan India, Russia at Arabia, at hinirang siyang ‘pinakamataas na hari’ (Genghis Khan). Pinag-agawan ng mga tagapagmana at nagkapira-piraso ang kanyang kaharian, subalit nabuo ng kanyang apo, si Kublai Khan, at napag-isa ang China matapos ng halos 400 taon pagkawatak sa 4 kaharian. Tangkilik nang lubusan ang pagka-Intsik, tinangka niyang sakupin ang Japan nuong 1274 at uli, nuong 1281. Nilusob din ng kanyang hukbong dagat ang kaharian ng Majapahit sa Java, Indonesia, nuong 1293. Natalo lahat, naubos ang yaman at hukbo ni Kublai at pagkamatay niya, 74 taon na lamang tumagal ang paghahari ng mga Yuan. Subalit sa maigsing panahong iyon, napaunlad nila ang mga sining at kalinangan (arts and culture) ng Intsik, naitatag ang pambansang lihaman (postal service) at napalawak ang kalakal dagat ng China. Isa sa mga lumaot si Wang Ta-yuan, ang sumulat nitong pahayag.
sinumbatan niya dahil nagpa-tattoo mula ulo hanggang paa at inubos ang salapi sa lungsod ng Chuan-chou (tinawag na Chincheo ng mga taga-Europa, Guangzhou ang tawag ngayon, sa lalawigang tinatawag na Guangdong, ang dating Canton). Pag-uwi pa, sabi ni Wang, iginalang sila higit pa kaysa sa mga nakakatanda sa kanila, kahit na walang kinita kahit ano, dahil lamang nakarating sila sa China.

Sulu, Mindanao, Manila

Tulad ni Chao, binanggit ni Wang sa ‘Tao’ (kapuluan ang ibig sabihin) ang pulo ng Ma-i (Mindoro) at San-Tao (and ‘3 pulo’ ng Visayas na tinawag ni Chao na San-hsu). Inilarawan din ni Wang ang 3 puok ng Sulu, Mintolang at Ma-li-lu. Ang Mintolang ay ang puok ng Magindanao sa bukana ng ilog Pulangi (ilog Magindanao ang tawag ngayon) sa Cotabato. Mainam ang tayo nito, sabi ni Wang, dahil madaling nararating mula sa dagat, at maraming bigas at pagkain duon.

Mas mahirap tantuin ang inilarawan niyang Ma-li-lu, ‘Kailangang lumusot sa isang maliit na daungan upang makarating duon. Malalaki ang bundok at maraming batu-bato sa tabi ng dagat. Kaunti lamang ang mga punong-kahoy sa gubat at salat ang mga bukid, walang mga tanim. Ang mga tagaruon ay nagtatanim ng maraming gabi.’

Gayon pa man, sapantaha ng mga nag-aral (scholars) at nag-agham (scientists) na Manila ang tinukoy niyang Ma-li-lu. Mga nasaksihan niya ang isinulat ni Wang - mga ilawan ng pagkit ng bubuyog (beeswax), mga papag o higaan na gawa

sa mga patpat na kawayan (bamboo beds), mga bukid sa Sulu na lapat lamang taniman ng dawa (millet) at trigo (wheat), hindi ng palay. Sa lahat ng puok daw, may alak na gawa sa tubo ng asukal (sugarcane) maliban sa Mintolang. Duon daw, ang alak ay galing sa bigas (ricewine o saki, sa wikang Hapon).

Duon daw sa Ma-li-lu, isang viuda ang nagpakamatay, sinunog ang sarili sa siga ng bangkay ng asawa. Inilibing daw ang mga alipin kasama ng amo. Ang viuda ng mga namatay na amo, mga pinuno rin ang pinili ng mga kamag-anak na mapangasawa. Balak daw magpakamatay ng mga viuda kapag walang nakitang sikat na mapangasawa. Ang pagsunog sa sarili (‘suttee’) at iba pa ay hawig sa mga lumang gawi sa India at malamang tanda ng matagal nang pakipag-ugnayan o ng pinagmulan ng mga tao sa baha-bahagi ng Pilipinas.

Hindi pa malawak ang kalakal ng mga Pilipino sa mga taga-ibang bayan ng Asia, sabi ni Wang, subalit sanay na silang makitungo sa mga ito. ‘Pinauutang sila ng mga nagkalakal na dumating’ hayag ni Wang, ‘dahil kahit minsan, hindi sila pumalya sa pagbayad.’

Sa namagitang 125 taon mula nuong panahon ni Chao Ju-kua, dumami ang mga nagkalakal sa Pilipinas. Ang mga kinalakal ay pagkit (wax), bunga ng nga-nga (betelnuts), bahay ng pagong (tortoise shell) at bulak (cotton). Dumami ang inilalakong mga bughaw (blue) at iba pang tela gaya ng ‘Mai’ na may mga disenyo at ang telang ‘kawayan’ na maniwaring hawi sa bulak (o kapok) at abaka (hemp). Sari-sari ang mga sisidlang tanso (copper and brass vessels) at bakal (iron) at mga garing (ivory).

Sinuri ni Wang ang maraming perlas sa Sulu, iba’t ibang uri at halaga. Sa Mintolang naman daw nagmula ang mga balat ng hayop at maraming kahoy - laka, bakya (sandalwood) at itim na kahoy (ebony). Lumalago daw ang lakuan sa Sulu at Mintolang, panay ang pasok ng ginto at pilak (silver), mga alak at mga buslong inukit sa kahoy (lacquerware), mga telang batik mula Java, at ang sikat na sutla (seda, silk) na kinulayan mula sa Gujarat, at mga porselana, pati na ang malalaking tapayan (jars) mula sa Chekiang (Zhejiang ang tawag ngayon), malapit sa Shanghai. (Ang malalaking tapayang ito ang tinawag na martabanes ng mga Español sa Manila mula nuong 1570.)

Sumalakay Ang Mga Pi-she-ya

Gaya ni Chao Ju-kua, binanggit din ni Wang ang mga ‘ligaw’ na tao sa Pi-she-ya (inakalang Visayas) bagama't inamin ni Wang na hindi niya nakita ang mga ito, nabalitaan lamang niya. Pulos tattoo daw ang mga katawan hanggang leeg subalit hindi niya masabi kung nasaan ang puok nila na salat daw ang lupa, at wala rin siyang alam tungkol sa kanilang kalakal.

Ang alam lamang daw niya ay ilag ang ibang mga tao sa mga taga-Pi-she-ya dahil nandudukot daw ng mga maa-alipin. Ipinagbibili raw ng 2 tael (sukat ng ginto ng Intsik, katumbas sa 1½ onsa o 28 grams) ng ginto bawat isa.

Isang manalaysay (gazetteer) sa Chuan-chou (Guangzhou ang tawag ngayon) ang naghayag

Yuan China nuong 1612 na mga Pi-she-ya ang sumalakay sa timog China nuong 1172, gamit ang mga sasakyang dagat.

Ang talaang buhay (diary) ng governador nuon duon, si Wang Ta-yu, ay naglahad na kahawig ng mga sumalakay na Pi-she-ya ang mga dayuhan na nagkalakal sa Chuan-chou. Napagkamalan pa raw ng mga tanod-dagat (coastguards) ang ilang taga-Cambodia at dinakip upang makatanggap sila ng gantimpala. Subalit pagkatapos suriin ng

governador ang laman ng mga barko ng mga taga-Cambodia, inutos niyang pakawalan ang mga bihag.

‘Kasing itim ng kahoy ang mga mukha ng mga Pi-she-ya at walang makaintindi sa salita nila,’ sabi niya. ‘Ang mga ito ay hindi Pi-she-ya!

May hayag na mga taga-Taiwan ang mga sumalakay, subalit walang ulat sa China na naglakbay dagat ang mga tagaruon. Kaya malamang, ayon kay William Henry Scott, ang mga sumalakay ay mga Visaya sa Pilipinas.

Kilala raw na mga mandarambong ang mga ito nuong bago dumating ang mga Español nang hilig nilang awitin ang kasaysayan ng isang magiting na lumusob sa China upang mapaibig lamang ang isang dalagang maharlika sa Bohol.

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata